Chapter 29

4.8K 135 6
                                    

>Blake's POV<

Sht! Tatlong araw na ang nakalipas pero wala pa ring Blaze na bumabalik. Nagising na rin kahapon si baby Ashy at hinahanap niya sakin si Blaze, hindi ko masabi sakanya ang totoo, kaya sinabi ko na lang na nag-eensayo si Blaze sa malayong lugar para hindi niya hanap-hanapin. Aish! Blaze, asan ka na ba? Babalik ka pa ba? Hays.

Nakarating ng ligtas dito si Flame pero nung tinanong ko siya kung nasaan si Blaze, nakatulala lang siya, at puro iling lang ang sagot niya. Imposible namang wala na si Blaze! Eh ang lakas lakas ng babaeng yun, tapos matalino pa!

Papalapit na pa naman yung digmaan pero wala pa rin si Blaze, paano na yung mission naming dalawa? Ako na lang ba ang tatapos nun? Sht naman oh! Lahat ng slayers dito sa academy ay nag-eensayo na pwera lang sakin, kahit pinipilit ako ni HM pati nina Alysa na mag-ensayo, tumatanggi pa rin ako. Mas gugustuhin kong maghintay kay Blaze kahit walang kasiguraduhan kesa naman sa makasama kong mag-ensayo ang mga traydor. Tss. Nalaman kong sina HM, Alysa Aqua at Trish Terra ang mga traydor dito sa academy, paniguradong hindi alam nina Cloud, John and Flame na traydor ang palagi nilang kasama.

Kagabi ko lang nalaman na pati si Trish Terra ay traydor, naglalakad lakad lang kasi ako nun sa garden, iniisip si Blaze. Then napatingin ako sa babeng naka-red hood, balak ko sana siyang sugurin dahil alam kong isa siyang dark slayer, pero napatigil ako sa pagbato sakanya ng itim na apoy nung tinanggal niya ang hood niya. Natulala ako kasi hindi ko inaasahang traydor siya. Si Trish Terra.

Then after nun lumayo ako sakanila, pati kay HM, lagi ko na lang sinasabi na busy ako, na may gagawin pa ako kay baby Ashy. Well, meron naman talaga akong ginagawa kay baby Ashy, tine-train ko siya simula nung nagising siya, alam ko na rin naman ang kapangyarihan niya noh. Palakas ng palakas si baby Ashy, at natatalo na niya ako sa bawat pag-eensayo namin. Manang mana siya kay Blaze, kuhang kuha niya ang kapangyarihan ni Blaze. Hays. Namiss ko nanaman tuloy ai Blaze. Ano na kayang nangyayare sakanya ngayon?

>Lucy's POV<

"AAAAHHHH!!!!!" Malakas na sigaw ko pagkatapos akong suntukin ni Dark Lord, hindi lang basta normal na suntok, may kasamang itim na kapangyarihan yun. Sht! Wala akong kalaban-laban, naka-posas ang mga kamay at paa ko. Hingal na hingal ako, may dugo na rin ako sa gilid ng labi at halos mapuno na ng pasa ang katawan ko.

"God slayer, pinakiusapan naman kita ng maayos eh. Kaya pumayag ka na" pagtutukoy ni Dark Lord sa plano niya. Napa-tsk na lang ako. No choice, mas gugustuhin ko ng mamatay na may nagagawang tama kesa sa mamatay dahil lang sa bugbog.

Bigla akong napa-ubo ng dugo nung sinuntok niya ako sa tiyan. Sht! "Eto na nga oh! P-papayag na!" Puno ng sakit at inis kong pagsuko. Bigla naman siyang tumawa ng mala-demonyo, ay mali, demonyong tawa talaga. Tsk!

"Buti naman BWAHAHA. Lucifer!! Ihanda na ang mga gamit!" Isa pa itong si Lucif, walang ibang ginawa kundi ang panoorin lang ang mabugbog. Ano pa bang aasahan ko sa isang taong minsan na akong sinaktan? Tsk. Tinignan muna ako ni Lucif na para bang gusto niya akong lapitan at nasasaktan rin siya sa sinapit ko, anong magagawa ng tingin niya? Matutulungan ba ako nun? Magagamot ba ako dahil lang sa mga tingin niya? Hindi naman. Tsk!

Tinayo ako ng mga kawal na halimaw, ba't kailangan pa akong itayo kung pwede namang tanggalin na lang yung posas sa kamay at paa ko. Walanghiya naman kasi eh! Hindi ko naman magamit yung kapangyarihan ko, may kung ano sa posas na 'to ang pumipigil sa kapangyarihan ko. Kaya wala talaga akong kalaban-laban kay Dark Lord.

Dinala ako ng nga kawal sa isang laboratoryo? Sht! Wag niyong sabihin na pag-eeksperimentuhab ako? Sht lang! Bigla akong nilagay sa loob ng isang cubicle na gawa sa salamin, hindi pa rin nila tinatanggal ang posas sa kamay at paa ko. Huhu. Nahihirapan na ako. Blake, sana nandito ka. Blake..

May sinasabi si Dark Lord pero hindi ko marinig kasi nasa labas sila. Ako lang ang nilagay rito. Nabigla ako nang pinindot ni Dark Lord ang red button. Unti-unti akong nakukuryente sa loob ng cubicle at hindi ko na mapigilang hindi sumigaw.

"T-TAMA NA!!! AAAAHHHHHH!!!" Pilit kong binabasag ang salamin sa harapan ko pero unti-unti akong nanghihina. Nahihilo na rin ako dahil sa sobrang sakit. Narinig ko bigla ang isang malakas na demonyong tawa ng Dark Lord. Napa-luhod na ako sa sakit. "T-tama na. Please..." Mahina kong pagmamakaawa. Unti-unti ng sumasara ang mga mata ko, bagsak na bagsak na rin ang katawan ko.

Blake, asan ka? Bakit wala ka rito para iligtas ako? Blake... Then everything went black.

>Lucifer's POV<

Awang-awa ako kay Lucy pero wala akong magawa. Gustuhin ko man siyang kunin sa loob ng cubicle eh hindi ko magawa, inis na inis ako ngayon sa sarili ko kasi pinabayaan ko si Ama na saktan at pahirapan si Lucy. Gustuhin ko mang magalit pero para sa'n pa? Gagaling ba si Lucy kapag nagalit ako kay Ama? Wala rin.

Binuksan ko agad ang cubicle nang bumagsak na si Lucy at wala ng malay, habang si Ama naman ay tumatawa pa rin ng demonyo habang lumalabas rito sa laboratoryo. Binuhat ko si Lucy at ang bigat niya! Hinang hina talaga siya, kitang-kita sa mukha ni Lucy ang sakit ang hirap na dinanas niya sa kamay ni Ama.

"Sorrry bata, wala akong nagawa. Sorry" naiiyak kong sabi sakanya at niyakap siya ng mahigpit. Pinunasan ko na ang luha ko dahil wala rin naman akong mapapala lalo na't wala namang malay si Lucy. Binuhat ko ulit siya at dinala sa magiging kwarto namin. Oo namin. Magiging asawa ko na siya kaya napapayag ako ni Ama sa plano niya, kahit alam kong ikakasakit iyon ni Lucy. Hays.

Pagkalapag ko kay Lucy sa higaan niya ay bigla na lang itong nagising, wala na rin ang posas sa kamay at paa niya, kanina ko pa yun tinanggal.

"S-sino ka? Asan ako? Sino ako? Anong nangyare sakin? Anong ginawa mo sakin? Saan ako nakatira?" Sunod-sunod niyang tanong. Hays. I'm sorry Lucy, but I need to so this.

"Easy. Easy. Your name is Louzia Zade Hudgens, and I am Lucifer Vlax Hudgends. You're my wife and I'm your husband. Nandito tayo sa kwarto natin." Nakangiti kong sabi sakanya. Sht I'm really sorry. "And kaya ka nga pala may mga galos at pasa dahil na rin sa training natin, nabagok ka kasi nun kaya bigla mo na lang nakalimutan ang mga nangyare" paliwanag ko sakanya, or more like pagsi-sinungaling ko sakanya.

"Ah okay. Pero bakit kailangan nating mag-ensayo? Ano bang kapangyarihan ko?" Tanong niya ulit. Aish. Nahihirapan na ako Lucy, please lang.

"B-bukas na kasi ang digmaan. Isa kang Dark God Slayer." Nakangiti pero kinakabahan kong sagot sakanya.

Tumango-tango naman siya at ngumiti. Shems! Bigla kong naipagsantabi ang kaba ko dahil sa ngiti niya. I'm really sorry Lucy pero mahal lang talaga kita kaya ko magagawa ang mga bagay na ito.

"Nice-- aray! Huhu ang sakit" natamaan niya kasi yung pasa niya. Imbes na maawa ako sakanya eh natawa pa ako, parang bata eh. Hahaha.

You're finally mine Lu--Louzia, only mine.

-----

A/N: Ang bad mo Lucif! Huhu.

Plug? Haha.
Kung may time pa kayo, read my new story, "I Hate You, I Love You" yung title, sana po ay magustuhan ninyo. Thankyouuuu! =)

Slayer Academy [ Editing ]Where stories live. Discover now