Chapter Thirteen

18.8K 540 378
                                    

Chapter Thirteen

Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock. Napansin kong tulog parin ang nasa tabi ko kaya dahan dahan akong bumangon. Hindi muna ako maliligo ngayon dahil gusto kong kumain na muna.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay bumulaga sa akin ang pagmumukha ni Veronica. I almost rolled my eyes.

Ano namang ginagawa niya rito?

Dumiretso ako sa kusina at hindi na siya nilingon. Habang palakad na ako roon ay nararamdaman ko na ang yapak na sumusunod sa likuran ko. Napahinga ako ng malalim at naghugas ng kamay.

"Balita ko hindi naman talaga totoo na ikaw ang pumatay sa babaeng iyon. Why don't you tell the truth, Ramirez? Kapag tumagal ka pa rito ay sigurado akong papatayin ka rin naman ni Tristan. Atsaka, hindi ka nababagay dito." si Veronica.

Hindi ko siya pinansin at nilagyan ko ng sabon ang aking kamay. Hinugasan ko ulit ito. Maging sa paghilamos ay dito ko narin ginawa.

Noong aalis na sana ako para iwanan siyang magsalita mag isa ay agad niya akong hinarangan at tinulak.

"Ano ba talagang importante sa'yo? Ni hindi ka nga mayaman, e. At tingin mo ba ay hindi malalaman ito ng Death Corps Office? They will know about this anytime soon! They will kill you! Why don't you get lost and go back to your damn home bago mangyari iyon? Atleast, I'm trying to help you." humalukipkip siya at sarkastikong ngumiti.

"Did I ask for your help?" tanong ko at diretsong tinignan siya sa mata.

Napaiwas siya ng tingin ng mapansing hindi ko inaalis ang tingin ko sa kaniya.

I yawned when she didn't answer my question.

"Are you done?" Tumango ako nung hindi siya agad nakasagot. "Damn. I'm really hungry..."

Bakas ang pagkakairita sa mukha niya ngayon.

"Chill. I don't really like talkative people. Let's take it easy, alright?" ani ko at tinapik ang balikat niya. Nagpanggap akong napaso. "Ouch, you feel like hell," biro ko sa kaniya ng walang kabuhay-buhay.

Iniwan ko siya roon at naglakad na sa malaking dining table. Gutom na gutom na ako.

Lahat ng atensyon ng robot ay nabaling sa akin. Natigil pa sa paglalagay ng jam ang isa sa sandwich niya. Sinundan nila ako ng tingin hanggang sa pag upo ko.

Kumuha ako ng naka ready nang sandwich na bilang ay apat. Nakatingin pa sila sa bawat pagkuha ko at paglagay ng sandwiches sa aking plato. Marami naman iyon kaya sigurado akong hindi naman sila magagalit.

Nagsimula akong kumain. Habang kumakain ako ay napansin kong hindi parin sila kumakain. Para bang hinihintay nilang sabihin kong kumain na sila. Pero syempre hindi ko sinabi. Hinayaan ko sila.

"Pitsel..." utos ko sa mas malapit na pwesto ng pitsel.

Naglagay ako ng juice at ininom iyon. Natapos ko agad ang pagkain ko at nabusog. Gusto kong bisitahin mamaya ang dorm pero baka pagalitan ako nang masungit na nagba-bantay. Gusto kong kausapin sila Avery at Zendie.

"You can eat now," an authoritative voice came out of nowhere.

I looked at him. Maayos na ang kaniyang suot. Mukhang naligo ata but what the hell? Why is this guy always wearing a hoodie? Malamig ba sa labas na hindi ko naman alam?

Well, hindi ko mapagkakailang maganda ang hoodie niya. Ni hindi ko rin siya nakitang sinuot ang uniporme ng school. Nalaman ko rin kay Niezel na mamahalin lahat ang hoodie niya at pare-parehong kulay at brand. Ang swerte siguro ng pinagbibilhan nito.

The Mischievous UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon