Deal 26: Hala!

13.4K 268 3
                                    

Ariena's PoV

"Sige na kasi... Ano yung sinabi mo sa kanya." Kanina ko pa sya kinukulit.

Naka-upo kamo ngayon sa kama. At kanina pa din niya ako pinapatulog.

Eh bakit ba. Gusto kong malaman ang secret nila.

"Just told him 'bout the douchè earlier." Sabi niya.

Yun lang? Tapos di pa ako natutulog kahut antok na antok na ako? Ay nako!

"A-ano? Yun lang." Sabi ko. Narinig ko naman ang mahinang pag tawa nya.

"Tsk! Why do you need to know when I know its just a shit. Now, sleep." Sabi niya

Nakabusangot akong nahiga.

----

Nagising ako dahil sa sikat ng araw.

Naninibago ako. Iba kasi ang kama dito kesa sa kama ko sa bahay ni Vix.

Sakit din ng katawan ko.

Bakit ba kasi kami takbo ng takbo kagabi. Yung feeling na ikaw yung buntis sa Train to Busan. Lakad takbo ang ginagawa mo.

Pinilit ko paring bumangon. Yung paa ko. An'sakit kaya

Paika-ika tuloy akong lumabas ng kwarto namin. Ish!

Nakita ko naman sya sa may banda sa lababo na naghuhugas ata ng pinaggamitan niya kanina sa pagluluto. May mga pagkain na kasi sa dinning table e.

Walang ingay akong naglakad palapit sa table ag dumutdot ng mga pagkain doon.

Isusubo ko sana yung gulay pero nagsalita sya nakinatigil at ikinagulat ko.

"How's your sleep?" Sabi niya. Hindi naman agad ako nakasalita ng humarap sya.

"A-ahh... Hehe! Hi! Good Moring!" Sabi ko saka isinubo yung gulay.

Tinaasan niya ako ng kilay at halatang naghihintay ng sagot ko.

Lumunok muna ako. "Hmmm... Ayos lang naman. Medyo masakit yung paa ko pero okay lang naman." Sabi ko

Hinanda ko naman yung pagkakainan namin samantalang sya naman ay inaayos yung hinugasan niya.

Tahimik kaming kumakain ng may narinig kaming naghiyawan.

Napalingon tuloy ako sa may bungad ng kusina at nakita ko sina Alexzandere na papalapit.

"F'cking assholes." Bulong ni Vix kaya napatingin ako sa kanya.

"Anong pagkain?" Tanong ni Alexzandere pero bago pa ako makapagsalita ay malutong na mura ang natanggap niya.

"Fvck! Go out and order some foods that you like. Just not what's here." Inis na sabi ni Vix kaya naman lumabas na si Alexzandere kasi sya lang naman ang pumasok.

Dealt With A Mafia Lord (COMPLETE)Onde histórias criam vida. Descubra agora