Mission 25: Moment of Truth (3rd day of Vacation)

1.6K 25 1
                                    

Tingnan mo tong mga lokong to. Hanggang ngayon nandito pa din sila sa place namin ni Alex.

Kahit talaga asan ako susundan ako nito. Siguro pati pag punta sa purgatoryo sasamahan nila ako.

"Hey! Good morning!" bati sakin ni Alex na yumakap sa bewang ko.

"Bakit gising ka na agad? 4:30 pa lang ah!" tanong ko sa kanya.

"Kasi wala ka na sa tabi ko," sagot niya tapos pinaharap niya ako sa kanya. "Ikaw ang dapat kong tanungin niyan. Di ka naman morning person e."

"Magluluto ako."

"Ang aga pa ah!" sagot niya sakin.

"Mamamalengke ka pa, kaya sasamahan kita para naman makapagbonding tayong buong team ngayon."

"Bonding?" tanong niya.

"Bakit may mali ba?" tanong ko uli.

"Wala naman," sagot niya.

"O tara na? Baka magising pa yang mga yan," sabi ko.

_________________________

"Akina po yung chocolate, Xands." sabi ko kay Alex.

Sa totoo di ko talaga malaman kung pano naging assassin yung team ko. Biruin mo hanggang ngayon tulog.

"Kasi naman," sabi ko.

"Ano yun?" tanong niya sakin.

"Wala," sabi ko tapos sinalang ko na lahat ng dapat isalang.

__________________________

"Good morning!" bati sakin nila Seph. Nandito sila sa kusina.

"Ouch!" sabi ni Seph ng hinampas ko yung balikat niya.

Di kasi makapaghintay, papakelaman agad ang pag kain.

"Lahat kayo dun nga sa sala," saway ko sa mga batang pulubi na napunta sa kusina namin.

"Xands, ikaw na dito ilalagay nalang naman to dun," bilin ko kay Alex.

Dire-diretso akong pumunta sa sala at nakita ko silang nakaupo sa sofa set.

"Magsitayo kayo dyan," sabi ko ng nakapameywang.

"At bakit?" tanong ni Julia.

Tiningnan ko siya at tumayo siya.

"Tangalin niyo yang sofa set, pati yung center table," utos ko. Agad naman silang gumalaw.

"Ano bang gagawin natin?" tanong ni Kean habang nagbubuhat ng sofa katulog si Seph.

"Magba-bonding tayo," sagot ko.

Lahat naman sila natigil at natuwa. Tanga lang? May pinagagawa pa ako ah!

"DALIAN NIYO JAN! KASI YUNG NILUTO KO NA KAKAININ NATIN DADALHIN NA NI XANDS. MAGLALATAG PA KAYO NG CARPET!"

Pagkarinig ng sigaw ayun! Nagsikilos. Mas mabilis pa sa bala ni Seph na nakaayos na yung lapag na may carpet.

"Wow! Ang bilis niyong kumilos ah!" sabi ni Alex.

Umupo kami paikot.

Shane Julia Sophie

Ako FOODS Seph

Alex Kean

TV

Pwesto namin.

Tumingin sila sa pagkain.

"Wow! Ang konti ah! Parang mauubos natin yan," sabi ni Sophie.

Angel of Death [UNDER CONSTRUCTION]Where stories live. Discover now