13

47 1 0
                                    

Tulalang napatingin na lamang si Barbie kay Ken ng mga oras na iyon. Tila hindi siya makapaniwala na kaharap na niya ito ngayon. Anim na taon niya itong hinintay at heto ito ngayon, nakatayo sa harap niya. Gusto niya itong lapitan at yakapin. Gusto niyang sabihin dito na kaytagal niyang hinintay ang pagbabalik nito pero tila namanhid ang buo niyang katawan.

"Hi,"kaswal na bati ni Ken sa kanya. Ini-extend pa nito ang kamay nito para makipagkamay sa kanya. "Nice to meet the model for R Collections."

Tila naman natauhan siya sa pagsalita ni Ken. Saka lang niya naalala na may amnesia nga pala ito at hindi siya nito naaalala. Nilukuban ng lungkot ang kanyang puso.

"Barbie..."untag ni Vince sa kanyang pananahimik.

Napapitlag naman siya at naalala ang kamay ni Ken na nasa ere pa rin at tila hinihintay ang pagtanggap niya. Wala sa loob na nakipagkamay siya rito ngunit natigilan din siya ng maramdaman ang init ng palad nito. Gusto niyang manlambot ng mga oras na iyon. The warmth of his hand on hers, sobrang namimiss nya iyon. "Nice meeting you too, Sir."halos pabulong niyang sabi.

"Good luck on your photo shoot."seryoso nitong sabi at binitawan na ang kamay niya at saka tumalikod kasama ang isang magandang babae. Umupo ang mga ito sa isang sulok paharap sa ginagawang photo shoot.

Napatanga naman siya. Ibang-iba na kung kumilos ang binata. Tila laging seryoso.

"Mukhang na-star struck ka kay Mr. Rosete ah,"pukaw ni Vince sa kanya habang pinagmamasdan pa rin niya ito. "But sorry to disappoint you, dear, but his already taken."

Agad na nabaling ang tingin niya kay Vince.

Napangiti naman ito ng makita ang pagka-interes niya sa sinabi nito. "Yung girl na kasama niya, that's Hanna. His girlfriend. I think nagsasama na rin sila. Uso naman yata sa America 'yon."

Muli ay napatingin siya sa kinaroroonan ng binata. Kasama nito ang tinuturo ni Vince na girlfriend ni Ken na si Hanna. Ngayon lang niya napansin ang pagdikit ng husto ni Hanna kay Ken. Lagi din nitong hinahawakan ang kamay ng binata. Parang gustong madurog ng puso niya ng mga oras na iyon. Just by looking at them, she knows that Ken really moved on. Gusto niyang umiyak.

"Okay guys, lets start!"tawag ni Vince sa mga kasama sa photo shoot.

She let out a sigh. This will be a long day for her.

*****

Matamang pinagmamasdan ni Ken si Barbie na kasalukuyang kinukunan ng photographer na si Vince. Si Barbie iyon, nasisiguro niya iyon. The way she moves, the way she look, yes those innocent look she used to do before. She has changed a lot. Ng huli niya itong makita ang buhok lang nito ang nabago, pero ngayon, she is very gorgeous. Natatandaan pa kaya siya nito? Pero hindi man lang ito nagbigay ng pahiwatig na kilala siya nito. She even called him "Sir". Kinalimutan na siya nito. But then again he knows it was his fault on the first place. It was 6 years at hindi na niya ito nabalikan. Ngayon lang nagbalik ang ala-ala niya at pakiramdam niya huli na ang lahat. Lalo pa't buntis na si Hanna. Ngayong nagiging malinaw na sa kanya ang lahat. Kaya pala hindi niya matandaan si Hanna dahil hindi naman talaga naging parte ng buhay niya ang dalaga. Na nakilala niya lang ito sa London noong panahong umuwi siya. Na ipinakilala lang siya ng Mama Merced niya dito simula pa lang ng pagdating niya sa London. Hanggang sa magka-amnesia nga siya. At ngayon nga naaalala na niya ang lahat, hindi niya mapaniwalaan ang mga nalaman. Paano siya nagawang lolokohin ni Hanna maging ang Mama nya?

"Hon..."untag ni Hanna sa kanya at kinukuha ang atensyon niya mula sa pagmamasid kay Barbie. Yumapos pa ito sa braso niya. "Can we go out on a dinner tonight?"

Agad naman niyang tiningnan ang nobyang katabi. "Sure."saka muling iginawi ang tingin kay Barbie. Hindi na niya napansin ang kagyat na pagsimangot ni Hanna.

*****

Naiinis naman si Hanna sa pambabalewala ni Ken sa kanya. Ilang araw na itong wala sa sarili. Hindi naman ito nagsasabi ng kung anuman sa kanya. At kanina nga, hindi niya gusto ang paraan ng pagtitig nito sa modelo ng R Collections. She admits maganda ito. At sa pagkakatanda niya, ito ang nakita niyang tinitingnan ni Ken noong fashion show. Pakiramdam niya threat para sa kanya ang babaeng iyon. Ngayong buntis siya sa anak nila ni Ken, alam niyang hindi na siya nito iiwan. Pero ano bang alam niya, baka akitin ng babaeng iyon si Ken.

****

It was almost 4 pm ng matapos ang photo shoot. Barbie's exhausted. She has never been that tired before since she became a model. Paano ba naman, parang gusto niyang malusaw sa paraan ng pagtitig ni Ken sa kanya. Hindi nito inaalis ang tingin nito sa kanya throughout the entire photo shoot. Dagdag pa no'n ang iritasyon niya sa nobya nitong maya't maya ang komento sa pictorial, kesyo pangit ang make-up niya o di bagay sa kanya ang damit nya. The girl's starting get into her nerves!

She's in her dressing room and fixing her stuff before leaving. Wala si Andrea para samahan siya dahil nasa Australia ito kasama ang boyfriend nito. Okay lang naman iyon dahil kaya naman niya ang sarili niya. Iki-kwento na lang din niya rito ang lahat-lahat pag dumating ito.

Papalabas na siya noon ng dressing room ng siya namang papasok roon si Kit.

"Oh, ba't nandito ka?"

"Sinusundo ka,"nakangiting sabi ng binata. Sa kabila ng katotohanang kapatid nito si Ken, hindi nagbabago ang pagtingin niya rito. Ganun pa rin naman ito sa kanya. Caring and thoughtful.

"Okay,"sabi nya na napangiti din. "Makakatipid ako sa pamasahe nito."biro pa niya rito.

Agad naman nitong kinuha ang mga gamit niya.

"Alam mo bang nandito si Ken?"

Napatigil si Kit sa paglalakad. "H-He's here?"

Tumango siya. "Yung line of clothes ninyo ang mino-modelo ko eh. I met him kanina. Kasama niya yung girlfriend niya. Mukhang okay naman pala ang kapatid mo."pakaswal niyang sabi.

Natahimik naman ang binata. Tila hindi nito inaasahan na magkikita ang dalawa. Iniisip nito kung ano ang nararamdaman ng dalaga ng magkita ito at si Ken. Napailing na lamang ang binata. It is really a small world.

Nagpatuloy na lamang sila sa paglalakad at palabas na sila ng building.

"Kit!"

Napalingon sina Kit at Barbie sa kanilang likura para makilala ang tumawag sa binata. Kapwa pa nanlaki ang mga mata nila ng makitang kasunod lang nila sina Ken at Hanna.

"I knew it, it was you."nakangiting sabi ni Ken kay Kit ng makalapit sa kanilang dalawa. Saglit na tumingin ito kay Barbie.

"Nandito ka rin pala, Kit."sabi naman ni Hanna na nakapulupot kay Ken. "Magkakilala kayo?"tukoy nito kay Barbie.

Tumango naman bilang sagot si Kit.

"Is she your girlfriend?"pag-uusisa pa nito.

Natigilan naman si Kit. Nakita nyang napatitig sa kanya si Ken.

Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ng nagtatakang si Barbie. "Yes, she is my girlfriend."

Nanlalaki ang matang napatingin sa kanya si Barbie. Si Ken naman ay nakakunot-noo na ng mga oras na iyon.

Love Me Again: Ang Barbie kong Jologs Book 2 (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon