Mission 23: Vacation (first day)

1.5K 29 0
                                    

[Jane's POV]

"Damn," mahina kong sabi habang nakaupo sa buhangin.

Nasa boracay kami. Ngayon ko lang din nalaman. Paano kasi si Alex biniyahe ako hanggang dito nang natutulog ako.

"What is it?" tanong niya sakin.

"WaLa!" sagot ko.

"Don't worry nandito ang buong team," sabi niya na syempre ikinabuhay ko ng loob.

Heheheh! Ayos!

Kala ko kung sino-sino na ang sasamahan ko e.

May battle of the bands kasi mamaya, yun yung sabi sakin ni Alex. Kaya medyo nainis ako kasi akala ko ako lang at kung sino na ang ka team ko.

"So it means na girls versus boys?" sabi ko sa kanya.

Pls. Sana !

"Yup!" sabi niya!

"KYYAAAAAA!!!" sigaw ko sabay talon-talon at yakap pa sa kanya!

Niyakap niya naman ako pabalik.

*dugdug dugdug*

La! Analakas na naman ng heartbeat ko.

Tinulak ko siya pero napalakas kaya natumba siya sa buhangin lalapit sana ako sa kanya para tulungan siyang tumayo pero...

*dugdug dugdug*

Napahawak na ko sa dibdib ko.

"Xands,"

"Wag kang lalapit," sabi ko.

"Bakit?"

Lumapit siya sakin tapos nabatukan ko siya ng wala sa oras.

"Aray! Ano ba?" tanong niya sakin habang nagkakamot ng ulo.

"Kasi sabing wag kang lalapit e!" sagot ko.

"Bakit nga?"

"Kasi kinikilig uli ako! Si little heart ko ambilis!"

"Hahahahah!" tawa niya.

Sige lang tawa ka pa! Tawa lang.

"Sorry," sabi niya habang pinipigil yiung tawa niya.

Psh! Sana pala nagsinungaling na lang ako! Tae naman!

"Ano bang nkakatawa ha?" tanong ko sa kanya.

"Nothing. It is just I'm really happy na bumalik ka na sa pagiging ikaw," sagot niya.

"Nakakapagod na kasing magpanggap. Besides gusto ko na lang sulitin ang time ko," nasagot ko na lang.

Totoo naman kasi. Pagod na rin akong itago sa sarili ko yung mga emotions ko.

Aba! Kahit na may problema ako sa pag eexpress ng nararamdaman ko mapag aaralan din yun!

"Come here," sabi niya sakin habang tinatap yung buhangin sa tabi niya.

Umupo naman ako dun.

"Xands, nasabi ko na to kanina pero sasabihin ko uli ah," sabi niya tapos huminga ng malalim. "Sorry kung ginalit kita ah."

"Naku ka naman kasi! Pasalamat ka sinumpa ko sa sarili ko na magbabago na ako. Minsan na lang kasi ako maglambing tapos ganun pa yung inasta mo sakin," sabi ko na nakatingin sa sunset.

"Sorry na talaga. Nagulat lang talaga ako nun," sabi niya.

Tumayo ako.

"Ok na nga yun! Sya nga pala, what time ang dating nila dito? mamayang 9 na yung simula nung tugtog ah!" sabi ko.

Angel of Death [UNDER CONSTRUCTION]Where stories live. Discover now