Chapter 8

13K 605 37
                                    

Chapter 8:  Carter Family


Empress Fuschia's POV


"Fine. Lagot ka kay Mommy! I'll tell her that you're scaring me by your voice!"


Agad syang nagtatakbo paloob ng kanilang bahay at rinig na rinig ko pa rin ang malakas niyang pagpadyak. Her mood changes just like him. Alisha is Ms. A but it will not change the fact that she is Alisha, his little sister. 


Pagpasok ko ng bahay ay ilang mga kasambahay ang agad bumati sa akin na tinanguan ko na lamang. I once went here. Pero ngayon ko lang napagmasdan ng mabuti ang loob ng bahay o sabihin na nating mansion. Of course, Carter family is a known name in business industry. 



Agad akong pinaupo ng isang kasambahay sa isa sa mga upuan sa salas kaya mas lalo kong napagmasdan ang disenyo at mga larawang nakasabit sa mga pader. Puting pintura at itim ang tema ng bahay. At ang mga larawang nakasabit sa haligi ng bahay ay mistulang timeline. Agad akong napatayo at napalapit sa isa sa mga larawan. 



Isang lalaking nakangiti habang nasa likuran nito ang isang batang babae na nakayakap ang isang kamay sa leeg habang ang isang kamay naman ay tila nakasabunot sa buhok ng lalaki. They're really cute.



Sunod sa itaas na bahagi nito ay ang apat na kalalakihan na nasa isang basketball court at mga magkakaakbay. Mukhang tulad namin ay nabuo din ang kanilang gang sa kanilang pagkakaibigan. Bagay na hindi maiikubli na naging mas matatag sila sa kanilang naging samahan bilang Graveyard Gang.



Ang ilan sa mga litrato na naagaw ng pansin ko ay ang lumang larawan ng isang kasal. Hindi ko na sinubukan pang tingnan dahil alam kong makikita ko doon ang lalaking kinasusuklaman ko na naging dahilan ng lahat ng ito. 


Sunod na mga hindi pamilyar mukha na nakita ko ay ang isang batang lalaki na walang ekspresyon ang mukha. He's familiar. Sa ilalim ng litratong ito ay ang batang lalaki din na ito na sobrang nakangiti habang hawak ang isang bola. 



"You're back here again Hija."



Agad akong napatingin sa pinanggalingan ng boses at isang nakangiting babaeng nakaasul na bestida ang nasa huling baitang ng hagdanan. Agad akong tumango at lumapit sa kanya. 



"Pasensya na at natagalan saglit. Alisha told me you were here pero hindi agad ako nakalabas ng room since Alisha told me what happened a while ago. Pagpasensyahan mo na ang bata Empress. Spoiled sa kanyang Kuya noon kaya naging sumbungera." Natatawa nitong saad sa akin.



"I'm not sumbungera Mommy!" biglang singit ni Alisha na mabilis ang hakbang sa pagbaba ng hagdanan.



"Okay. Then you're not." Agad itong humarap sa direksyon ni Alisha na ikinatakbo at ikinayakap ng bata sa kanya. 

HEARTLESS EMPRESSWhere stories live. Discover now