Deal 29: Confession

13.3K 364 7
                                    


Ariena's PoV

Hindi na ata ito ang Vix na kilala ko. Oo, maraming taon na kaming magkasama. Mainitin ang ulo, maiksi ang pasensya. Busy rin sya minsan na dumating pa sa panahon na hindi na kami naguusap pero guagawa sya ng paraan para maayos ito. Hindi ko alam na baka kaya sya busy noon ay... Dahil dito. Dahil papatay sya.

"Si Miss Roezell po." Hirap na sabi ng nagiisang natira sa apat. Pinatay sila lahat ni Vix dahil sa ayaw nilang umamin.

May sugat din ito sa leeg at kagagawan ito ni Vix. Napapa-iling na lang ako. Hindi ako makapaniwala. Sa lahat-lahat ng nangyari ngayon, hindi ko alam kung makakatulog pa kaya ako.

Gustong-gusto ko siyang barilin kahit 'di ako marunong. Pero alam ko... Alam kong may dahilan siya. Malalim na dahilan. Pero bakit? Bakit di niya sinasabi sakin?

Mas tumigas at mas naging mapangahas ang itsura ni Vix ngayon. Punong-puno ng puot at galit ang mata niya.

Bibigwasan niya sana pero niyakap ko agad sya. "Vix, wag. Tama na please..." Nanghihinang pakiusap ko. Gusot na rin siguro ang damit niya dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko. Narinig ko ang pagtunong ng pagbagsak ng metal. Ibig sabihin, binitiwan na niya ang hawak niyang armas.

Iniikot naman nya ang kamay niya sya likod ko. "Don't kill him just clean him with this mess." Sabi niya sa mga tauhan niya na dali-dali namang sumunod na parang papatayin sila kung hindi ito nasunod. Malamang sa malamang, Ariena.

"Let's go home so I can explain." Pagkasabi niya 'non ay kasabay ng pagdilim ng paligid at pagbigat ng talukap ng aking mga mata.

°°°°°

Nagising ako ng may marinig akong naguusap-usap.

"Lord, sigurado ka bang aaminin mo sa kanya ang tungkol sa kung ano tayo?" Seryosong tanong ni Jextreve

"Boss, mapaahamak lang sya." Segunda naman ni Dreaven.

Hindi nagsasalita si Vix. Tumigil na rin sila sa pagtanong dahil hindi sya sumasagot. Nakakabinging katahimikan ang bumalot dito sa kwarto. Tanging tunog lamang ng kopitang may yelo na ginagalaw ang naririnig.

Parang malalalim ang iniisip nila kaya napamulat ako. Pumikit-pikit muna ako para mag-adjust yung mata ko sa ilaw.

Pakiramdam ko may naka-titig sakin. Hinanap ko iyon at tama nga ako. Si Vix. Naka-titig sakin. Seryoso sya. Parang nasakin ang iniisip niya dahil malalim ito.

"Vix..." Mahinang bulong ko. Ibinaba niya ang kopita sa lamesita saka sinenyasan sina Alexzandere na lumabas.

Lumapit naman siya at umupo sa tabi ko. Kahit natatakot ako, kailangan kong alisin iyon.

"That's my life fvcking before I met you. My daily routine was to hold a gun, do my business, and kill... Kill my fvcking enemies and those who are hindrance to my plans. I fear no one. But when you came along to my damned life, I feel fear. Fear of losing you. I don't let my enemies go near you. I killed them. I left no one. It was smooth, until that bullishit fvckin' Fieldtrip accedent happened.

Dealt With A Mafia Lord (COMPLETE)Where stories live. Discover now