14

36 0 0
                                    

Nanlalaki ang mga matang tumingin si Barbie kay Kit matapos ideklara ng binata na girlfriend siya nito. Mariin niyang hinawakan ang kamay nito na tila ipinapahiwatig na nais niya ng paliwanag mula rito. Ngunit isang makahulugang ngiti lamang ang ibinigay ni Kit sa kanya.

"Hindi ko alam na may relasyon pala kayo,"ngiting-ngiting sabi ni Hanna. "Hindi ka naman kasi nagku-kwento about your love life, Kit. You know what bagay na bagay kayong dalawa, right hon?"saka ito tumingin sa gawi ni Ken.

Napatingin siya sa gawi ni Ken at nakita niya ang seryosong mukha nito habang nakatingin sa kanya. Nahigit niya ang kanyang hininga. Alam niya ang ganoong ekspresyon ng mukha ng binata. Galit ito! Pero ano ang pwede nitong ikagalit? Dahil sa nalaman nitong may "relasyon" sila ni Kit? Bahagya niyang naipilig ang ulo. Imposible ang iniisip niyang iyon, hindi nga siya maalala ng binata at may nobya na rin ito kaya walang dahilan para magselos ito.

"Hon?"untag ni Hanna ng 'di sumagot ang binata.

Napaiwas naman ng tingin si Ken at saka tumikhim. "Ahh... Y-Yeah."

"Anyway guys, we better get moving. Ihahatid ko pa si Barbie. See you at the house Ken, Hanna."pagpapaalam ni Kit sa dalawa. Ng mga oras na iyon ay gusto niyang ilayo na sa lugar na iyon ang dalaga. Alam niyang na-i-stress na ito sa mga nangyari rito sa buong maghapon. Hindi na niya hinintay pang sumagot ang mga ito at iginiya na niya papunta sa exit ng building ang dalaga.

"Kit, wait!"pahabol na tawag ni Hanna sa binata bago pa man sila makalabas ng building.

Pareho silang napatigil sa paglalakad at nilingon ito. "Bakit, Hanna?"tanong ni Kit kay Hanna na nakasunod na sa kanila habang tahimik na nakabuntot rito si Ken.

"I was thinking if you would like to join us for a snack. Para naman makabonding kita at si Barbie."nakangiting sabi ni Hanna. "Para na rin iyong double date di'ba?"

Nakatinginan sina Kit at Barbie. Both of them knew they don't like the idea.

"Nakakahiya naman yata iyon sa inyo ni Sir Rosete. Baka makaistorbo pa kami sa inyo."sabi ni Barbie.

"Nakakahiya? Of course not! Ang ganda nga n'on kasi makikilala natin ng husto ang isa't isa. Tsaka magkapatid naman itong sina Kit at Ken kaya they won't mind it, 'di ba, Hon?"

Alanganin man ay napa- tango na lamang binata.

Lumuwang naman ang ngiti sa mga labi ni Hanna. "See, i told you it's really fine with us. Kaya 'wag na kayong tumanggi. May dala ka namang kotse Kit di ba? Kaya convoy na lang tayo papunta ng restaurant okay?"saka nito sinabi ang pangalan ng restaurant na pupuntahan nila. "Hihintayin namin kayo doon ha?"saka ito nagpaalam kasunod si Ken na nilingon pa muna si Barbie bago tumalikod.

Napabuntung-hininga na lamang si Barbie. Ang alam niya ay nagmamadali siyang umuwi para matakasan ang presensya ni Ken, pero heto't mukhang makakasama pa niya ito ng ilang oras.

"Tara na."pagyaya ni Kit at hinawakan ang siko niya para alalayan siya sa paglabas nila at pagpunta sa parking lot ng building.

Tiningnan niya ito ng masama. "You have a lot of explaining to do, Mister."

******

Mahigpit na hinawakan ni Ken ang manibela ng minamaneho niyang sasakyan. He needs to keep focus on his driving despite the thoughts coming in to his mind. Hindi siya makapaniwalang magkakilala sina Kit at Barbie, higit sa lahat ang katotohanang may relasyon ang dalawa. Nakaramdam siya ng pinong kirot sa puso sa pagkakaalala kung paano hawakan ng Kuya niya ang kamay ni Barbie. He can also see the love in Kit's eyes everytime he look at her. 

Kaya ba hindi man lang siya pansinin ng dalaga dahil may mahal na itong iba? Na kinalimutan na siya nito ng tuluyan at nagmahal na ng iba at sa nakakatandang kapatid niya? Gusto niyang paghahampasin ang manibela ng kotse ng mga oras na iyon. He can't help but get jealous. But then alam niyang wala siyang karapatan. Six years na ang lumipas at alam niyang pimaghintay niya sa wala ang dalaga. Hindi niya masisisi ito kung maghahanap ito ng iba na hinding- hindi ito iiwan.

"I'm really surprised na may girlfriend na pala itong si Kit. At sa model pa natin ha? Hindi naman kasi nagki-kwento yang kapatid mo. I thought he was all fun and play, pero yun pala seryoso din sa pag-ibig. At sa nakikita ko, mukhang seryoso siya kay Barbie. I won't be surprised if mauna pa silang ikasal sa stin."litanya ni Hanna na tumingin pa sa likuran ng kotse upang tingnan kung nakasunod sa kanila sina Kit at Barbie.

Napabuntung-hininga naman si Ken. Ng mga oras na iyon ay ayaw na muna niyang makarinig ng anuman tungkol kay Barbie at kay Kit. Aminado siyang nagseselos siya. At kapag ganoong nagseselos siya ay nakakaramdam siya ng guilt para kay Hanna. Kahit pa sabihing may kasalanan sa kanya ang dalaga ay hindi niya maiaalis ang katotohanang dinadala nito ang anak nilang dalawa.

******

"Why do you have to tell them that we have a relationship gayong alam mo namang hindi iyon totoo?"nakahalukipkip na sabi ni Barbie kay Kit habang sinusundan nila ang kotse ng magkasintahan na Ken at Hanna. Hindi naman siya galit sa binata. She was just surprised on what he said.

Napabuntung-hininga naman si Kit. Ang mga mata nito ay nakatuon sa daan pero kababakasan doon ang lungkot. "I'm sorry."maya-maya'y sabi nito. "Ayoko kasing nasasaktan ka. Alam kong masakit ang makita si Ken kasama si Hanna. Ako ang labis na nasasaktan para sa'yo. So, to save you from that uncomfortable situation, i decided to play as your boyfriend. Just in front of them. Ayoko lang makitang kinaaawaan mo na naman ang sarili mo."dagdag pa nito na bahagya pang lumingon sa kanya upang ipakita na sincere ito sa paghingi ng tawad at pagpapakita ng malasakit rito.

Napatulala naman siya ng dahil sa mga sinabi nito. Galing ba sa langit ang lalakeng ito at bakit ganoon na lamang ito kabait sa kanya? Pero ang isang bahagi ng kanyang puso ang nagsasabing ganoon siya kamahal ng binata na ang lahat ay gagawin nito. Napailing- iling siya. "I don't think this is a good idea. Paano kung malaman ito ng ibang mga tao? Siguradong magtatanong ang mga iyon."

Napabuntung-hininga na lamang si Kit. "If you're against with my idea, i guess i'll just have to tell them that it is not true that we have a relationship and i was just playing joke on them."

"Tapos ano? Magmumukha tayong ewan sa harap nila?"saka siya napapalatak. Marahas siyang napabuga ng hangin. "Alright, sige na. Magpanggap tayong "lovers" sa harapan nila."

"Talaga? Pumapayag ka?"tila 'di makapaniwalang sabi ni Kit na nilingon pa siya to see if she's telling the truth.

She gave a simple smile. "Oo nga ho."

Napangiti naman si Kit. "Salamat. Promise, I'll be the best boyfriend ever."

"You don't have to do that. Nagpapanggap lang naman tayo eh."

Umiling-iling si Kit. "Kahit na. Nagpapanggap man tayo o hindi, i promise to be the best boyfriend to you. I'll care and love you the way a boyfriend should be to his girl."

Parang gustong matunaw ng puso ni Barbie ng mga oras na iyon. Napakaswerte niya to have someone like Kit. Alam niyang mahal na mahal siya nito and despite their situation, hindi siya nito iniwan at pinabayaan. She is so thankful to God for having Kit. Kung pwede lang sanang turuan ang pusong magmahal, matagal na niyang ginawa iyon.

Love Me Again: Ang Barbie kong Jologs Book 2 (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon