Chapter 24

121 1 1
                                    

CHAPTER 24 💕

Umorder na si Hubby at binitbit ang tray sa isa sa mga lamesa sa gilid.Tabi kaming naupo at kumain.

"Saan sina Tanya?",tanong ko.

"Hindi pa ata tapos ang klase nila.",sabi ni Hubby habang diretsong nakatingin sa kung saan.

Tumango lang ako at nagpatuloy na sa pagkain.Ilang saglit lang,napalingon na naman ako kay Hubby.Nakatingin na naman sya sa kung saan pero sa ibang direksyon na.Tapos yung mga mata pa nya nanlalaki na nanlilisik.

"Ui Hubby.Sino bang kaaway natin?",tanong ko sa kanya.

Nilingon nya ako.Tapos ngumuso sya.Tinaasan ko naman sya ng kilay.Ano ba yun?Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy na sa pagkain.

"Wifey..wala na bang isisimple yang suot mo?",tanong nya bigla.

Napalingon naman ako sa kanya.

"H-Hindi pa ba 'to simple sayo?",tanong ko.

"It is.But..like me,other guys here find it amazing.",halos pabulong na nyang sabi na hindi pa nakatingin sakin.

Napangiti ako sa sinabi nya.I know this attitude.He is jealous.

"Wifey they kept staring at you.",sabi nya sabay lingon sakin.

At kaya naman pala nanlilisik at nanlalaki ang mga mata nya kanina pa.

"So?Ano bang magagawa ng titig nila?They can't get me by that.Because I.Only.Belong.To.You.",sabi ko.

Mula sa kunot na noo,lumabas ang ngiti sa muka nya.Mas maaliwalas na sya tignan.

"Yeah.",sabi nya sabay patong pa ng palad nya sa ulo ko."You only belong to me.",sabi nya at nagpatuloy na sa pagkain."Hanggang tingin nalang sila.",bulong nya.Pero parinig ko pa rin naman.Natawa nalang ako at nailing.Tapos ay nagpatuloy na sa pagkain.

Pagkatapos namin kumain,hinatid na ako ni Hubby sa sunod kong klase.Sya na.Sya na talaga ang tinitilian.Naman!Hindi ko tuloy maiwasan masura.Hindi ko na nga lang pinapahalata kay Hubby,sabihin naman nya ang ewan ko para magselos sa tili.

"Ui girl!Ano mo si Bryle Esguerra ng D. A. D.Engineering?",tanong sakin nung isang babae pagkapasok ko palang ng room.

"Ikaw ba yung sinasabi nyang fiancé?",sabi nung isa.

"Tss.I bet toy lang yan.",sabi nung isa.

"Ano ba yan?!Mas maganda pa ako sa kanya eh.",sabi nung isa pa.

"Ano ka nga ba nya?",tanong nung isa.

"I-I'm his..I'm his girlfriend.",sagot ko.

Wag na fiancé.Baka mabugbog ako dito ng wala sa oras.

Hindi sila agad nakapagsalita.

"O really?",sabi nung isa sabay halukipkip pa.

"What's your proof?",mataray na sabi nung isa pa.

Ano pa bang proof ang kailangan nila?Eh kasabay ko na nga kanina diba?

"What proof?",tanong ko.

"Tss.Like photo of you two sweet.And whatsoever.",sabi naman nung isa na nagsheshake pa ng ulo.

Picture lang pala eh.Tss.Marami ako nyan.Kinuha ko yung bag ko at dinukot doon yung phone ko.Nakasave pa naman dito yung video na ginawa nina C.A.Yung ang kanta pa nun eh God Gave me You.Pinlay ko yun at iniabot sa kanila yung phone.Nag-umukan sila at pinanood yun.

"Oh my god it's true!",inis na inis na sabi nung isa sabay padabog na ibinaba yung phone ko sa armchair.Mabuti nalang hindi nabasag.Kinuha ko yun at itinago na.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon