Chapter Seven

21.9K 679 201
                                        

Chapter Seven

I was confused and shocked with what I heard.

"She died! Right in front of my eyes! I saw it! Hailey is gone!"

She is crying.

Hindi rin namin alam kung ano ang gagawin. Paano naman mangyayari iyon? Sino ang papatay sa kaniya kung ganoon?

Walang lumapit sa kaniya para daluhan siya. Lahat sila ay nakatingin lamang sa babae. Maging kami ni Zendie ay hindi rin makagalaw para patahanin ito dahil nagtataka rin kami kung bakit walang reaksyon ang mga tao sa narinig.

"Guys... believe me! I saw—"

"Can you not make a fuss?" sabat nang kung sino.

"W-What? It's true! N-Nakita kong namatay na si Hailey!"

"Hailey?" takang tanong namin.

"Sinong patay na?"

Napataas ang kilay ko nang makitang si Hailey nga ang nasa likuran nang babaeng umiiyak.

Napatabi ang babaeng iyon at nanlaki ang mga mata sa nakita. Para siyang nakakita ng multo.

"B-Buhay ka?"

Magsasalita na sana si Hailey ngunit napabaling ang tingin namin sa kabilang pintong bumukas. Pumasok ang babaeng katulad ni Veronica ang uniporme.

"Damn it!" Bumalik silang lahat sa kani-kanilang countertops at inayos nila ang kanilang postura.

Inayos ko naman ang apron ko habang tinitignan ang babaeng bagong pasok.

"Akala ko ba patay na? Nagsinungaling iyong babae?" bulong na tanong ni Zendie kahit na parang estatwa na ang lahat rito.

Tinulak ko na siya pabalik sa countertop niya.

"Good day," walang emosyong bati ng babae. Bumaba ang tingin niya sa kalat na galing sa gulo kanina. "For god's sake. Clean the mess before I'll cut your wrist." Malamig na sabi nito habang ang tingin niya ay para bang utusan lamang ang mga estudyante rito.

"Yes, Ma'am!" sabay sabay na sigaw nila na ikinatalon ko sa gulat.

What the hell?

Ibinalik ko ang tingin sa harap.

"But before that... I'm your Eminent Ayeza Oh Pilcia, the 8th seat of the TME (Ten Mischievous Eminent). So, this task is involves of the classical french salad," Ipinakita niya ang mga papel na hawak niya. "I have here your recettes and it's up to you to choose if what recette do you want to make today. This is basically a competition. If your recette tastes bad, means, failed... then we are going to judge if we are sending you to the dungeon or perhaps get you expelled." aniya at ibinigay niya ang papel sa babaeng nasa harap.

Ipinasa naman ng iba ang papel para makakuha ang lahat. Lumabas naman siya pagkatapos kaya nagsiingayan na ang lahat ng dahil doon.

"Augh! What should we do now? That girl is damn picky when it comes to food! I heard she expelled quite a lot of students yesterday so how are we going to survive when we already know she's evil!"

"Oh god. Don't you remind me... We are doomed."

Halos namomroblema lahat ang mga kaklase ko ngayon. Nasa pinto ang tingin ko kung saan lumabas ang babaeng iyon.

Why is this school so weird?

"I don't want to get expelled though..." aning babaeng nasa likuran ko kaya nabaling ko ang pansin sa kanila.

Nasa likuran kasi kami at hindi kami masyadong napapansin.

"You are not alone. I don't wanna get expelled too! Matapos kong magmakaawa? Ibaba ang pride ko? Ayokong ma expelled o hindi kaya ay mapunta sa dungeon na sinasabi niya! Hell no! Dad will definitely kill me if that's gonna happen! Gah! I'm getting goosebumps already." Lugmok na ang itsura ni Zendie matapos niyang sabihin iyon.

The Mischievous UniversityWhere stories live. Discover now