Chapter Six

23K 621 240
                                    

Chapter Six

Nagulat ako noong nagsitayuan at nagsitakbuhan ang lahat ng estudyante sa loob ng canteen.

Again? What is it this time?

Hinila ako ni Avery para hindi madala sa agos ng nagsisitakbuhang mga estudyante.

I noticed that the students here are really good at running. As I said, I'm really sporty so I know who's good at this and that. I can see it.

"Susunod tayo!" Hinila niya ako at nakisabay kami sa takbuhan ng mga estudyante.

Nagtaka ako noong una ngunit nagpatianod na lamang ako sakaniya.

Huminto kami sa pagtakbo. Nasa pinakalikod kami nakatayo.

May sobrang laking TV sa taas ng building and I don't know if that huge TV is real but it's really amazing to see it in person.

Nakakamangha talaga ang paaralang ito.

Sa loob ng TV ay may lalaki roong kalbo na panay ang ayos sa kwelyo nito. Itinuro ko ito ng makilala ko.

"Anong ginagawa ni Saitama diyan?" takang tanong ko.

Naramdaman ko ang sama ng tingin ni Avery sa akin. I just rolled my eyes.

I can't joke now.

Nagsasalita na si Saitama kaya nakinig nalang ako sa pinagsasabi niya. Kahit na hindi mawala sa isip ko iyong nangyari kanina ay pinilit ko nalang na ibaling sa iba ang atensyon ko.

"...the Axile Ambassador was killed by gunfire... we will catch the culprit no matter what..."

Hindi ko na narinig ang ilang pinagsasabi ni Saitama dahil sa mga reaction ng karamihan.

Mas lalong umingay ang mga taong nagkukumpulan.

Kinikilabutan ako.

They are all shocked by the news but I know they are faking it. I'm very observant that's why I know.

Gulat ang mga mukha nila pero may tinatagong saya iyon na hindi nila pinapakita ngunit nakikita ko. Mula rito sa kinatatayuan ko ay nakikita ko rin kung paano sila nagmamaang-maangan na takot kahit na kabaliktaran ito sa nararamdaman nila.

May tumunog na bell hudyat na kailangan na naming pumunta sa kani-kanilang departamento.

"Bakit may namamatay? Safe pa ba sa paaralang ito?" kunot noong tanong ni Avery habang naglalakad kami. "Siguro mag ingat nalang tayo para walang masaktan, 'wag ka ring aagaw ng spotlight para hindi ka makilala." sabi niya.

Inagaw ko iyong kakabukas niya palang na milky lollipop. Nilagay ko iyon sa bibig ko.

"You are not really scared, are you?" sabi ko at naunang naglakad sa kaniya.

Hinampas naman niya ako sa aking braso. Masamang tingin ang ipinukol niya sa akin.

"Wow. A mindreader?" aniya na nakataas ang kilay na para bang biro lang iyong sinabi niya ngunit talagang kaunti nalang ay maniniwala nga itong mindreader ako.

Is this bitch for real?

Nilingon ko siya nang may maalala. "May namatay na bang blonde ang buhok dito?"

"Huh? Bakit?"

"Pakiramdam ko lang kasi na may namatay na blonde ang buhok nito. Tinanong ko lang kung sakali. Baka nga panaginip lang." sabi ko at nagkibit balikat.

Napatigil siya at sumimangot.

"Tumigil ka nga. Katakot 'yang naiisip mo. Magpapadilaw pa naman sana ako ng buhok. Geez." sabi niya.

The Mischievous UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon