Chapter 04

9.4K 338 5
                                    

Lucy's PoV

Maaga akong ginising ngayon ni Mom. Naka-hood parin ako sa class ko nalang tatanggalin.

Bumaba na'ko para kumain.

"Goodmorning baby" sabay na bati nila sakin.

"Morning" yan nalang sinabi ko at umupo na.

"Umm.. Baby ipapalabas natin na nailigtas ka namin noong war at ikaw nalang ang kaisa-isang Ice User.. Okay?" Sabi sakin ni Dad kaya tumango nalang ako.

Si Mom and Dad kasi lightning ang power nila kaya hindi pwedeng palabasin na anak nila ako dahil hindi naman lightning ang power ko kundi Ice.

Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko na ang maleta ko.

Pagkababa ko palang nakita ko si Dad na gumagawa ng portal.

"Baby tara na.." Sabi sakin ni Mom kaya tumango nalang ako.

Pagpasok ko palang sa portal ay para bang nahihilo ako pero di kalaunan nawala din ang hilo ko. Naramdaman kong nakatapak na kami sa lupa kaya binuksan ko na ang mga mata ko.

Bumungad sakin ang kulay ginto at puting gate na may nakalagay na 'Slayer Academy'.

Ang ganda naman pala pero hindi ko pinapakita sakanila na naa-amaze ako. Eh sa ayaw ko eh. Anong magagawa niyo?

Nag-cast ng spell si Mom at bumukas na ang gate. Malawak siya ah. Pumasok na kami at papunta kami ngayon sa HM office. Tsk. Ang dami namang estyudanteng nakapalibot dito sa field.

'Sino kaya yun?' Narinig kong tanong nung Babaeng kinulangan ng tela at sobrang kapal ng make-up. Yung totoo?! Academy ba 'to or Bar?!

'Weak lang yan noh' sabi naman nung katabi niya.

Hindi ko nalang sila pinansin. Nakita kong huminto na sila Mom sa isang color nature na pintuan. Siguro yun ang power ng Dean.

Pumasok na kami at sobrang lawak ng room na'to.

"It's good to see you again Yva and Arnold" bati sakanila ng isang lalaking mga nasa 30+ lang ang tanda.

"It's good to see you too" bati naman nina Mom and Dad sa lalaki.

Nakita ako ng lalaki at ngumiti. Weird.

"Oh? Is that your.. Hmm?" Hindi niya alam kung lalaki ako or babae.

"Yeah our daughter" sabi ni Dad.

"What's her power?" Tanong naman ni HM.

"Ice power" simpleng sagot ni Mom. Nagulat naman si HM kasi nga hindi tugma ang power ko sa power nina Mom.

"H-how come na Ice user siya?" Gulat na tanong niya.

"Noong War. Naitakas namin siya at napag-alamang siya nalang ang natitirang Ice User sa Light Land kaya inampon na namin" sabi ni Mom kay HM.

Nagliwanag naman ang mukha ni HM at ngumiti.

"Hmm? Welcome to Slayer Academy, the last Ice user" nakangiting bati niya sakin. Psh.

Tinanguan ko lang siya at nagsalita na.

"Dorm" simpleng sagot ko. Nagulat siya pero kinalaunan ngumiti ulit siya.

Binigay niya sakin ang isang susi. Hmm? 112?

"Tatlo kayo doon." Simpleng sagot niya kaya tumango nalang ako.

Sana naman hindi makukulit ang mga dormate ko.

"Drag! Pakihatid nga siya sa kanyang dorm" sabi ni HM sa isang dragon na hanggang tuhod ko lang. Ang cute!

Slayer Academy [ Editing ]Where stories live. Discover now