Mission 28: Meet Luke Zafiro

1.2K 20 0
                                    

"Xands, Xandrite, Xandro, I want you to meet Mr. Luke Zafiro," pagpapakilala ni Jane kay Luke sa pamilya niya.

"Hello," sagot naman ni Xandrite with matching kaway pa.

"Nice to meet you," si Alex naman habang kinakamayaan ang batang Zafiro. Maging siya ay hindi maintindihan ang dahilan ng dalaga kung bakit nito inimbitahan ang binata sa lunch date nila.

"Why are you with us?" tanong naman ni Xandro sa binatang noon niya pa laman nakita.

"Well, I have something very important that your mother needs," sagot naman ni Luke na guguluhin sana ang buhok ni Xandro pero agad na napigilan ito ni Jane.

"He doesn't like people who touches his hair," sabi nito sa kanya.

"Lie," sabi ni Xandro. " I don't like you Luke, that's why I don't want you to touch my hair."

Nagulat naman si Luke sa tinuran ng bata at nagtagis ang bagang nito ngunit hindi nito iyon pinahalata sa iba pang naruruon. Lihim namang natuwa si Jane dahil sa naging reaksyon ng binata na halatang tinatago nito.

"Guys, let's eat," sabi naman ni Alex.

"I will eat with yaya," sabi naman ni Xandro na ikinagulat ni Alex.

"You're not joining your Mom?" tanong ni Alex sa anak.

"Not with a cheater and at the same time a spy," sagot nito at iniwan ang mga matatanda.

"Wait!" sabi naman ni Xandrite na hahabol sa kapatid. "I'm sorry but same with me."

"That's my family," sabi ni Jane.

"Yeah," sagot naman ni Luke. Naging palaisipan niya kung paano nagkaroon ang anak agad ang dalawang top rated assassins na kasama niya.

Napansin naman ni Jane ang pagtahimik na Luke at alam niyang nagiisip na iyon ng mga nakakalitong detalyeng tumambad sa kanya.

"Well, that's what you get," sabi ni Jane sa utak niya na patungkol sa binata.

"So what is it about?" tanong niya sa binata na siya namang ikinapukaw ng pansin nito.

"Ano bang meron sayo Shemarie Valerio, ikaw ba talaga si Scarlet? Bakit ganito ang pamilya mo? Sinadya mo ba ito para lituhin ako?" mga katanungan sa isip i Luke na hindi niya maisatinig. Isa lang naman ang gusto niyang makuha ngayon. Ang impormasyon sa campaigning ng partido nito.

"Well, about your party this coming election," walang kagatol gatol niyang sagot.

Hindi na muna sinagot ni Jane ang binata dahil dumating ang mga katulong at inihanda ang mga pagkain sa mesa.

Pinakiramdaman naman ni Alex ang tumatakbo sa isip ng dalawa niya pang kasama. Batid na niya ang gustong mangyari ni Luke ang malaman nito kun bakit tila hindi masyadong naghahanda ang Valerio sa District 6. Ang hindi niya malaman ay kung sasagutin ng kanyang magiging asawa ng matino ang tanong nito.

"Let's eat first," sabi naman ni Jane at kumuha ng Chicken Adobo at Fried Potatoes at inilagay sa plato niya.

Dinagdagan naman ni Alex ng kalahating boiled egg ang kakainin nito.

"Thank you, Love," sabi naman ni Jane sa kasintahan.

Pasimpleng minamasdan naman ni Luke ang kilos ng dalaga at binatang kasama niya sa komedor. Kapuna-puna naman ang pagkaingat sa pagkilos ng binata habang kumakain, grabe kung asikasuhin nito ang dalaga. Hinihimayan pa kung minsan ng manok na nakalagay sa plato nito.

Lalong tumibay ang hinala ni Jane na hindi lamang pakikipagusap tungkol sa eleksyon ang pakay ng batang Zafiro. Nararamdaman niyang pinagmamasdan sila nito.

"Wrong move Luke. Dapat di mo muna pinapakita ang tunay na motibo mo sa kalaban mo," sabi ni Jane sa isip niya.

"So is it alright kung pagkatapos na nating kumain pagusapan niyo ni Xands ang paguusapan niyo?" pagputol ni Alex ng katahimikan.

"Fine with me," sabi naman ni Jane.

"Same here," sagot ng batang Zafiro.

_________________________

Natapos na silang kumain at niyaya ni Jane ang bisita pabalik sa HQ ng mga Valerio. Sinadya niyang ihinto ang sasakyan malapit sa isang coffee shop.

"You want some frap?" tinanong naman ni Luke kay Jane.

"What do you want?" salubong na tanong ng dalaga sa binata na katabi niya sa kotseng minamaneho niya ngayon.

"Woah, well I was a bit curious," sagot ng binata. "It's about your Family's Rep in District 6. Halatang di sila gumagawa ng any moves para sa pangangampanya."

"It's not that hindi sila gumagawa, I don't think na kelangan na nilang kumilos," sagot ni Jane na ipinagtaka ng batang Zafiro. "Masyado pang maaga for that."

"Haha, a little bit confident huh?" tanong naman ni Luke sa dalaga na may kasamang pagak na tawa.

"No I'm not," sagot sa kanya ni Jane. "All is well, according to my plans."

Bagama't nagtataka ang batang Zafiro sa sagot ng dalaga ay pinili niya na lang na tumahimik. Sa isp-isip niya, marahil ay masyado lamang itong nagiging kampante dahil palaging nananalo ang mga kandidato niya.

"Well now is different, Jane. Gagawin lahat ni Jean para lang manalo ako. *smirk* Walang kahirap-hirap sa parte ko," sabi g binata sa utak niya.

"So tutuloy pa ba tayo sa HQ namin o gusto mong maghintay nalang dyan sa coffee shop na yan. Ipapa-drive ko nalang sa driver namin ang kotse mo dyan," suhestiyon ni Jane.

"I love your suggestion, but I also love my baby," sagot ni Luke na nakuha agad ng dalaga ang ibig sabihin.

"Ok," sagot naman ni Jane.

___________________________

" So this is it," sabi ni Luke na noo'y nasa may pinto na ng kotse niya.

"Yeah! Bye!" sabi ni Jane at pumasok na sa loob.

Pagkapasok na pagkapasok ni Jane sa loob agad niyang kinuha ang phone ni Shannon. Di-nial agad niya ang number ni Kean.

~THE CALL~

K: Shan?

J: It's me. How's the tracking?

K: It's done.

J: Track his movements, make sure na irereport niyo sakin kung saan siya nagpupunta.

K: Copy. Why are you not using your phone?

J: I left it with Xands. Bye.

~END CALL~

"Kung sa tingin mo naungusan mo na ako Luke Zafiro, well think twice. Baka di mo mamalayan nasa leeg mo na ang ahas na papatay sayo."

Angel of Death [UNDER CONSTRUCTION]Where stories live. Discover now