CHAPTER 18 💝
"Balik kayo agad.",sabi ni Mommy Dessa.
"Yep Mom.",sabi naman ni Hubby.
Sumakay na kami ng saaakyan at nagdrive na sya papuntang mall.Ipababalik ko na sa dati yung kulay ng buhok ko.
Pagpasok namin sa mall,agad na kaming nagpunta sa isang salon.Doon daw ako mismo nagpakulay ng buhok sabi ni Hubby.Kilala pa nga ako noong isa doon eh.Sya daw yung nagkulay sa akin at binigyan ko daw sya ng 200 pesos na tip.Sinabi ko na na ipababalik ko na sa dating kulay ang buhok ko.Hindi na sya nagtanong pa at kinulayan na nga iyon ng itim.
"Bongga!",sigaw nito nang matapos na akong kulayan ng buhok.
Tinignan ko iyon sa malaki nilang salamin.Nakita ko naman ang repleksyon ni Hubby na nasa likod na nakangiti.
"I like it baby.",sabi nya.
Ngumiti lang ako sa repleksyon nya.Nakita ko naman sa gilid yung dalawang babae at tatlong bakla na kikilig-kilig na nakatingin kay Hubby.Ano bang espesyal kay Hubby?Nakablack v-neck shirt lang naman sya at pants.Sa bagay.Kahit na ano naman ang ipasuot sa kanya.Tsaka,yung aura nya kasi.Pangmayaman talaga.Tsaka,ang misteryoso nya tignan,which I assume na kinagigiliwan ng maraming babae.Or,is it just me?
Tumayo na si Hubby at binayaran yung bakla na nagredye ng buhok ko.
Hinawakan pa ni Hubby yung buhok ko.
"Sir eto po.",pacute na sabi nung bakla na nag-ayos sa akin habang inaabot yung 500 pesos na sukli ni Hubby.
"Keep it.It's your reward for bringing back my fiancé's look.",sabi nya nang nakangiti.
Napatili naman yung mga nasa likod.Anak ng!Narinig naman nila diba?Fiancé?Fiancé?May kasama syang fiancé?Jusme.
Yung inabutan ng tip ni Hubby,ayun.Nganga.
"Let's go.",sabi nya sabay hawak na sa kamay ko.
Tumango ako at sumabay na sa kanya sa paglalakad palabas ng salon.
"I miss that jet black hair.",sabi nya.
"Miss it too.",sabi ko naman.
"Uwi na tayo?",tanong nya.
Napatigil ako at ngumiwi.Bahagya naman syang natawa.
"Okay.We'll buy chocolate ice cream first.",sabi nya sabay baling na sa ibang direksyon.
Natawa nalang din ako.He really knows me well.
Bumili lang kami ng ice cream.Tapos ayun.Naglakad na kami palabas.Lumilinga-linga ako sa mga nadadaanan namin.Hanggang sa mapadaan kami sa isang restaurant kung saan may isang promo girl na humarang sa amin.
"Hendrix!Sila yun diba?",sigaw noong babae sa loob.
Dumungaw saglit yung Hendrix sa amin na nakawaiter uniform.Tapos bumalik sya sa loob.Pagbalik nya sa amin sa labas nung resto,may dala na syang paper bag.
"Mam,sa inyo po ata ito.",sabi nung lalaki sabay abot sa akin nung paper bag.
Tinignan ko si Hubby.Nanlalaki ang singkit nyang mga mata.
"Atin ba 'to?",tanong ko habang nakaturo doon sa paper bag.
Mabilis syang umiling.
"Let's go.",sabi nya at hihilahin na sana ako nang magsalita ulit yung lalaki.
"Mam..sa inyo po ito.Sigurado po ako.",sabi nito sabay sabit na nun sa kamay ko.
Nakita ko naman si Hubby na sinamaan ng tingin yung waiter.
BINABASA MO ANG
Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)
Teen FictionPagkatapos ng aksidenteng nangyari kay Lena, ano na kaya ang susunod na mangyayari sa kanila ni Bryle? Magiging masaya na kaya sila? O lalo lamang gugulo ang buhay na nasimulan nila?