Chapter Sixteen

3.1K 143 74
                                    

Chapter Sixteen

Lumapit ako sa kaniya at inalis ang hood niya dahil hindi siya nakatingin sa akin ng sabihin niya iyon.

"What the fuck did you say?" Kalmado ang mukha ngunit nakatakas ang galit sa tono ng boses ko. "Saan mo nakuha iyang ibinibintang mo sa akin?"

Isinandal niya ang sarili sa upuan at kinakain na ang pinudpud niyang mga cookies ngayon.

Nasa kisame ang tingin at ngumunguya habang ang dalawang kamay ay aroganteng ipinatong sa taas ng sandalan ng sofa.

"I-I guess we'll just continue this tomorrow? What do you say?" ani ng lalaking medyo hindi nagugustuhan ang nangyayari.

Nakita ko ang pag angat ng tingin ni twenty para bigyan ng tingin ang lalaking iyon. Agad na napakurap ito at tiniklop ang bibig.

"Want me to rip your mouth open?" He asked coldly. Even I got scared of the way he said those words.

Hindi na ito makapagsalita pa. Nilingon ako ni twenty at tinapunan ng susi. Agad ko iyong nasalo.

"Come with me." anito at tumayo na para maunang maglakad palabas.

Hindi na ako nakapalag pa at sumunod na lamang sa kaniya.

Pumasok kami sa loob ng bookcase na nilabasan niya kanina. Sinara niya ang daanan gamit ang bookcase at may pinindot siya na limang lock. Hindi ko na tinignan ang ginagawa niya at ibinaling ang tingin sa loob ng lugar na ito.

Look at that. This feels like we are trying to investigate an illegal acts. Ang raming mga mukha na nakadikit sa white board at maging mga computer at libro na katulad rin sa kwarto nila Hazel at Picolio.

Naglakad na siya patungong sofa na nasa gitna at itinuro nito ang sofa na nasa harapan niya. Lumapit ako para maupo na rin.

"I'll answer your questions about this confidential mission only three times a day so you better use it well." aniya at kumuha ng cookies na nasa lamesang nasa gitna namin.

"Alam ba ng Vici de Mancion ito?" diretsong tanong ko.

"No." simpleng sagot niya.

"Then, this place. What is this place?"

"Pagaari ng grupo ng Rusta ang lugar na ito and some of them are part of this confidential mission. They already know about the truth and were just playing along with the VDM's game." He explained.

Hindi ko mapigilang mapakunot ang noo na nakatingin sa lamesa niya habang nakikinig sa kaniya.

"Bakit ang raming cookies rito?"

"You are also curious about that?"

Napaangat ang tingin ko sa kaniya at napatikhim. "Of course not." I frowned.

"You only have one question left for today." aniya.

Oh, now I don't wanna waste it.

"I'll think about it. Can I look around?" I asked.

Tumango siya at hindi inaalis ang tingin nang tumayo na ako.

Lumapit ako sa white board na iyon. Sa pinakataas ng board ay may limang mas malaking size nang picture ang naroon. Napalapit pa ako lalo para tignan ito nang mabuti.

Ang lahat nang litrato na nakadikit rito ay may inpormasyon na nakasulat sa baba nito.

"Emperor of the Death Corps." I muttered. Lumapit rin ang tingin ko sa apat na Emperors. Kung ganoon, sila ang kakalabanin namin?

The Mischievous UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon