Deal 21: A Week Before The Party

14.5K 272 2
                                    

Trixie's PoV

Andito ako ngayon sa 7-Eleven. Bakit? Kasi cashier ako. Part-time ko. -_-

Iniisip ko yung napanoo kong barilan sa TV ng biglang mag-ring yung phone ko.

Pagtingin ko...

09992221418 Calling....

Sino naman tong gagong 'to?

"Sino to."

(Ahh... Si ano to...)

"Oh Ano, anong sasabihin mo?" To di ko kilala 'Ano' daw yung pangalan eh

(Haha! Pwede ba kitang ayain sa up-coming party ni Mr. Housuevien?)

"Party-party! Ano namang mapapala ko dyan?" Tanong ko

(Babayaran din naman kita eh...)

"Magkano?"

(10,000)

"50,000. Gastos mo pati damit ko. Hatid mo din ako sa appartment ko. Ano, call?"

(Ay lintik! Hihirap ako nito eh!)

"Okay. Wag na."

(Oo na, Oo na!)

Inis na sabi niya saka pinatay yung tawag.

Napa-irap naman ako sa hangin.

Gago talaga yung baklang yun...

Kilala ko naman talaga yun eh. Yung asungot nang asawa ni Ariena.

Yung Alexpangit ba yun? O Zabungan? Ahh... Ewan! Basta yung may X at Z yung pangalan.

Setavina's PoV

"Ate, tatlo nga pong isaw tapos limang quek-quek." Sabi ko sa babaeng nagtitinda ng pagkain ng may tumabi sakin.

"Hi Set." Bati niya.

Taka ko naman siyang tiningnan.

"Jextrive... Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Aayain lang sana kita sa party. Eto oh yung number ko. Tawagan mo lang ako kung pumayag ka. Dibale, party yan nung mag-asawa." Sabi niya at umalis pagka abot niya nung card.

Dealt With A Mafia Lord (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon