11

48 0 0
                                    

MASAKIT man para kay Kit ang nalamang katotohanan na ang taong mahal pala ni Barbie ay ang kanyang kapatid na si Ken, isinantabi na muna niya ang sariling nararamdaman at inalo ang dalaga. Siya na ang nagprisintang ihatid na ito.

“Pwede bang ihatid mo na lang ako kina Mommy?”tanong ni Barbie sa kanya ng nasa taxi na sila.

Tumango naman siya sa dalaga at sinabi sa taxi driver ang direksyon papunta sa bahay ng mga Jimenez.

Habang nagba-byahe ay hawak niya ang kamay nito. Hindi naman bumitiw ang dalaga sa kanya na tila sa pamamagitan ng paghahawak kamay nila ay nakakakuha ng lakas ang dalaga.

Pagdating sa bahay ng mga Jimenez ay pinigilan siya ni Barbie nang tinangka niyang bumaba para pagbuksan ng pinto ng kotse ang dalaga. “Kit, kaya ko na ‘to. Magpahinga ka na. Alam kong pagod ka na rin.”

Atubili man ay tumango na rin siya. Hinawakan pa niya ang pisngi nito at hinaplos. “Magpahinga ka na rin, okay?”nang tumango ito ay hinalikan niya ang noo nito. “Tandaan mo, ayokong nakikita kang malungkot at umiiyak. Nasasaktan ako. Kaya kapag nalulungkot ka, tawagan mo lang ako. Promise, I’ll always be there for you.”

Isang tango lamang ang isinagot ng dalaga at matapos noon ay bumaba na ito ng taxi.

Siya naman ay sinundan ng tingin ang dalaga. Nakita niyang bumukas ang pinto ng bahay at iniluwa niyon si Mommy Bettina.

******

“BARBIE, anak bakit napauwi ka? Akala ko ba sa condo ka matutulog ngayon? Ba’t ganyan ang suot mo? Nakipag-party ka ba? Sino’ng kasama mo?”sunud-sunod na tanong ni Mommy Bettina nang mapagbuksan ng pinto ang dalaga. Nauliningan niya kasing may tumigil na sasakyan sa tapat ng kanilang bahay kaya napalabas siya.

“Dito na muna po ako, Mommy.”tanging nasabi lang ni Barbie.

“Bakit anak? Wala ka bang trabaho bukas?”tanong pa rin ng Ginang.

Napabuntung-hininga na lamang si Barbie. “Sige na po, Mommy.”saka siya naglakad papunta ng hagdan paakyat sa kanyang kwarto.

Naiwan naman ang Ginang na nagtataka sa inasal ng anak.

Nang makapasok na sa kwarto si Barbie ay agad niyang hinubad ang kanyang high heeled shoes at pagal na napaupo sa kanyang kama. Napatingin siya sa portrait ni Ken na nakasabit sa dingding ng kanyang kwarto. Napatayo siya at hinarap ang portrait saka hinaplos iyon. Muli ay pinangiliran siya ng luha sa mga nalaman ngayong gabi.

“K-Ken, it’s been six years that I waited for you,”sabi niya sa portrait na animo’y buhay ito. “Sa anim na taong iyon, hindi nawala ang pagmamahal ko sa’yo. Hindi ako bumitiw sa pagmamahalan natin. K-Kasi n-nangako ka na babalik ka at pinanghawakan ko ang pangakong iyon.”umiiyak na sabi ni Barbie. “P-Pero ganito ang nangyari. Nakalimutan mo ako,”natawa siya ng pagak. “Literal na nakalimutan mo ako. Dahil sa pagkakaroon mo ng amnesia, nabura na ako sa isip mo. Nawala na lahat ng mga magagandang pinagsamahan natin sa alaala mo. Nonetheless, I’m a complete stranger to you now.” Pinunasan niya ang mga luhang namamalisbis sa kanyang pisngi. “A-Ang hirap sa akin ng ganito, Ken. P-Paano na tayo?”at muli ay tinunghayan niya ang portrait ng binata at saka muling napaiyak.

******

Sa bahay naman ng mga Rosete…

Mula ng makauwi sa bahay sina Ken at Hanna ay hindi na mapakali ang binata. Hindi na tumigil sa pagdagsa ang imahe ng babaeng may kulot na buhok. Nasa kwarto na siya noon at nakaupo sa kanyang kama pero sapo niya ang kanyang ulo. Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa kanya, mula nang makita niya ang magandang babae kanina sa hotel ay ‘di na tumigil sa pagdagsa ang imahe ng isang kulot na babae samantalang malayong-malayo ang itsura nito sa naunang dalaga.

"Mahal mo ba talaga ang Jologs na tulad ko?"tanong ng babaeng may kulot na buhok.

Bumilis ang pintig ng puso niya sa pagpasok ng alaalang iyon sa isipan niya.

"Mahal na mahal ko ang Barbie kong Jologs."sagot naman niya habang yakap-yakap ito. Sa ala-ala niya ay nakita niyang masayang yumakap sa kanya ang dalaga.

"I love you Barbie."

“Ahhhhh!!”daing niya. Nakikita niya sa isipan niya ang imahe ng dalaga. Sunud-sunod na ala-ala ang pumapasok sa isip niya. 

Ang St. Clementine University kung saan siya nagtransfer noon.

Si Andrew na kalog na kaibigan ng kulot na babaeng iyon.

Si Rhea, ang babaeng umaaway rito.

Si Barbie…

Nanlaki ang mga mata niya sa pumasok na ala-ala. Hawak-kamay niya ito. Hinahalikan. Niyayakap.

“Mahal na mahal kita, Barbie…”

Parang sasabog ang ulo niya ng mga oras na iyon. Hanggang sa tumigil ang pagdagsa ng mga imahe at tumatak sa isip niya ang isang babaeng matamis ang ngiti sa kanya.

“Barbie…”wika niya na hinihingal.

******

“Barbie!! Barbie, ano ka ba naman lumabas ka naman dyan sa kwarto mo anak. Dalawang araw ka ng nagkukulong dyan!”nag-aalalang sabi ni Mommy Bettina ngunit walang sagot na maririnig mula sa loob ng kwarto.

“Ano bang problema mo anak? Bakit hindi mo sabihin sa’kin? Andito lang naman ang Mommy mo. Anak ano ba?”pakiusap ng Ginang.

“Tita!”

Nabuhayan naman ng loob si Mommy Bettina ng makitang nakapanhik na sa second floor ng bahay si Kit. “Naku, Diyos ko Kit buti na lang at dumating ka. Nag-aalala na ako ng husto kay Barbie. Ilang araw na siyang nagkukulong sa kwarto. Ayaw niyang lumabas, ayaw ding kumain. Parang awa mo na hijo, ikaw na ang kumausap at baka makinig siya sa’yo. Hindi ko na alam ang gagawin ko.”

Tumango naman siya. “Sige po, Tita.”

“Please lang Kit, tulungan mo naman ang anak ko. Simula ng iwan siya ng boyfriend niya, nag-iba na siya. Nawala na iyong makulit at masayahing Barbie. Naging tahimik na lang at malungkutin. Kung ngingiti man siya, hindi katulad ng dati na todo-bigay ang ngiti niya. Nag-iba na ang lahat simula ng mawala si Ken.”emosyonal na sabi ni Mommy Bettina.

Natigilan naman si Kit sa narinig mula sa Ginang. Napailing siya. He has to make a move. Alam niyang labis ng nahihirapan ang dalaga. “Ako na po ang bahala, Tita.”

“Salamat hijo.”

Matapos noon ay kumatok siya sa pinto ng kwarto ng dalaga. “Barbie, si Kit ‘to. Pwede ba tayong mag-usap? Buksan mo naman itong pinto. Nag-aalala na kami ni Tita Bettina sa iyo.”

Narinig niya ang mga yabag ng dalaga sa kwarto. “Kit, I’m okay. Wala kang dapat ipag-alala sa akin.”sabi nito.

“That’s not true. Alam kong hindi ka okay. Please open the door. Gusto kitang makausap.”

Matagal din bago kumilos ang dalaga. Nakahinga ng maluwag ang binata ng makitang gumagalaw ang doorknob ng pinto.

Pero laking gulat nila ng makita ang itsura ni Barbie.

“Diyos ko po!”tili ni Mommy Bettina.

Si Kit naman ay ‘di makapaniwalang tiningnan mula ulo hanggang paa si Barbie. Kulot ang buhok nito. Walang make-up at jologs na jologs ang porma.

“Anak, anong nangyari sa’yo? Bakit ganyan na naman ang itsura mo?”naghuhurumintadong sabi ni Mommy Bettina.

Si Barbie naman ay di kumibo at tumalikod saka bumalik sa loob at umupo sa kama.

“Kit! Kit, pabalikin mo siya sa dati! Gumawa ka ng paraan para maging normal ang anak ko! Diyos ko ano ba ‘tong nangyayari sa anak ko?!”naghihisterikal nang sabi ng Ginang.

Napatingin naman si Kit sa dalaga. Kailangan na talaga niyang kumilos.

Love Me Again: Ang Barbie kong Jologs Book 2 (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon