Deal 33: War

12.6K 265 1
                                    

Ariena's PoV

@ The Party 7 PM

Andito kami ni Alexzandere sa kusina. Ang akala nila ay tinitingnan namin ang mga niluto pero, bawat hawak ay nilalagyan ko na ng mga lason. Si Alex naman ay tanong ng tanong upang maliyo ang mga bantay. Tapos ko na ring ma-hack ang mga datas nila kanina sa kotse.

"Fifteen minutes left." Sabi ni Vix sa maliit na earpiece. Hindi sya halata kasi naka-dikit ito sa dangling earing ko at medyo malakas ito.

Kasya pa ang oras ko dahil tatlong pan nalang ang hindi ko pa nalalagyan.

Third Person's PoV

Ng matapos ni Ariena ang gawain ay lumabas na sya para sa Grad Entrance. Kasali doon ang Roezell Mafia, Rockfield Mafia, Salvador's, at ang Mafia ni Vix.

Ng sila ni Vix ang pumasok, lahat ng mata ay nasa kanila. Lalong humigpit ang pagkahawak ni Vix sa bewang niya dahil yun sa mga lalaking kung makatingin ay para na syang huhubaran ng mga ito. Masamang tingin naman ang ipinukol ito sa mga iyon.

Possessive talaga si Vix magmula pa noon. Pati ka-klase nitong mga lalaki ay pinapalayo kasama na ang mga bi at bakla.

Nakita naman ni Ariena si Valentine na napaka-sama ng tingin sa kanya. Kung nakakamatay man ang tingin ay siguradong patay na ito. Nginitian niya lang ito ng matamis na lalong nakapag-pagalit sa kanya.

Ipinagpatuloy nila ang paglakad papunta sa mesang nakalaan para sa kanila.

Mayamaya pa ay may mga naghahatid na ng mga pagkain sa mga bisita.

Nagkatinginan sila dahil pagkatapos lamang ng sampong minuto ay magsisimula na ang labanan.

May nagsasalita naman sa harap tungkol sa negosyo. Ang alam kasi nila ay business party ang pinuntahan ng mga ito.

Limang minuto nalang ang nalalabi saka sila tumayo. Pumunta sa sila sa gilid. Kinamusta naman ni Vix ang apat na nasa itaas at naka-tago.

"Ready..." Limang sigundo nalang.

Four...

Three...

Two...

One...

*Bang!

Isang putok ang narinig nila at doon na nagumpisa.

Nasa itaas sina Alexzandere kaya kitang-kitang ang nangyayari. Ang akala nila ay napatay na nila ang mga kalaban sa taas, hindi pa pala. May isa pa, kaya napamura nalang si Jextreve. Pinaputukan nila ito saka itinuloy ang pag-tira ng mga kalaban na nasa baba.

Nakita niya naman sina Vix na nakikipag-barilan. Pati na rin si Ariena na itinatakas ng mga Fortalejo's pero nagpupumiglas ito.

Ibinaling nalang nya ang atensyon sa mga kalaban dahil alam naman nila ang ginagawa nila.

Pinatay nalang nya ang haharang-harang sa daan.

Lahat sila ay naka-focus lamang sa mga kalaban.

Maya-maya pa ay naubos na ang mga alagad ng mga iba't ibang mafia sa sentro ng hall.

Nakatutok ang dalawang baril ni Vix kina Roezell at Rockfield. Naka-tutok naman ang baril ng dalawa kay Vix.

Ang apat naman ay naka-tago at nakatutok ang mga sniper-rifle kina Roezell at Rockfield.

Dealt With A Mafia Lord (COMPLETE)Where stories live. Discover now