Chapter 16

13.2K 540 69
                                    

~62k


Chapter 16: Defeated


Empress' POV


"I wonder what suddenly happened."

"Issues as heiress maybe?"

"All exchanged students from other universities will be pull out too."

"May nangyari maybe."


Napailing na lang ako sa mga naririnig kong turan ng mga estudyante ngayon. It's been a week nang makalabas ako sa ospital. No news appeared about it since we need it for security and confidential purposes.


Kababalik ko lang ng Favillion University pero ito na ang naririnig kong kuwentuhan. Mukhang hindi pa naanunsyo ang balita pero heto at alam na nila ang mangyayari. I heard it from Ms. Louise. Hindi nagiging maganda ang nangyayaring programa nila. Exchanged students from other schools and universities are getting bullied. Isa nang halimbawa ang Favillion student na nalipat din mismo sa Empire High. Bagay na napakalaki ng diperensya namin dito sa Favillion dahil nananatiling ilag ang lahat sa amin.


"A Grande is here!"

"Kyaaaaaaah!"

"Omg he's so handsome!"


Natigil ako sa paglalakad patungo sa opisina ng Headmaster dito nang marinig ko ang sigawang iyon malapit sa entrance ng unibersidad. Madami akong kilalang may apelyidong Grande pero isa lang ang alam kong kilala ng lahat lalo na ang kababaihan.


Ang kaning kumpol ng kababaihan ay nahati at naglakad mula roon ang lalaking nasa isip ko.


"Ethan." Isang ngiti lang ang pinakawalan niya bago humarap sa isang security na kasama niya.


"For the lovely Empress." Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay ko sa kanya nang abutan niya ako ng isang paso ng mga rosas.


He made me remember someone who is too dearly for me.


Aabutin ko na sana ito nang makita ko sa likuran nito ang isa pang lalaking nakatingin lang sa amin ng blangko. What is Arkhel doing here? Gusto niya ba talagang mapatay?


Agad akong napaharap muli kay Ethan pero agad kong nakita ang pagtamlay ng mata niya bago ngumiti muli sa akin.


"Not here Ethan. Not now." Iyon na lang ang nasabi ko sa kanya nang iabot niya muli ang mga rosas. Agad akong tumalikod at rinig ko pa ang ilang pagsinghap bilang simpatya mula sa mga estudyanteng nanunuod.


Dirediretso akong naglakad muli pero hindi na sa opisina ng Headmaster ng Favillion kundi palabas na rin mismo ng eskuwelahan.


 Agad kong nilingon ang kaliwa't kanan ko at laking pasalamat ko na lang ng makita ko ang isang bulto sa gilid ng gate.


"Where's the roses?" Ilang hakbang ang agwat namin pero rinig na rinig ko ang naging tanong niya sa akin. Hindi ko siya sinagot hanggang sa siya na mismo ang tumingin sa akin.

HEARTLESS EMPRESSWhere stories live. Discover now