Epilogue

151 3 0
                                    

EPILOGUE

~*~

"Let's go.",sabi ni Drake pagkasakay ng kotse pagkatapos akong pagbuksan.  Sya ang sumundo sa akin ngayon sa school. Si Hubby kasi...ewan. Di ko alam kung nasaan sya. Pero kanina pagkagising ko binati nya ako by text.
"Ready for your birthday celebration later?",sabi nya habang iminamaneho palabas ng campus ang sasakyan. Sunday kaya walang klase ngayon yung babe nyang si Pia. Sya meron kaya sa kanya na ako sumabay.

"Ready na! Anong regalo mo sakin?",pabiro kong tanong.

"Surprise.",sabi lang nya. Labas pa dimple. Gwapo ni insan.

Ngumiti ako at nagkibit balikat nalang.

"Gusto ko yung ideya mong simple lang ah. Nakakapagod kasi kapag engrande. Di naman nakakaenjoy.",sabi ni Drake.

"Tama ka dyan.",pagsang-ayon ko.

Pagkarating namin sa bahay, nagpaalam na ako sa kanya at bumaba. Diretso naman ako sa kwarto ko para magtapos ng mga ipapasa bukas. Di ko na 'to magagawa mamaya. Party-party na eh.

Ang plano, si Hubby na daw ang magsusundo sa akin mamaya. Si Lolo, kasama si Lolo Israel galing Australia, diretso na doon sa hotel na pagdidineran namin. Simpleng dinner lang naman yun. Dahil katulad ng request ko kay Lolo, simpleng selebrasyon lang.

Hindi pa ako nakakakalahati sa assignments ko, bumaba na ako para mananghalian. Eh sa gutom na ako eh. Nilagang baka ang ulam ko. Ang sarap nga eh.

Pagkatapos kong kumain, bumalik na ako sa taas at ipinagpatuloy ang ginagawa. Sinilent ko muna yung phone ko pero nakikita ko na maya't-maya yung umiilaw. Ang dami kong natatanggap na Happy Birthday messages. Agad-agad kong tinapos ang mga ginagawa ko, pagkatapos ay kinuha ang phone ko at isa-isang nireayan ng thank you yung mga bumati. Grabe nakakapagod.

Seven p.m ang dinner. Kaya pagtungtong ng five thirty,naghanda na ako kaagad. Isinuot ko na yung specially ate Dayne designer dress. Color red sya na tube tapos may makapal na black na belt. Fit sya sa bewang ko tapos medyo nakaballoon sa palda. Yung taas plain, yung palda, may pattern na color black sa may laylayan, paikot. Pinartneran ko 'to ng closed color black stiletto heels. Ang ganda nga eh. Ako nalang rin ang nag-ayos sa sarili ko. Nilugay ko lang yung bagong rebond kong buhok at nag-apply ng kaunting make-up. Color pink yung lipstick ko.

Humarap ako sa salamin para icheck ang sarili ko. Wow. Ang galing ko na mag-ayos. Kinuha ko yung sling bag ko at isinabit sa balikat ko. Matapos ay bumaba na. At nagulat ako nang maabutan na doon sa sala...si Hubby lang naman na poging-pogi sa dinner jacket nya (americana) na may partner na red na necktie. Color black yung dinner jacket nya, katerno ng black na black nyang buhok na nakahawi sa gilid. Ayos na ayos yun. Malayong-malayo sa palaging messy nitong dating. Makapal ang buhok nya na gamata na sa haba na kung saan-saan ang baling dahil na rin sa palagian nyang pagpapasada ng kamay dito. Pero ngayon. Wow. Neat. Ang gwapo. Sobra.

Habang bumababa ako sa hagdan, tumayo sya kaagad dala yung bouquet ng bulaklak. Which I predict are artificial ones.

Pagdating ko sa harap nya, hindi pa sya agad nagsalita. Tinignan nya muna ako mula ulo hanggang paa.

"Wow.",bulong nya.

"Good evening Mr. Esguerra.",bati ko.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon