Chapter 02

10.4K 376 6
                                    

Lucy's PoV

Naglalakad ako ngayon pauwi dahil na-flatan ako ng gulong Habang naglalakad ako may nararamdaman kong sumusunod sakin. Pumunta ako sa may iskinita para masigurong sumusunod nga siya. And confirmed, sinusundan niya nga ako, tumigil ako't tumingin sakanya.

Lalaki siya at naka-hood na black. Paano ko nalamang lalaki? Dahil sa lakas ng presensya nya.

"What do you need?" Tanong ko sakanya. Tinanggal niya muna ang hood niya at nakita ko ang red niyang mata. Weird.

"You" sabi nya sakin. Creepy~ tsaka shunga ba 'to? Tanong ko 'what' hindi 'who' tss.

"What do you need from me?" Nagtatakang tanong ko sakanya but cold pa rin. Hindi ko parin tinatanggal ang hood ko. "You. I need your power." Brr~ nakakakilabot naman ang boses niya. Huh? He needs my power? For what?

Nakita kong bumubuo siya ng itim na usok sa kamay niya. Dark dragon slayer. Ibinato niya ito sakin pero nakatayo lang ako. Itinaas ko ang kamay ko at tinanggal yung gloves tinapat ko ito sa dark ball na ibinato niya sakin at bigla na lang itong nag-vanished.

Whoa! Lupet nun! Sabi kasi sakin nila Mom, ice daw ang power ko. Kaya nag-isip ako ng mga 'ice spikes' nakita ko namang may nabubuo sa kamay ko at ng marami na ito ay tinapon ko agad agad sakanya.

Nataranta naman siya kasi nga marami ang ibinato ko, kahit tirahin niya pa ito ng kung ano-ano hindi 'yan basta-basta masisira. Kaya ayun tumusok lahat sa katawan sya at gumawa naman ako ng paghuli. Tinutok ko 'to sa puso niya at voila! Naging abo na siya. Sayang, walang ka-thrill thrill yung laban.

Dumeretso na ako sa bahay. First time ko pa lang magamit ang power ko. Ewan ko ba, bakit ang bilis kong magamit eh hindi naman ako nag-training. Ang gulo.

Pagkarating ko sa bahay ay hinubad ko na ang hood ko. Nakita ko sila Mom and Dad na nasa sala. Halatang hinihintay ako. Kiniss ko sila sa cheeks.

"Baby.. We want to tell you something..." Panimula ni Mom.

"Go on"

"Baby.. Hindi mo talaga kami magulang. Pinaubaya ka lang sa amin ng Hari't Reyna ng Immortal World. Pero totoo yung pangalan mo, Lucy Maria Blake Zoe Godneel-Evestill. Isa kang God Slayer. Ikaw ang nag-iisang God Slayer. Pinatago ka sa amin ng iyong magulang para iligtas ka sa mga Dark dragon slayer. Ngunit nabalitaan kong hinahanap ka na nila. Kaya sinabi ko na sayo ito para maging alerto ka" mahabang paliwanag sakin ni Mom. Hindi pa ako nakaka-recover sa pagka-gulat ay bigla namang nagsalita si Dad.

"Pero dapat walang maka-alam na ikaw ang God Slayer dahil alam kong magkakagulo. Kaya gamitin mo muna ng isa mong kapangyarihan. Wag na wag mong gagamitin lahat" paalala naman sa akin ni Dad.

Napa-buntong hininga ako "Mom, Dad, I understand. But kanina nung pauwi ako nakaharap ko ang isang dark dragon slayer. Nagamit ko ang Ice power ko" sabi ko sakanila. Hindi ko na isinali ang mga sinabi sakin nung dark slayer, alam ko naman kasing mag-aalala sila.

"Great! Nagamit at nakabisado mo ito ng mabilis! Well, bukas pala papasok ka muna sa school. Tapos i-eenroll na kita sa Slayer Academy. Dun ka na mag-aaral para wala ng mapahamak at makakilala sayo" sabi sakin ni Mom. Tinanguan ko nalang sila.

Ang totoo niyan nagulat talaga ako, sino ba namang hindi? Ang kaisa-isang pinaka-malakas na slayer na hinahanap-hanap ng lahat ay ako pala? Ngayon naiintindihan ko na. Kaya pala nakikita ko ang mga aura nila. Kaya pala malakas ang pandinig at pang-amoy ko. Kaya pala matalas ang mata ko. Kaya pala gano'n ako katalino at kagaling sa lahat. Dahil ako pala ang God Slayer. Ang pinaka-makapangyarihan sa lahat. At ako din ang matagal ng hinahanap nila, ng mga dark slayer. Hinahanap ako ng mga taga-Light Land para iligtas sila. Hinahanap naman ako ng mga taga-Dark Land para kunin ang kapangyarihan ko. Kaya pala mabilis akong makaramdam ng mga forces. Kaya pala mabilis akong makahagip ng presensya. Kaya pala hindi ako napapagod or pinagpapawisan man lang.

Slayer Academy [ Editing ]Where stories live. Discover now