¤{Magical 24}¤

3.6K 92 3
                                    

SAPPHIRE ISABEL'S POV

Madami na kaming nagawa. Kumain, magkwentuhan at kung ano-ano pa. Ay! Nakalimutan ko pala, nagbatuhan din sila ng mga korning pick up lines. Nandito lang ako sa tabi nakikinig sa kakornihan ng mga couple dito.

"Shane. Edi loves you!" Flare.

"Sino si Edi? Sino sya Flare?" Shane.

"EDI ako."

"Coreen loves you" Shane.

"Sino si Coreen?" Flare.

"aCOREEN" pagkatapos ng sinabi ni Shane. Sigawan sa buong kwarto. Sila Gab,James,Sky at Blue kinikilig kina Shane at Flare. Bakit di ako makarelate? Kasi wala namang nagmahal sa akin? Wahhh! Baka mamaya umiiyak na ako.

Tinuon ko ulit sa mga korning couple na kasama namin. Loveteam naman nila Sky at Blue ang babanat.

"Sky, may dala ka bang pang detect ng patay?" tanong ni Blue.

"Bakit? Kailangan mo ba?" tanong naman ni Sky.

"Oo. Malay mo madetect ako nun." Blue.

"Uh? Bakit patay ka na ba?" nagaalalalang tanong ni Sky.

"Oo. Patay na patay sayo." korni ah. Ibig kong sabihing "Ang korni nyo mga dabarkads!!!" kaso lang for sure magagalit. yang mga iyan. Sasagot kaya si Sky? Pinakinggan ko ulit.

Biglang tumamlay si Sky.

"Sky? Bakit tumamlay ka?" tanong ni Blue.

"Magkakasakit siguro ako dahil sa panahon." sagot ni Sky.

"Huh? Sakto lang naman ang panahon ah." sagot ni Blue.

"Sa mga panahong ika'y wala." may narealize lang ako ngayon. Pati babae korni na. Pero di pa rin sila nakokornihan.

Gab at James loveteam na. Ang pinaka ayaw ko. Kasi naman si Gab sinasaktan na sya eh, go pa rin ng go.

"Eto guys, seryoso to. Hindi ito banat o pick-up line." panimula ni James.

Nakinig ako. Actually nakinig kaming lahat kasi parang seryoso si James sa sasabihin nya.

"Alam mo namang, mahal na mahal kita Gab" tumango naman si Gab.

"Alam kong nakita mo ung kaninang nangyari. Yung may kahalikan akong babae." nagulat kaming lahat. Pano? Pano nya nalaman?

"Bakit mo nagawa sa akin un?" tapos nag simula ng tumulo ung luha ni Gab.

"Para pag selosin ka." sa sagot talaga ni James ako natigilan. Bakit? Bakit nya kailangang gawin yon?

"Bakit?" umiiyak na tanong ni Gab.

"Kasi.... Mahal na mahal kita. Ako ba, mahal mo ba ako?" un lang ng dahilan nya. Paranoid.

"Syempre naman." tapos nakita ko na nagdikit ung labi nila. Eww. So... Kadiri. Parang anytime masusuka ako. Napatakbo agad ako sa banyo tsaka ayun nasuka na ako. Kadiri kasi e.

"Hoy lovebirds kung gusto jyong maglandian sa kwarto ah?! Wag sa harap ng single." naiinis na sabi ko pagkabalik ko.

Tinawanan lang nila ako. Pinabayaan ko na lang sanay naman akong natatawanan lang eh.

"Ang korni nila no?" nagulat ako ng bumulong sa akin si Ace.

Tumango lang ako. Akalain mo single tong Ace na ito. Sa pogi na to--- ok. Pogi na sya. Sama nga lang ng ugali.

Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansWhere stories live. Discover now