Chapter 21

85 1 0
                                    

CHAPTER 21 💕

"Bye Mommy.",sabi ni Brylen sabay kiss na sa akin.

"Bye baby.",sabi ko sabay kiss na sa kanya.

"Halika na Brylen.Salamat Bryle,Lena ha?",sabi ni Ate Cecil.

"Sige po ate Cecil.Salamat din po sa pagpapahiram kay Brylen.",sabi ko.

Ngumiti lang sya at tumango.

"Bye Mommy!Bye Daddy!",sigaw ni Brylen habang kumakaway sa umaandar na nilang sasakyan.

Gayundin yung ginawa namin ni Hubby.Nang tuluyan na silang makaalis,pumasok na ulit kami ni Hubby sa loob ng bahay.

Naupo ako sa sofa.Sya naman nahiga at umunan sa lap ko.

"Wala na yung baby natin.Ako nalang baby mo.",nakangisi nyang sabi.

"Baby ka dyan.Baby damulag ka eh.",sabi ko sa kanya.

Ngumuso lang sya.Pinitik ko naman sya sa baba.Binuksan ko yung t.v at inilipat yun sa Disney Channel.Nanood ako ng Snow White habang hinihimas yung malambot na buhok ni Bry.

"Hubby kamusta nga pala yung blueprint mo?",tanong ko.

Hindi naman sya sumagot.

"Hubby.."

Hindi na naman.Sinilip ko sya.Aba.Tulog na pala.Ang baby ko tulog na.Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan sya.Ipinagpatuloy ko ang panunood ko habang hinahaplos sya sa buhok.

"Aww..That's so sweet.",bulong ni Ate Dayne na kapapasok palang sa bahay kasama ang boyfriend nyang si Jason.

"Ano yan,lasing?",tanong ni Jason habang umuupo.

"Hindi.Ano..pagod siguro.Naglaro sila kanina ni Brylen eh.",sabi ko.

"Saan na si baby boy?",tanong ni Ate Dayne.

"Sinundo na eh.",sabi ko.

Tumango naman si Ate Dayne.

"Nga pala 'Te Dayne.Napadaan kayo?",tanong ko.

"Eh may itatanong daw 'to si Jason kay Bry.Ano ba yun babe?",tanong ni Ate Dayne.

"Tungkol lang doon sa blueprint project namin.Tapos na kaya yan?",sabi ni Jason.

"Ewan ko lang.Pero parang wala naman akong nakikitang ginagawa nya eh.",sabi ko.

"Sira yan.Eh sa isang araw na ang pasa nun eh.Mahigit isang linggo yun katagal gawin.",sabi ni Jason.

"Mahigit isang linggo?",gulat kong tanong.

"Oo noh.Hindi ko pa nga rin tapos yung sakin hanggang ngayon eh.",sabi ni Jason.

"Ganun ba?Ano naman kayang plano neto?" -ako

"Baka mamaya pa yang gabi magsimula Lena.",sabi nya.

"Mamayang gabi?Kaya siguro 'to tulog nang tulog ngayon.",sabi ko.
Tumango sila ni Ate Dayne.

"Sige na Lena.Tulog pala yang Prince Charming mo.Aalis na kami ng prinsesa ko.Ipapasyal ko pa 'to eh.",sabi ni Jason sabay hawak na sa kamay ni Ate Dayne.

"Kayo pala ang sweet eh.",asar ko kay Ate Dayne.

Tumawa lang sya at pinagsalikop ang mga kamay nila ni Jason.

"Bye Couz.",sabi nya sabay beso sakin.

"Bye Ate.",sabi ko naman.

Umalis na rin sila kaagad.

Naku ang Hubby ko.May project pa pala,tulog nang tulog.Ayoko naman 'tong gisingin.Mukang pagod eh.

~*~

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon