CHAPTER 80 💕
Sa unang araw ko dito sa New York, nakilala ko na rin yung mga tito at tita ko. Si tito Kifer at tita Heidi. Mommy at daddy nina Quiel, Russel, Filch at Dana. Tapos si tito Victor at tita Luna na mommy at daddy nina Paige, Logan at Lauren. Kanina pagkatapos nang tangahalian, namasyal nga kami ng mga pinsan ko. Dinala nila ako sa Central Park. Ang ganda nga doon eh. Ang dami pa nilang pinatikim na pagkain sa akin. Ang saya pati nila kasama. Ang iingay nung mga boys. Si Logan, katulad ni Drake na mahilig sa mga libro nakakwentuhan ko tungkol sa mga libro ni Nicholas Sparks. Astig nya! Si Paige, Quiel at Filch kasing level ni kuya Alexis sa pagkababaero. Si Russel naman medyo tahimik. Pero lakas din sa chicks. Mala-Drake ba. Yung dalawang girls? Ang cool nila! Ang iingay grabe. Yung buhok pala ni Dana, natural. Kasi ganun din yung kulay ng buhok nung pure American mom nya na si tita Heidi. Si Lauren naman, sobrang hilig pala sa mga anime. Nalaman ko na cosplayer din pala sya.
Hapon na ng makabalik kami ni Lolo sa hotel. Kumain na muna kami sa resto sa baba. Pagkatapos ay P
Pumasok na agad ako sa suite ko pagkadating namin. Ang dami kong dala galing sa mga pinsan ko. May mga binigay kasi sila memorabilias. Si Logan, binigyan nya ako ng isa sa favorite book sya ni Nicholas Sparks. Si Lauren binigyan ako ng mangga ng favorite anime character nya. Basta mga ganun at kung anu-ano pa.Sabi ni Lolo, bukas naman daw lilipad kami papauntang Georgia. Pupuntahan naman namin yung pangatlo sa magkakapatid nina Lolo na si Lolo Gregor. Nakakaexcite nga eh.
Nagpunta ako sa c.r. para magshower. Hot bath. Sarap. Paglabas ko, tinignan ko yung phone ko baka may tawag si Hubby. Wala pa. Malamang andun na yun sa party. Di ko na muna sya tatawagan. Ayoko naman syang istorbohin sa pagpaparty-party nya noh.
Sumampa na ako sa kama para matulog. Sabi ni Lolo maaga daw kasi ang alis namin bukas. Sino-sino naman kaya ang makikilala ko bukas? Abangan!
~*~
Five a.m palang, gising na ako. Maaga kasi ang byahe namin ngayon. Naligo na agad ako at naggayak na ng mga gamit. 6:00 nang dumating si Oscar para sunduin ako. Bago umalis, nagtext na muna ako kay Hubby ng good morning.
Sa private plane na sinakyan namin papuntang Georgia, doon na kami nag-almusal ni Lolo. Pagkatapos, nakatulog pa ako ng ilang oras.
Nagising ako sakto dahil nakalapag na ang eroplano. May kotse na sumundo sa amin. Ang ganda pala ng Georgia.
Sa mismong mansion na daw kami ni Lolo Gregor tutuloy. At pagdating namin dun, hindi ko na naman napigilan mapanganga. Grabe ah. Palakihan lang ng bahay ang labanan?
"Oh Lena. The most fantastic lady of the empire.",salubong sa akin ni Lolo Gregor.
Ngumiti ako at nagmano sa kanya. Matapos ay sumagot sa yakap nya.
"Come. I'll show you your room.",sabi nya. Tumango ako at sumunod kay Lolo Gregor. "You got the family face.",sabi nya habang umaakyat kami sa spiral staircase ng bahay nya.
Ngumiti lang ako. "Lolo Gregor, ilan po ang anak nyo?"
"I have three. Two male, one female."
"Eh ilan po ang mga pinsan ko?",tanong ko.
"In total, you have eight."
"Wow. Ang dami po.",mangha kong sabi.
"They'll be here later for dinner. Do you feel excited?",sabi ni Lolo.
"Sobra po.",sabi ko.
Ngumiti lang si Lolo. Pagkahatid nya sakin sa kwarto ko, nagpaalam na muna sya at umalis. Grabe ang ganda din nung guest room na pinagamit sakin. Ang dami-daming paintings. Tinignan ko ulit yung phone ko. Wala pa ring text si Hubby. Nakakalungkot naman. Pero agad din namang napawi yung lungkot ko nang magtext si ate Dayne.
BINABASA MO ANG
Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)
Teen FictionPagkatapos ng aksidenteng nangyari kay Lena, ano na kaya ang susunod na mangyayari sa kanila ni Bryle? Magiging masaya na kaya sila? O lalo lamang gugulo ang buhay na nasimulan nila?