Chapter 18

5.5K 177 9
                                    

>Lucy's POV<

Nandito ako sa harap ng Gate.

I'm back!

One month has passed but I'm still the same. Cold, silent and snob, or maybe not haha

One month akong nag-trainig at isa lang ang masasabi ko. Mahirap! Pero... Success naman.

Dala-dala ko ngayon ang isang maleta at isang bag pack. Nasa labas parin ako. Hinihintay ko si HM eh!

Tagal naman ng tandang yun!

"Hindi ako tandang!" Ay! Nandito na pala sya sa harap ko.. At binasa pa talaga ang isip ko. Tsk.

"Weh?" Mapang-asar kong sabi sakanya.

Impluwensya ni Blake! Hahaha.

"Aish! Tara na nga sa loob!" Nainis agad?! Hahaha.

Naglakad na sya at sumunod naman ako. Hindi na ako nagho-hood noh. Sabi kasi sakin ni Blake. Wag ko raw itago ang ganda ko. Hehehe.

Bolero din pala yun!

Nandito na kami ngayon sa Field at lahat ng Slayers ay nakatingin sakin na parang hindi makapaniwala.

'Omo! Bumalik na sya!' Halata naman diba?

'Omy! Ang ganda parin nya!' Dati pa. Haha.

Oo na! Ang hangin ko na ba? Hahahaha. Kasalanan ni Blake! Hindi ko nalang pinansin ang mga bulungan nila.

Dumeretso na ako sa Room. Alam ko naman yung room ko eh. Di naman ako malilipat ng Room noh! Subukan lang nila.

Pagdating ko sa tapat ng room ay narinig kong nagle-lesson na pala... Kaya ang ginawa ko sinuntok este kinatok ko yung pintuan. Hehe.

Narinig ko na ang mga yapak netong teacher na'to. At binuksan na!

Pagka-bukas ng pintuan ay halos lumuwa na ang mata ng teacher.

Halou~ nakakita ha sya ng multo? Ganda ko namang multo duh! Ay taray ko hahahaha

Hindi ko na sya pinansin at dumeretso sa loob. Pumunta sa gitna malamang.

Nakangiti akong naka-tingin sa kanila. Nararamdaman ko na.. Malapit na sya. Haha.

>Flame's POV<

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon... Si MY Zoe. Nasa harapan na sya mismo. Pero kailangan ko pa ba talaga siyang tawaging 'MY Zoe'? Ako pa rin ba ang nagmamay-ari sakanya? O iba na.. Hays

Nakangiti sya. Ang ganda talaga nya.

Bumalik na sa katinuan si Miss at bumalik sa upuan nya.

Magsasalita na sana ulit sya ng bumukas ulit ang pintuan kaya napatingin kami doon.

Napatingin naman kami kay MY Zoe na tumatawa ngayon.

"Haha. Bagal mo naman kase eh! Yan tuloy naiwan kita! Haha" what the--?!

Napatingin ulit ako sa taong tinuro-turo nya. Putca! Lalake talaga?!

"Heh! Hindi ako mabagal. Sadyang mabilis ka lang talaga!" Asar na sabi nitong taenang lalaking to na papalapit ngayon sa MY Zoe ko.

Tumigil na sa kakatawa si MY Zoe at humarap samin ng naka-ngiti.

"Hello! Lucy Evestill. Long time no see guys!" Masayang bati nya at kumaway kaya naghiyawan sila.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang saya ko na nandito na ulit si MY Zoe.

"Uy! Blake! Pakilala ka nga!" Sabi nya dun sa lalaking medyo kahawig ko at siniko-siko.

Slayer Academy [ Editing ]Where stories live. Discover now