CHAPTER 83 💕
Hmm. Ang lamig.
Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at tumingin sa paligid. Bakit biglang tumaas yung hinihigaan ko?
Napatingin ako si hinihigaan ko. Andito na ako sa katre. Nakapagtupi na rin sila. Ano bang oras na? Tumingin ako sa relo ko. Alas otso na pala ng umaga.
Bumangon ako at nagtupi na. Matapos ay basta nang itinaas at itinali ang buhok ko sa messy bun. Eh sa wala naman akong suklay eh.
Bumaba na ako sa kama at lumabas. Asan na sila? Asan na si Hubby?
"Magandang umaga ate Lena!"
"Magandang umaga din Kim!",bati ko.
"Asan na sina Badett?""Si ate Badett po? Andun po silang lahat sa likod sa ilalim ng puno ng mangga.",sabi ni Kimberly. "Tara ate Lena! Samahan ka namin dun!",sabi nya sabay hawak sa kamay ko at hila sa akin.
Sumunod naman ako sa kanya. Malayo palang ay dinig ko na ang mga boses nilang nag-uusap at mahinang tawanan.
"Lena!",bati ni Maimai paglakita sa akin.
"Good morning.",bati ko.
"Good morning.",sabay-sabay nilang bati.
Nakita ko si Hubby na nakaupo din doon sa mahabang kahoy na upuan na nakapalibot doon sa puno ng mangga. Tinapik nya yung space sa tabi nya. Nagpunta naman ako kaagad dun.
"Morning.",bati nya.
"Good morning.",bati ko din.
"Eh Lena, hanggang kailan nyo nga ba balak mamalagi dito?",tanong ni tatay Igme.
"Gusto ko po sana, hanggang sa mailibing si Nanay Ising. Kaso, sobrang dami ko pa pong kailangang tapusin sa Manila eh. Kaya baka bukas po makaalis na rin kami.",sabi ko.
"Bukas na?",malungkot na sabi ni Andeng.
"Pupwede pa naman kayong dumito muna Andeng. Ako na ang bahala na magpasundo sa inyo kung kailan nyo gustong umuwi.",sabi ko.
"Talaga, Lena? K-Kaso nakakahiya naman.",sabi nya.
"Okay lang. Naiintindihan ko naman kung bakit gusto nyo muna dito. Kahit ako naman eh.",sabi ko.
"Salamat Lena.",sabi ni ate Imelda.
Ngumiti lang ako at tumango.
"Baby tara muna sa loob. Let's have our breakfast.",sabi ni Hubby.
"Kayo po ba Tay Igme, nag-almusal na po kayo?",tanong ko.
"Oo anak. Tapos na. Kanina pa.",sabi ni tay Igme.
Ngumiti lang ako at tumango. Matapos ay tumayo na at naglakad papunta sa bahay kasama si Hubby.
"Baby ang himbing ng tulog mo kagabi. Ni hindi ka malang nagising nung inilipat kita doon sa katre.",sabi nya.
"Ikaw? Ikaw nagbuhat sakin doon?",sabi ko.
"Of course. Sa tingin mo ba papayag ako na ipabuhat ka sa iba?",sabi nya.
Nangiti nalang ako at nailing at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kusina.
Kumuha ako ng dalawang tasa at nagtimpla ng kape. Naupo naman si Hubby doon sa bangko at nangalumbaba doon sa lamesa.
"You know what baby, I am currently thinking about living in the province. 'Cause you see, it's so peaceful here, life is so simple.",sabi nya.
"Oo nga.",sabi ko at iniabot sa kanya yung tasa ng kape at naupo doon sa bangko sa tabi nya. "Ang kaso, ang kabuhayan mo po which is business handling and the likes eh nasa syudad. Kaya mahihirapan tayo dito."
BINABASA MO ANG
Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)
Teen FictionPagkatapos ng aksidenteng nangyari kay Lena, ano na kaya ang susunod na mangyayari sa kanila ni Bryle? Magiging masaya na kaya sila? O lalo lamang gugulo ang buhay na nasimulan nila?