3

48 0 1
                                    

Hindi na rin nakatulog ng mga oras na iyon si Ken dahil sa mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan. Naroon lamang siya sa terrace at nag-isip. Gusto tuloy niyang tawanan ang kanyang sarili. Iniisip niya ang tungkol sa kanyang nakaraan gayong wala naman siyang maalala tungkol dito.

Namalayan na lamang niyang mag-uumaga na nang maramdaman ang marahang pagtapik sa kanyang balikat. Nang lumingon siya ay nakita niya ang nakangiting mukha ni Hanna.

"Hindi ka na naman natulog."sabi nito at tumabi sa kanya.

"Napanaginipan ko na naman siya."

Rumehistro ang  pag-aala sa mukha nito. "T-The girl with a curly hair?"

Tumango siya. "Lagi siyang laman ng panaginip ko. Do you think she's been a part of my life before?"

Lalong nabahala ang dalaga sa mga sinabi niya. "N-Nararamdaman mo bang importante siya sayo?"

Natigilan siya sa sinabi nito at kagyat na napaisip. Could it be possible that the girl he keeps on dreaming is part of his life? Napabuntung-hininga na lamang siya. "I don't know." tangi na lamang niyang nasabi. Hindi nga rin niya masiguro kung ang sagot na iyon ay para sa sarili niya o para kay Hanna.

Masuyong yumakap sa kanya si Hanna. "Baka naman naging girlfriend mo iyon noong nasa Pinas ka."sabi nito sa tonong tila nagseselos.

He chuckled. Masuyo niyang hinarap ang dalaga at hinaplos ang mukha nito. "How would i know? I don't remember anything. At hindi ba ikaw na rin ang nagsabi na ikaw lang ang babae sa buhay ko?"

Bahagya namang natigilan ang dalaga. "O-Oo. Ako lang. Ako lang ang girlfriend mo."saka siya nito niyakap ng mahigpit na para bang ayaw siyang pakawalan.

Nagtataka man sa ikinikilos nito ay nangiti na lamang siya at ginantihan ang mahigpit na yakap nito.

===========

"It's nice here isn't it?"

Napataas ng kilay si Barbie ng tabihan siya ni Kit kung saan nasa may buhanginan siya at pinagmamasdan ang papalubog na araw.

Mabilis niya itong pinagmasdan. Naka swimming trunks na lamang ito at naghuhumiyaw ang kakisigan ng katawan nito. Paniguradong kanina pa maraming mata ang nakatingin dito.

Napailing-iling siya. Eh ano ngayon kung macho ito? Hindi niya ito type! "What are you doing here?"tanong niya at muling ibinalik ang atensyon sa pinapanood na sunset.

Napakibit-balikat ito. "I dunno. Maybe i just wanna hang out and make friends with you."sabi pa nito saka ininom ang hawak na coke in can.

Hindi niya pinansin ang sinabi nito.

"But i guess you don't like me being around here."

Mabilis na napalingon siya rito dahil sa sinabi nito at nakita niya itong matiim na nakatitig sa kanya.

Inismiran lang niya ito at naglakad papunta sa may dagat.

"See! Ayaw mo akong kasama!" narinig niyang sigaw ni Kit. Marunong ngang Mag-tagalog ang binata sabi niya sa sarili.

Hindi na lamang niya ito pinansin at nagsimulang lumangoy. Naka-one piece yellow swimsuit siya noon at naiinis siya kapag tinitingnan siya ng Kit na iyon na animo'y isa siyang masarap na putahe.

"Come back here! It's high tide now. Something might happen to you!"narinig niya sabi pa nito ngunit inignora na lamang niya ito at nagpatuloy sa paglangoy. Marunong naman siyang lumangoy at panatag naman siyang walang mangyayaring masama sa kanya.

Malayo-layo na rin ang nalalangoy niya at humarap siya sa direksyon sa may isla. Natatanaw pa niya si Kit na nakamasid sa kanya.

"Magsawa ka sa pagmamasid dyan!"mahinang anas niya.

She was about to swim again para ikutin sana ang isla ng maramdaman ang matinding sakit sa kanyang kaliwang binti.

Nakaramdam siya ng pagkapanic ng hindi niya maigalaw iyon at tila lumulubog na siya sa tubig.

She started panicking. Kumawag-kawag siya at kumuha ng pwera para makalangoy pa pero lumulubog lang ang katawan niya.

"Tulong! Tulungan ninyo ako!!"

Naidalangin din niyang sana ay may makapansin sa kanya. Nasaan na ba si Kit? Bakit nawala na yata ito?

Napaubo siya ng makainom ng tubig dagat. Nakakaramdam na rin siya ng panghihina dahil pinapasukan na ng tubig ang ilong niya at bumibigat ang katawan niya.

Diyos ko ayoko pang mamatay! Hiyaw ng utak niya habang tila napipikit ang mga mata niya.

She was about to lose hope nang maramdaman ang tila malalakas na bisig na humila sa kanya sa paglubog sa tubig. Nang tingnan niya kung sino ito ay nagulat siya ng malamang si Kit iyon. Dumating ito para iligtas siya. Ikinawit nito ang mga kamay niya sa leeg nito.

"Kumapit ka ng mabuti."narinig pa niyang sabi nito. Kumapit naman siya ng mahigpit rito. Natatakot siyang makabitiw mula rito.

Ilang sandali pa'y narating din nila ang pampang. Pinagkaguluhan sila ng mga tao ng pangkuin siya ni Kit at dalhin sa may buhanginan at nang makarating dun ay maingat siya nitong ibinaba. Pagkatapos nun ay pabagsak itong nahiga sa tabi niya. Kapwa sila hinihingal dahil sa pagod sa nangyari.

"This shouldn't happened if you just listen to me."nanenermong sabi ni Kit.

"Pwede ba?! Muntik na nga akong malunod,nagagawa mo pang sabihin yan!"inis na sabi niya rito. Tumayo siya para pumunta sa cottage nila pero muli siyang napaupo nang maramdaman ang pangingirot ng binti. "Aray,ang sakit!"anas niya habang marahang minamasahe ito.

Muntik pa siyang mapasigaw nang maramdaman ang pag-angat niya mula sa buhanginan. Para siyang papel sa gaan na pinangko muli ni Kit papuntang cottage.

"Ibaba mo nga ako! I don't need your help!"asik niya at inilalayo ang katawan dito.

"Oh really? Thanks to me you're still alive."sarkastikong sabi nito at mahigpit siya nitong hinawakan para di na siya makapagpumiglas.

Kahit na naiinis ay wala na siyang nagawa. Hindi rin naman siya makakapunta ng cottage ng mag-isa dahil sa sitwasyon niya.

==========

"Oh my God what happened?"tarantang sabi ni Andrea pagkakita sa kanila nang marating nila ang cottage.

"She almost got drowned."sagot ni Kit habang maingat siya nitong ibinaba sa isa sa mga upuan roon. Si Luke naman na nakikinig ay mabilis na kumuha ng mga tuwalya at ibinigay sa kanilang dalawa.

"Oh my God,girl. Ayos ka lang ba?"nag-aalalang tanong nito sa kanya.

Nginitian lang niya ito at tumango. "Buti na lang at nandoon si Kit para saklolohan ako."

Mabilis siyang niyakap ni Andrea. "Buti na lang at okey ka. Sayang naman ang love team ninyo ni Kit kung made-deads ka."

"Sira!"sabi niya rito.

"Why don't we make some coffee for them?"narinig niyang sabi ni Luke kay Andrea.

Tumango naman ito at iniwan silang dalawa ni Kit.

"Does your foot still hurt?"tanong ni Kit na nakamasid sa di kalayuan.

Bahagyang tango ang ibinigay niya rito. Nagulat pa siya ng lumapit ito sa kanya at lumuhod sa kanya at marahang kinuha ang kanyang nananakit na paa.

"You should be nice to me."sabi ni Kit habang marahang minamasahe ang paa niya.

"Why should i?"tanong niya at tinaasan pa niya ito ng kilay ng lumingon ito sa kanya.

"Coz you owe me you're life. I saved you."

"Blackmail ba 'to?"

Marahang natawa ang binata. "Sort of."

Love Me Again: Ang Barbie kong Jologs Book 2 (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon