Chapter 10

15.4K 566 89
                                    

Chapter 10: Last Letters


Zit's POV


"Are you sure na hindi niya tayo nakita?" 



"Kung hindi man niya tayo nakita Wiz, why the hell we can't follow him anymore?"



"Xha is right. What are we going to do now Captain?"



"Oh please Yas stop calling me Captain. And Wiz, Xha. Shut your mouths." 



Agad silang natahimik pero kitang kita ko ang saglit nilang pagirap sa akin sa rear mirror. Hindi ko na lang sila pinansin pa at sa halip ay tinuon ang atensyon ko sa kalsada. Agad akong napaliko sa huling eskinita pero nang marating ko ang dulo ay napabuntong hininga na lang ako sa pagkabigo.



Pinatay ko ang makina ng sasakyan at lumabas sa van. Kinalaunan naman ay sumunod din ang tatlo at gaya ko ay nagmasid lang din sila sa paligid.



"Mukhang nakatunog na sinusundan natin siya Zit." saad ni Xha nang makalapit sa akin at naupo din sa may pintuan ng van.



"And that's makes him more mysterious for me." Agad kong sagot na agad ikinalapit sa amin ni Wiz at Yas.



"Sa tingin mo, ano kaya napagusapan nila ni E? Nagmamadali siyang magpahatid sa bahay ng mga Carter kanina diba?" Hindi na ako nagtaka nang maitanong iyon ni Wiz. Alam ko na alam nilang mansion ng Carter ang pinaghatiran ko kay Empress kanina.



"Hindi ko alam Wiz. Walang may alam." sagot ko sa kanya.



"How the hell we lost him?" biglang lintanya ni Xha na ikinatingin ko sa paligid namin. Eskinita ito at ito na lang ang huling maaaring puntahan ng lalaking sinusundan namin kanina habang sakay kami ng van. 



"Sa tingin ko ang dapat na tanong ay how did he escaped."



"What do you mean Zit?"



"Malaking distansya ang pagitan natin sa kanya mula nang lumabas sya sa eskwelahan. He's not even looking back while he was walking. Ang bawat yapak niya kanina ay sigurado kahit na madaming kanto na kanina ang nadaanan natin. It seems that he knew it from the very start. Nakipaglaro sa atin ang lalaking iyon." Iyon ang una kong naisip base sa kilos niya. At sa ginawa niyang iyon ay mas lalo akong nagdududa.



"By any chance Captain-" agad na naputol ang sasabihin ni Yas nang tingnan ko siya. Childish. "I mean Zit. Are you thinking that he's the one who trespassed and attacked our Empress?"

HEARTLESS EMPRESSWhere stories live. Discover now