Deal 20: Huh?

14.2K 290 3
                                    

Ariena's PoV

Kinaumagahan. Namadali ako dahil kailangan kong maging maaga.

Halos isang linggo din akong di pumapasok no.

Kaya kahit na di pa sila gising, umalis na ako. Magji-jeep na lang ako.

Pagpasok ko ng room ay kinausap ko agad yung katabi ko.

"A-anong lesson ninyo?"

"Ahh... Wala. Simula nung aksidente, kin-ancel lahat ng classes ng 4th year. Yan ang utos ni Lord. Kasi si Top 1, nasa bahay parin ni President. Nagpapagaling. Yung iba, napipi na at halos wala kang makitang 4th year. Si President nga nasa bahay lang niya. Inaalagaan si Top 1." Malungkot na sabi niya.

"Sina Trixie naman, ayun. Di na rin pumapasok. Banned na daw kayo. Pero bakit ka andito?" Takang tanong niya.

"Ay? Hehe! Maghahabol ng lessons?" Sabi ko na bahagya niyang ikinatawa.

Ramdam ko yung lungkot kasi lahat ng kaibigan niya kung hindi namatay ay nasa ibang bansa.

Ako din naman.

Buong araw kaming naglibot sa school para malibang.

Medyo sumigla siya.

At ngayon nandito kami sa Cafeteria.

"Umupo ka lang jan, Rash ha. Bibili lang ako." Sabi ko saka umalis na.

Bumili lang naman ako ng Budget Meal na dalawa at pagbalik ko nakatungo si Rash habang may lalaking matangkad sa harap niya.

Sino naman 'to?

"I told you not to go here but what did you do?" Inis na tanong nung lalaki

"E-eh ang boring sa bahay." Rash

"Tsk! The kids we're there." Sabi nung lalaki.

"*ehem*" ako

Sabay naman silang napalingon sakin.

Nakita ko namang napalunok si Rash.

"Sup, cousin in law." Biglang sabat nung lalaki.

Huh?

"Cousin?"

"Ahh.... Teka lang ha. Kakausapin ko lang to." Sabi ni Rash. Tumango ako tapos hinila niya palabas yung lalaki.

Yung ibang estudyante, grabe kung makatingin dun sa lalaki.

Gwapo naman kasi tapos meron din siya nung ibang features ni Vix.

Yung labi niya, ilong at aura.

Delekado, malamig at maitim.

Hinintay kong bumalik si Rash at pagbalik niya, wala na yung lalaki.

"Ka-ano-ano mo?" Tanong ko ng makaupo siya.

"Huh?" Inosenteng tanong niya

"Yung lalaki, ka-ano-ano mo?" Ulit ko.

"Ahh... A-asawa?" Di siguradong sabi niya.

Huh?

Napakunot-noo naman ako.

"Asawa ko. Pinsan ni Lord." Sabi niya saka sumubo ng pagkain.

Huh? Teka, naguguluhan ako.

"Lahat ba ng classmates natin may asawa?" Tanong ko

Napatango naman siya.

"Si President at Top 1 magasawa yan. Di lang halata. Halos lahat may asawa na. Nakapasok sila dahil yung mga asawa nila konektado dito. At karamihan babae. Yung mga lalaki, may mga fiance sa lower grades." Paliwanag niya.

Huh?

"Konektado saan?" Ako

"Ano ka ba! Sa underground, sa illegal transactions, sa smuglling, sa gambling sa--"

"A-ano?"

Huli na ng mapagtanto nito ang sinabi niya.

"Omyghash!" Bulong niya.

"Just pretend you did not hear anything." Sabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko in serious tone.

Napalunok naman siya.

"Ahhmm... K-kasi... Lord!" Biglang sigaw niya habang nakatingin sa likod ko kaya tumingin naman ako.

Si Vix ang nakita ko. Seryoso ang mukha niya habang naglalakad papunta sa direksyon namin.

"Una na ako." Sabi ni Rash at mabilis na umalis.

Ako naman kinakabahan pero di ko pinahalata.

"Ano yun?" Tanong ko

"I'll take you home."  Sabi niya

Napa-'ahh' nalang ako at tumango.

Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa parking.

Bat parang may kakaiba kay Vix ngayon? Parang malungkot?

Nagkibit-balikat na lang ako sa iniisip ko. Imposible. Pag malungkot siya, kinakausap niya ako.

Sumakay ako ng pinagbuksan niya ang pintuan.

Ikinabit niya muna yung seatbelt saka isinara at umikot para pumunta sa Driver's seat.

Hindi kami umiimik sa buong byahe. Tapos inaantok na ako. Haayy....

Inilabas ko na lang yung phone ko para magtingin tingin sa facebook kung anong bago pero, boring parin kaya pinatay ko na.

Pagtingin ko sa labas papasok na ng gate yung kotse.

Pagkaparada ni Vix ay lumabas na ako.

Tatawagan ko pa kasi sina Setavina para kamustahin.

Vixivien's PoV

What the fvck! Why is she acting like I'm stranger?

Did I do something wrong or....

Oh fvck!

Is she mad for not eating the food that she prepared for me last night?

Oh damn! I need to tame my wife.

She's so hard to tame.

All I need is to by her a cart of food so I called Calix for the foods. Her favorite food to be specific.

I go to my office library to check my other business.

Not less than a month, a war will come. And I need to show her who I am.

Not the Vixivien Housuevien that she know.

After an hour or two, Calix came.

Ariena's PoV

Nang matapos kong tawagan ang mga kaibigan ko nakarinig ako ng tunog ng sasakyan kaya sumilip ako.

Hayy... Sina Alexzandere lang naman pala eh...

Humiga muna ako sa kama. Kamusta na kaya sina President?

Sana okay na sila...

Napabalikwas ako ng may kumatok sa pintuan.

Ng buksan ko yung pintuan...

"Sorry!!" Sabi nina Alexzandere 'tas si Vix may hawak na cake na may naka sulat na sorry.

"Huh? Bakit yan?" Nagtatakang tanong ko.

Napa-kunot-noo naman silang lahat at tiningnan ang isa't isa...

"Fvck!"

"Amputa!"

"Tarannn!"

"Failed..."

Di ko sila maintindihan.

Shinigami_14

Dealt With A Mafia Lord (COMPLETE)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora