Chapter 19

6.4K 120 7
                                    

Chapter 19

Coincidence

"Goodmorning people!"

Tumingin naman ako kung sino ang nagsalita. Sila gina na mukhang inaantok pa.

"Morning" ani ko at binaling ko na ang tingin ko sa niluluto kong bacon.

"Wow, you know how to cook pala andrea" supresa ni kath.

I winked at them "Ako pa, hindi ako pwedeng mag-asa nang hindi marunong magluto" pagyayabang ko kaya umiling naman sila

"Pero puro fried lang naman pala kayang lutuin, ano?" pang-aasar ni gina, mariin ko naman siyang tinignan.

"Atleast I know how to cook!" inirapan ko naman mga kaibigan ko.

Mabuti nga ay nilulutuan ko pa sila kahit puro fried lang naman alam ko tsk.

"Sino pala nag akyat sakin  kagabi??" nagtatakang tanong ni gina,bahagya naman siyang tumingin saakin.

"Ha? Si ano.." nagkasalubong naman kami ng tingin ni bryle.

The way he stare at me, its like he's saying that I should not tell it. Kaya sinunod ko naman siya.

"Secret" binigyan ko siya ng annoying smirked, mukhang succesful naman kasi nag-iba ang expression niya

"Sino nga?" ulit na tanong niya pero walang namang pumansin sakanya.

Kumuha ako ng plate para ilagay ang bacon,egg and hotdog na niluto ko. Kumuha naman din ako ng bowl para sa fried rice pagkatapos ay nilagay ko na yun sa dining table namin.

"Shit cookerist" sabi ni sed nang tinikman ang bacon ko.

Culinary arts nalang kaya ang kunin ko sa college? Maganda ata ang magiging future ko.

"Let's have a vacation?" biglang nagsalita si shawn, kaya lahat kami ay napatingin.

Pinaabot ko naman kay gwyneth yung water at nilagyan ang baso ko. Ininom ko yun habang nakatingin.

"Where?"

"Baguio tayo tommorow, 4 days and 3 nights.." ngayon ko lang nalaman na mahilig palang gumala tong lalaking to.

Naalala ko pala badboy pala itong mga kasama namin. It means, super gala na 'tong mga 'to.

"Ano naman mga dadalhin natin? Snacks?" kumuha naman ulit si gina ng bacon.

Ija-judge pa naman ako kanina na fried lang kaya komg lutuin,gusto din naman pala kainin tsk.

"Let's go to the mall later?" sambit ko

"Yes!" they all agree.

"Kaya bilisan niyo na jan para maaga tayo maka uwe kasi mag-aayos pa tayo" paalala ko sakanila.

Pagkatapos namin kumain ay may kanya-kanya muna kaming ginawa. Nakita ko naman si shawn na naka-upo sa couch, tumabi naman ako sakanya.

"Nag-paalam ka na ba?"

"Not yet,ikaw ba?" umiling naman ako.

"Ito palang patawag palang" kinuha ko yung phone ko tsaka tinawagan si mommy para magpaalam.

Calling Mommy

[Hello Andrea?]

"Hi mom! mag-vacation kami sa baguio since it's our sembreak naman. Pwede ba?" tanong ko,kinakabahan pa ako baka hindi kami payagan.

"Alright, dun nalang muna ako mag-stay sa rest house ng grandparents mo. Kasama niyo ba ang mga friends mo?"

"Yes po, with shawn's friends na din po"

"Sayang,akala ko gagawin niyo na ang pinaka-unang  namin apo ng daddy mo"naririnig kong tumatawa si mommy, nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mommy.

"Ano ba,ma!" i whispered

Tinignan ko naman si shawn nang makita kong hindi siya nakatingin saakin ay iniwas ko agad ang tingin ko. Grabe naman magsalita itong si mommy, para excited na mag-apo pero im still young!

"Osiya, mag-iingat kayo sa byahe. I love you"

"I love you too" I ended the call.

Binaba ko na ang phone ko at naramdaman kong inakbayan ako ni shawn. Nabigla pa ako kasi hindi ako sanay na ginaganito niya ako. Kasi nga diba,we used to fight a lot instead doing this kind of clingy thing.

"What did tita said?"  he asked me.

"Mom told me that we should stay in my grandparents resthouse instead sa hotel. Since wala naman daw tao dun."

Hindi ko namalayanan na sumandal na ako sa noo niya. Nanlaki pa ang mata ko sa ginawa ko,shit. Buti naman ay hindi siya umangal kaya hindi na din ako umalis sa pwesto namin. Ang bango talaga niya hihi.

"Alright then, send me the address" tumango nalang ako at sinend sakanya ang address nila lola sa baguio.

"Wait lang ha,punta muna ako national bookstore" paalam ko sakanila.

Kakadating lang namin dito sa mall nang naisipan ko na bumili muna ng books para may mabasa ako sa vacation namin para hindi ako ma-bored.  Napatingin naman ako sa boys na mukhang badtrip parin. Hindi ko nalang pinansin dahil tinotopak nga talaga.

"Me too, may bibilhin din muna ako eh" Sabi ni kathryn at gina

"Kami din" sunod na sabi ni gwyneth at margaux

"Kami din may pupuntahan kami" cold na sabi ni shawn,umalis naman sila agad.

Kita niyo na? Galit ang boys samin. Paano ba naman kasi, gusto nila mag-drive ng sari-sariling car nila pero 'di kami pumayag. Wala pa sila sa legal age para mag-drive ano. Kaya ayan nagtatampo ata tong mga to.

Nandito na ako sa natinal bookstore tsaka pumunta sa mga novel. I am busy looking some new books, may nakita pa akong fifty shades pero hindi ko din binili. Baka magtaka pa si shawn kung bakit mayroon ako nito, mapagkalaman pa naman ako manyak.

Nang may nakita akong 'everyday' book, mabilis naman ako naglakad para kunin. Madami pa namang tao dito kaya baka maunahan pa ako. Papunta na ako nang napa-upo sa sahig, sakit sa pwet ha Napa-upo ako kasi may nakabangga akong lalaki, taray ang tigas ng dibdib niya.

"Aray.." sabi ko sabay hawak sa balakang ko, ang sakit kaya huhu.

"Miss sorry 'di ko sinasadya..." hinawakan ko yung kamay na nilahad niya sa harap ko at tumayo niya ako, pinagpag ko yung pants ko..

"Andrea??" Wait? Alam niya name ko?. Tinignan ko naman kung sino si Mr. Stranger.

Nang namukhaan ko kung sino siya ay nabigla naman ako, nagkita nanaman kami.

"Ohh ikaw pala Tyler sorry--" he cut my words

"No No!!! Sorry ako yung may kasalanan!" Tinulungan niya ako tumayo nang maayos

"Hindi ako yung may kasalanan 'di ako tumitingin!" pakikipagtalo niya

Magsasalita na sana siya kaso inunahan ko siya.

"Hep! tama na, magtatalo nanaman tayo eh" natatawa kong sabi, natawan din naman agad siya.

"Nagkita nanaman tayo" sambit niya

Yes,what a coincidence.

Secretly Married to a Badboy (Completed)Where stories live. Discover now