Chapter 19

5.5K 178 4
                                    

>Blake's POV<

"Gago ka!" Sabay suntok sakin.

"BLAKE!!!" Sigaw ni Blaze sabay lapit sakin. Tumingin siya ng masama dun sa lalaking nagngangalang Flame. "Ano ba Flame!? Bakit mo sinuntok si Blake!? Wala naman siyang ginagawa sayo ah!" Galit na sigaw niya dun sa Flame.

"Zo-- Lucy, inagaw ka sakin ng hinayupak na 'yan! Kaya nararapat lang sakanya 'yan!" Galit namang napatingin sakin itong Flame.

Magsasalita pa sana si Blaze pero inunahan ko na. "Inagaw? Pre, inagaw? Unang-una sa lahat, wala akong inagaw sayo. Pangalawa, hindi kita kilala para agawan. Pangatlo, matagal ng walang kayo kaya 'wag kang umastang parang kayo pa kahit hindi na. Last, hindi ko siya inagaw sayo." Bawat salitang lumabas sa bibig ko ay dinidiin ko. Para naman matauhan itong lalaking 'to na nagkamali siya ng kinalaban.

"Aba't-- gago ka talaga ah!" Susugurin niya sana ako pero humarang si Blaze kaya biglang napatigil at napa-atras 'yung si Flame.

"Umalis ka na Flame. Bago pa kita saktan ng pisikal" halatang nagtitimpi si Blaze.

Hindi na rin naman nagmatigas 'yung Flame na 'yun kaya bumalik na ako sa dati kong anyo. Yung anyong gwapo este tao hehe.

Humarap sakin na sakin si Blaze at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Yiee love talaga ako ni Blaze, sht kinikilig ako, kaka-bakla hahaha. "Okay ka lang ba? Hindi ba masakit?" Tanong niya sabay hawak sa may pisngi ko, mukhang magkaka-pasa ang gwapo kong mukha.

"Okay lang ako, don't worry, medyo masakit lang naman" sabi ko sabay ngiti sakanya. Kahit sa totoo lang eh sobrang sakit, 'di ako naalarma eh! Kaya 'di ko nahanda 'yung gwapong mukha ko.

"Sorry sa biglaang pagsugod sayo ni Flame ha? Pati pa tuloy ikaw nadamay sa hindi pagkaka-unawaan naming dalawa" sinseridad na sabi sakin ni Blaze.

"Ano ka ba. Wala na 'yun. Tara na" nginitian ko siya para ipakita sakanyang okay lang talaga ako, kahit sa totoo lang eh kumirot yung pisngi ko dahil sa pag-ngiti ko.

Nginitian niya din ako, hinawakan ko ang kamay niya at hinila papuntang canteen, gutom na ako eh hahaha. Masamang magutom ang gwapong si ako, baka iba makain ko. HAHAHA

"Aray!" Sigaw ko sabay hawak sa braso ko. Hinampas na lang ako bigla ni Blaze eh. "Bakit?" Nagtataka ko siyang tinignan.

"Ikaw ha! Kung ano-ano 'yang iniisip mo! Anong 'masamang magutom ang gwapong si ako, baka iba makain ko'. Aberrrr!!" Umuusok na 'yung ilong niya. Huhu. Lord, ito na po ba 'yung katapusan ng isang gwapong nilalang na si ako? 'Wag naman po sana, sayang lahi ko.

"Ah eh. Hehe. I mean, baka iba 'yung kainin ko, baka ikaw-- este 'yung puno o kaya 'yung lamesa. Hehe" kinakabahan kong sagot. Nakalimutan kong nakaka-basa pala siya ng isip. Shems.

"Siguraduhin mo lang Zacky Blake. Kundi ipapakain kota ng buhay sa mga dragon" pagbabanta niya sakin. Tumango-tango naman ako.

Pagkarating namin sa canteen ay nag-order na agad ako para sa aming dalawa. Habang naka-pila pa ako ay tinitignan ko siya, ang ganda niya, kahit saang anggulo tignan, ang ganda pa rin niya. Sa isang buwan na pagkaka-kilala at pagsasama namin, napalapit na ako sakanya. Kahit nung umpisa eh ang sungit-sungit niya, 'yung tipong parang buhat niya 'yung problema ng buong mundo. Pero habang tumatagal eh nagka-sundo rin kami, at habang tumatagal eh nahuhulog na rin ako sakanya. Kaso hindi pwede. Hinding-hindi pwede.

Nagising 'yung diwa ko at napatigil sa pagpa-pantasya kay Blaze nang may kumalabit sakin.

"Kuyang pogi, ikaw na po oh" sabi nung babaeng kumalabit sakin sabay turo sa unahan, nginitian ko na lang siya ng tipid kaya namula naman ang mga pisngi niya.

Nag-order na ako at pumunta na sa pwesto namin ni Blaze. Naka-kunot noo naman niya akong tinignan.

"Ba't ang tagal mo? Gutom na 'yung dragon ko sa tiyan" nagrereklamong sabi niya sakin.

"Sorry na hahahaha" tawa ko na lang. Ilalapag ko pa lanh 'yung dalawang tray eh kinuha na niya agad 'yung isa at nilantakan. Ang takaw talaga ng babaeng 'to kahit kailan hahaha.

"Oh anong tinitingin-tingin mo jan ha! Kumain ka na!" Bulyaw niya sakin kahit puno pa 'yung bibig niya, tumatalsik tuloy sakin 'yung ibang kanin.

"Hoy! 'Wag ka ngang magsalita, puno 'yang laman ng bibig mo oh!" Sermon ko naman sakanya at nag-peace sign na lang siya.

Haynako. Kung hindi ko lang mahal 'tong babaeng 'to, inupakan ko na eh. Hahaha.

>Flame's POV<

Sht sht sht sht!! Nakakainis 'yung hinayupak na 'yun ah! Porke't pinagtanggol lang siya ni Lucy, gumaganyan na siya!

Hindi ko pa rin matanggap na wala na talaga kami ni Lucy, sobrang hirap tanggapin. Mahal na mahal ko siya eh, pinagsisisihan ko na nga 'yung nagawa ko sakanya eh, ano pa bang kailangan kong gawin para bumalik siya? Nakakainis naman oh! Dumagdag pa 'yung hinayupak na yun! Kung makatitig kay Lucy, halatang may guto talaga siya. Buset!

"Hoy Flame! Easy lang! Namu-murder mo na 'yang coke in can mo!" Singhal sakin ni John.

"Flame! Maawa ka naman sa mga kanin namin! Sinusunog mo na oh!" Inis namang singhal sakin ni Trish.

"Kung may problema ka pre, please lang, 'wag mong idamay ang mga pagkain namin" sabat naman ni Cloud.

Napa-buntong hininga na lang ako. Tinignan ko sila isa-isa. Buti na lang hindi ako iniwan ng mga kaibigan ko kahit may kasalanan akong nagawa.

"S-si Lucy.." Naiiyak na ako buset, tinignan lang nila ako, para bang hinihintay nila kung ano ang sunod kong sasabihin. "W-wala na talaga.. Walang w-wala na.." At tuluyan ng tumulo ang mga butil ng tubig sa aking mata. Ang sakit kasi. Sobrang hirap tanggapin.

Si Alysa at Trish ay lumapit sakin at niyakap ako, habang si John at Cloud naman at tina-tap lang 'yung balikat ko.

"Magiging okay ka rin Flame. Kayanin mo ah?" Sabi sakin ni Alysa.

"Tanggapin mo na lang pre, wala na tayong magagawa eh, sobra natin siyang nasaktan noon" malungkot na sabi naman ni John. Tumango lang sina Cloud at Trish.

No. Hindi ako makapapayag. Hindi ako susuko. Magiging akin ka ulit Lucy. Magiging akin ka rin.

--------

A/N: Okay, mukhang magiging kontrabida na si Flame sa story. Chos. Hahahaha! Keep supporting guys! Labyah!

Slayer Academy [ Editing ]Where stories live. Discover now