Epilogue

8.6K 154 85
                                    

"AAAAHHHHHHH!!!!" Dinig na dinig ng buong palasyo ang sigaw ng isang dalaga. Taranta namang pumunta ang isang binata sa kwarto ng dalaga.

"H-hey.. Anong nangyayare sayo?" Nag-aalalang tanong ng binata nang maabutan niyang sinasabunutan ng dalaga ang sarili niya.

Tinignan siya ng masama ng dalaga kaya't napa-atras ang binata dahil hindi niya alam ang dapat niyang gawin. "AAAAAAHHHHH!!!" Sigaw ulit ng babae at bigla na lamang itong nawalan ng malay, pawis na pawis ito at hinihingal, para bang hinahabol nito ang hininga niya dahil sa bilis niyang huminga. Binuhat naman agad siya ng binata at inilapag sa kama. Nag-aalalang tinignan ito ng binata at nagtataka dahil sa nangyayare sa dalaga.

Lumabas muna ang binata sa kwarto ng dalaga at nag-lakad lakad. Bigla namang may dumating na mga halimaw na kawal at yumuko sa binata bilang pagbibigay galang bago nagsalita ang isa sakanila.

"Malapit na pong maayos ang Slayer Academy, at napag-alaman namin na may mag-aaral roon na isang binata, at base sa mga narinig ko ay napaka-lakas ng binatang ito."

"Hmm. Salamat" yun lang ang sinabi ng binata, nagsi-alis naman ang mga haliwmaw na kawal habang ang binata naman ay napapalalim ang iniisip.

"Dalawang taon na rin ang nakakalipas pagkatapos ng digmaan.." Biglang banggit nito na para bang inaalala niya ang nangyareng digmaan noon.

Ngunit napatigil siya sa pag-iisip nang biglang sumigaw ulit ang dalaga, dali-dali siyang pumunta sa kwarto at nakita niyang maayos naman ang dalaga.

"Anong nangyayare sayo? Bakit ka ba sigaw ng sigaw? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong nito sabay lapit sa dalaga. Pero napatigil agad siya sa paglalakad at napa-atras nang tinignan siya ng masama ng dalaga, na parang anumang oras ay kaya niya itong paslangin.

"Bakit ako nandito!?" Sigaw ng dalaga. Nagtatakang tinignan siya ng binata dahil hindi nito alam kung ano ang tinutukoy ng dalaga. Pero napa-atras siya ng ilang beses nang magsalita ulit ang dalaga na ikina-gulat niya. "Lucifer. Walanghiya ka. Napaka-sinungaling mo! Ngayon! Naaalala ko na lahat, as in lahat lahat! Pina-ikot mo ako sa mga kasinungalingan mo. Ang dapat sayo ay mamatay!" Hindi agad nakakilos ang binata kaya't natamaan siya ng itim na yelo na ibinato sakanya ng dalaga. Kaya't napa-ubo ito ng dugo dahil sa lakas ng impact.

Hindi makapaniwala ang binata na makaka-alala ang dalaga. Kaya't wala siyang ibang magawa kundi ang paslangin na lamang ang dalaga dahil makaka-sagabal ito sa mga planong nabuo niya. Walang sabi-sabi ay bigla niyang ibinato sa dalaga ang isang itim na apoy, nagulat ang dalaga dahil hindi niya inaasahang may ganitong klaseng kapangyarihan ang binata kaya't wala siyang nagawa kundi ang saluhin ang itim na apoy. Unti-unting binalot ng itim na apoy ang dalaga at unti-unti na rin itong nanghihina hanggang sa mawalan na siya ng hininga.

Umiiyak namang lumapit sa dalaga ang binata at niyakap ito. "Patawarin mo ako Lucy, ayoko lang na maging sagabal ka sa mga plano ko, a-ako ng bahala sa anak natin. P-patawad Lucy, m-mahal na mahal kita bata" huling sambit nito at unti-unti na ring naging abo ang dalagang nagngangalang Lucy.

Umiiyak na pumunta naman ang binata sa kwarto ng kambal. Kambal ang anak nilang dalawa ni Lucy. Naabutan niyang mahimbing na natutulog ang kambal.

"Wag kayong mag-alala mga anak. A-ako na ang mag-aalaga sainyo at patawad d-dahil napatay ko ang inyong ina" humihikbing sambit nito at hinaplos ang mga mukha ng kambal.

Biglang bumukas ang pinto at inuluwa nito ang isang halimaw na kawal. "Haring Lucifer, may nasagap akong inpormasyon tungkol sa propesiya.."

Nakinig lang ang binatang nagngangalang Lucifer. Nang maka-alis na ang halimaw na kawal ay biglang gumuhit ang isang ngiti sa bibig ni Lucifer. "Ako na ang mananalo ngayon.." Positibong sambit niya sabay labas sa kwarto ng kambal.

Sa kabilang dako naman ay maayos na pinamimunuan ni Flame ang kaharian sa Light Land.

Nataranta si Flame nang marinig niya ang malakas na iri ng kanyang asawa, dinig ito sa buong palasyo. Pumunta agad si Flame sa kwarto nila ng kanyang asawa at narinig niya ang iyak ng isang sanggol. Napangiti siya at nilapitan ang asawa niyang naka-ngiti rin pero pawis na pawis at hinihingal.

"Ano pong pangalan nitong munting prinsesa?" Tanong ng diwata na nagpanganak sa asawa ni Flame.

"Lara.. Lara Zoey Hollar" nakangiting sabi ni Laraya, ang asawa ni Flame.

~ END ~

-----

A/N: Done! Thankyou sa mga nagbasa kahit medyo pangit yung story hehez. Obviously, may book 2. =)

Book 2.
Title: Slayer Academy: New Generation
Written by: lormiantop

Harthart❤️

Slayer Academy [ Editing ]Where stories live. Discover now