Chapter 1

42.5K 1.2K 296
                                    

Chapter 1: She Died

Third Person's POV

"Hindi ako natatakot sa baril."

Sagot ng isang lalaki sa pinakawalang putok ng baril ng isa pang lalaki na naroon sa lugar na iyon. Wala man lang rin na mababakas na pagkatakot sa lalaki na daplisang binaril. Maski ang bugbog nito at sugat sa katawan ay hindi niya iniinda. Patunay na isa itong naturuan ng mahusay.

Samantalang, ang lalaking sumadya ng pagbaril ng daplisan ay nilingon lang ang likod niya kung saan may isang babae na prenteng nakaupo sa isang silya habang nagsisigarilyo. Sa kaliwa naman nito ay isa pang babae na nakatayo lang ng matuwid na animo'y nakabantay lang sa paligid.


Isang tunog muli ng pagputok ng baril ang biglang bumasag sa mahabang katahimikan. Walang ni isa man ang kumibo sa kanila bagkus ay pinapanuod lang nila ang lalaki kanina na ngayon ay naliligo na ng sariling dugo.


"Hindi rin ako takot pumatay." Lintanya ng babaeng nakaupo sa silya habang hawak sa kaliwang kamay ang sigarilyo niya at sa kanan naman ay ang isang baril na may kaunting usok pa.

Maya maya lang naman ay tumunog ang telepono ng babaeng kasama nito kaya kusa itong lumayo at sinagot agad ang tawag. Wala pa mang ilang segundo rin ay pinatay na nito ang tawag at lumapit na muli sa babaeng nakaupo.

"Empress, we need to go."

Saad nito na may bakas ng malaking respeto. Walang anong sagot ay tumindig ang babaeng nagngangalang Empress, at dumiretso na sa kotse. Samantalang ang lalaki ay sinabuyan muna ng langis ang bangkay bago pagbuksan ng pintuan ng kotse si Empress. Pero bago pa man pumasok sa loob ng kotse si Empress ay tumigil ito at walang pasintabing binato nito ang kanyang sigarilyo sa bangkay ng lalaki. Ilang segundo pa lang ay sumiklab na agad ang apoy sa katawan ng lalaking iyon na ikinataas ng sulok ng labi ni Empress bago pumasok ng kotse.

Tahimik na binaybay ng tatlo ang tahimik na kalsada hanggang makarating sa isang mansion. Automatikong nagbukas ang gate nito at pumasok sila. Muli ay kusang pinagbuksan ng lalaki si Empress ng pinto habang nakamasid lang sa paligid ang babaeng kasama nila.

Dire-diretsong pumasok ang tatlo sa loob ng mansion pero maya maya pa lang naman ay may narinig silang ingay mula sa taas kasunod nito ay ang pagkita nila sa tatlong babae na mabilis na nagtatatakbo pababa ng hagdanan.


"Finally, dumating ka na din."


"Oh my gosh, I heard what will happen."


"Traffic ba sa sa ere? Ang tagal ah."


Sabay sabay na saad ng tatlong babae nang makarating sila sa pwesto ng tatlo pero ang atensyon nila ay tanging na kay Empress lamang. Samantalang, isang iling lang ang isinagot nito sa tatlo at pagkatapos ay walang pakielam na nagdire-diretso na sa pagakyat ng hagdanan. Nagkatinginan lang ang limang naiwan pero maya maya lang ay nagiritan muli ang dalawang babae habang nakatingin sa lalaking naroon. Tila ng oras lang nila iyon napansin na may kasama pala si Empress.

"Kaya pala nagtagal si E ay dahil kasama ka. The forever love and only love by our E! Kayaaah!"

Masayang masayang saad ng isa sa tatlong babae na ikinangiti lang ng lalaki at ikinalingon sa hagdanan kung saan wala na ang babaeng kanina pa niyang iniingatan.Nagtawanan naman ang dalawa pang babae sa inasal ng kasama nila pero natigil ang tatlo nang suwayin ito ng babaeng kasama kanina ni Empress.

"Stop it girls. First, maaga siyang nakauwi pero may dinaanan pa siyang dapat tapusin. Second, kasama niya talaga si Lover Boy. And lastly, let's do whatever we can do for her. Understand?"

HEARTLESS EMPRESSWhere stories live. Discover now