Deal 15: Trauma

16.1K 312 2
                                    

Ariena's PoV

Kanina pa ako nandito sa kwarto. Naka-upo sa isang gilid.

Takot na din ako kay Vix. May hawak siyang baril. Tapos, tapos.... Pinatay niya yung papatay sana sakin.

Kanina pa din ito katok ng katok pero di ko iyon binubuksan.

Gusto ako ni Papa na tumustigo sa nangyari pero di ako nagsasalita. Natatakot ako, lalo na't alam ko'ng minamanmanan nila ang bawat galaw ko.

Nakikita ko rin sila na naka-tambay di kalayuan sa bahay namin.

"Anak, sabihin mo sa amin kung... Kung okay ka na ha?" Sabi ni Mama.

Tumango lang ako. Naka-kulong ako dito sa kwarto. Ni 'di na ako kumakain. Pati pagsasalita, nakalimutan ko na.

---

Isang buwan matapos iyon ay medyo okay na ako.

Pina-enroll ulit nila ako sa isang private school.

Lagi rin akong hinahatid ni Papa. Tinago na din niya ang baril niya.

Di naman ako galit sa kanya eh. Wala naman siyang kasalanan kasi di naman siya pumapatay.

Simula noon takot na ako sa mga taong may hawak ng baril.

---

"Riena..."

Umungol lang ako bilang sagot.

Inaantok pa kasi ako eh.

"Reina, wake up. I have something to tell you."

Napadilat agad ako ng marinig ko ang boses na iyon.

"A-anong sasabihin mo?" Tanong saka sumiksik sa headboard at hinigpitan pa ang pagkakahawak ko sa kumot

"Look, I'm sorry if I fvcking shot that damn man in front of you." Sinserong sabi niya.

"P-pero, saan mo ba kasi kinuha y-yung baril mo!" Kinakabahang sabi ko

"In the place where you hate the most... The place where my demons hide." Siya.

Aba! Ang lalim!

"A-ano... Yung importanteng sasabihin mo?" Tanong ko

"Mmm... Next month, we will go for my collogue's opening for his new business... And, I think its the time when will I tell you... Who am I." Siya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit, sino ka ba?" Tanong ko

"*smirk* You don't wanna know it... now." Sabi niya.

Tinitigan ko lang siya.

"I hope I am not mistaken to tell you the truth." Sabi niya saka lumabas na ng kwarto ko.

Kinabahan tuloy ako. Ano bang meron?

---

"Uy Bess. Kamusta ka na?" Tanong ni Trixie.

"Ayos naman ako." Sabi ko.

Pumasok na ako. Ang boring sa bahay, e. Walang makausap pag wala sina Alexzandere, kasi pinapatawag sila ni Vix. Tapos pinapatulog naman ako ni Vix nang maaga. Pag-gising ko naman, wala na siya.

Parang iniiwasan na nga niya ako eh. Madalang na din siya mag text. Di na siya tumatawag.

"Huy! Tulala ka nanaman. Kanina pa kami satsat ng satsat dito, di ka naman 'in"." Sabi ni Setevina.

Dealt With A Mafia Lord (COMPLETE)Where stories live. Discover now