¤{Magical 45}¤

2.7K 103 15
                                    

SAPPHIRE ISABEL'S POV

"Kamusta ka naman?" I asked her with sarcasm. T*ng*na! Dito ko lang pala siya makikita. Teka! Bakit nga na sya nandito? Wag nyong sabihing---

"Ayos lang ako dito Sapphire. Naging reyna na ako nang buong Dark Kingdom." nakangiting sagot nya sa akin. "Ikaw kamusta?" tanong naman nya sa akin. Buti wala na dito yung mga asungot kanina. Umalis eh. Pinaalis nya. "Nananahimik sa academy. Ginulo nyo pa." yan lang ang tanging nasagot ko. Di ko akalain na ito lang ang ipinagpalit nya sa akin. T*ng*na! Gusto lang pala nya nang kapangyarihan. "Dito ka nararapat Sapphire." maamong sabi nya sa akin. Natawa na lang ako ng mapakla. "Dito? Dito mo ba akong gustong palakihin? Dito mo ba ako balak itira? Sabagay maganda nga ang lugar na to para sa mga katulad nyong masasama!" hindi ko na napigilan ang sama nang loob ko kaya nasigaw ko na. Well. Kanina pa naman ako sumisigaw. "Ano? Kanino ka sasama? Sa pinakamamahal mong academy? Sa tingin mo ba hindi ka nila itatakwil pag nalaman nilang may dugo ka nang dark?" gusto kong tumayo at tsaka pagsalitaan sya nang kung ano ano. Pero tama yung sinabi nya, itatakwil at itatakwil ako nang academy pag nalaman nila na may dugo akong dark. "Ano? Natauhan ka na ngayon? Kahit anong gawin mo masama ka! Kahit anong gawin mo dito ka nararapat!" bulyaw nya sa akin. "Tama na! T*ng*na! Oo may dugo ako galing sa inyo pero hindi non ibig sabihin na kasing sama nyo na ako! Hindi non ibig sabihin tutulad na ako sa inyo!" tch! Nakakainis sya. Napatawa na lang sya. "Buti pa ang mga kapatid mo kampi sa akin samantalang ikaw parang ayaw na ayaw mo sa akin." natigilan ako sa sinabi nya. "Kapatid? So totoo ngang kapatid ko sila? Damn! Sa ilang taon na nahiwalay ako sa inyo kapatid pa! Nakakag*go lang!" naiinis kong baling sa kanya. Nagulat na lang ako sa inasal nya. Mas tumawa sya nang malakas na parang walang bukas. "Ganyan Sapphire. Magalit ka lang. Dapat lang yan. Para sa dulo sa amin pa rin ang bagsak mo." dahil sa sinabi nya nag drawing ito nang malaking tanong sa utak ko. Ano bang pinagsasabi nya? "Alam kong naguguluhan ka. Sige magalit ka pa. Magalit ka pa." tumatawang sabi nya habang papaalis sa harapan ko. Tss. Pakielam nya kung nagafalit ako pero naiwan pa rin akong blanko sa mga nangyayari. Napapikit na lang ako sa sobrang hirap hanggang sa di ko namalayan nakatulog na ako.

***

"Sapphire." maamong boses ang nagising sa akin mula sa pagkakatulog ko. Kinusot kusot konang mata ko hanggang sa namangha ako. "Prince Zamora?" namamangaha kong tanong. Nakita ko syang tumango tango at nalaman kong sya nga yon! "Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko sa kanya. Ningitian nya ako atsaka sumagot "Nandito ako para tulungan ka." Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi nya. "Ibig sabihin makakalabas na ako dito?" Nagulat ako sa naging tugon nya. "Tutulungan kita sa ibang bagay." Nagtaka ako sa sinabi nya. Saang bagay naman nya ako tutulungan? "Saan?" naguguluhan tanong ko sa kanya. Napangiti na lang ulit sya. "Tutulungan kitang labanan mo ang galit at poot dyan sa puso mo." ano? Yun lang ang pinunta nya dito?! Peste naman yan oh! "Alam kong nagagalit ka dahil hindi man lang kita tutulungang makalabas dito. Kaya di ko gagawin yon kasi alam kong kaya mo. Isa kang Dark- Light Princess." nakangiting sagot nya sa akin. "Bakit gustong- gusto ng Dark Queen na lagi akong nagagalit?" tanong ko pa. Napailing na lang sya. "Wala ka pa talagang alam..." panimula nya. Nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya. "Sa tuwing nagagalit ka, nangingibabaw sayo ang dugo nang dark, dugo na dapat na itatakwil mo." so kaya pala ganun sya kasaya. "E t*ng*na! Sino bang di magagalit sa ginagawa nya? Iniwan nya ako sa mortal world kapalit lang pala nang kapangyarihan. Tapos ano? Gusto nya akong kunin at dito tumira. Ang masama pa Prince Zamora kapatid pa ang sasalubong nya? E sino bang---" naputol ang pagsasalita ko nang biglang nag alab pa ang itim na apoy na kanina pang nasa gilid ko. Nagaalalang napatingin sa akin si Prince Zamora. "Yan ang sinasabi ko sayo Sapphire. Sa tuwing nagagalit ka mas nangingibabaw sayo ang dark..." paputol na sabi nya. "Sino kasing di magagalit pag iniwan ka nang mga magulang mo ah?!" inis kong tanong sa kanya. Nagulat ako nang hawakan nya ang balikat ko. "Labanan mo ang mali at palitan ito ng tama. Ipaglaban mo ang mabuti at wag ang kasamaan. Wag kang magpapabulag sa galit bagkus intindihin ang lahat. Wag ipilit ang ayaw baka ito'y makakasama pa. Gamitin mo ang Light spells kaysa sa Dark spells. Intindihin mo ang lahat Sapphire at iintindihin ka din nila." nakangiting sabi nya sa akin bago sya mawala sa paningin ko. Ako? Naiwan akong gulong-gulo. Parang double yung meaning non sa akin kasi sa pagkakatanda ko sinabi rin sa akin ni Lolo yon.

Ano ba kasi yung dahilan kung bakit umalis yung mga magulang ko?

_____________________

O dahil natupad nyo yung 1k votes at 20k reads. *insert sabog confetti* nag update na ako!

Yan na. Patuloy sana kayong sumuporta at sana patuloy pa rin kayo mag vote kung #TeamCyriel ka ba? o #TeamAce?

Dedicated to kay KarrehG. Salamat sa walang sawang suporta mo. Hart. Hart.

Don't forget to vote and comment. Be a fan!

Ps. Support my one shot story 'That thing called inlove ka na'

Pss. Mahal kayo ni awtor.

10 votes and inspiring update= New chapter.

Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansWhere stories live. Discover now