Chapter 22

5.8K 122 1
                                    

Chapter 22

Park

"Andrea bakit hindi mo ginagalaw abg pagkain mo?" tanong ni Gina, tumingin ako sakanya pero binaling ko agad ang tingin ko sa pagkain ko.

"Wala akong gana" mahina kong sabi.

It's been 2 days since nangyari yung sigawan namin ni Shawn... Nakaka-guilty lang kasi..


"Hindi ka din naman matitiis nun,just wait"

Nandito kami ngayon sa baguio kumakain ng breakfast pero wala talaga akong gana kumain. Matakaw ako na person pero kahit anong pulit kong kumain ngayon ay wala talaga akong gana.

"Where's the boys by the way?" bahagyang tanong ni Gwyneth.

"Mall daw sabi ni Kean saakin kanina" sagot ni Kath, they went out pala.


Habang nag-uusap sila na hindi ko maintindihan. Tulala ako naalala ko nanaman kasi yung  nangyari sa van nung papunta na kami ng baguio..


*Flashback*

"Let's go,baka ma-traffic pa tayo" sabi ni Kean na kakadating lang..

Nagsitayuan naman kaming mga girls tsaka pumunta ng van. Pero ito ako ngayon, tulala habang nakahawak ako sa braso ni Gina at Kath

"Wag mo nalang pansinin pag naging cold siya sayo" sabi ni gwyneth saakin pero hindi ko nalang yun pinansin.

"Napasok ko na sa likod yung bags niyo,ha" sabi ni aldrei na hinihintay kami makapasok sa van. Pumasok na sila gwyneth at margaux sumunod naman si gina..

Pumasok na ako ng van at tinignan yung likod. Kita ko naman si Shawn na nakasimangot sa backseat,nagkasalubong pa ang tingin namin pero agad naman siya umiwas. Sa likod nalang ang vacant seat kaya no choice ako na tatabi ako sakanya.Tatabi na sana ako sakanya pero bigla siyang nagsalita.

"Bryle let's exchange seat"

*End of flashack*


Pagkasabi ng pagkasabi niya nun biglang kumirot yung puso ko parang nag slow mo yung life ko ng sinabi niya nun. I got him hurt that is why Im so guilty right now.

Nandito kaming mga girls sa living room at nanonood ng tv. Ang boring ng vacation namin, akala ko masaya pero hindi naman pala. Biglang may narinig kaming katok kaya tumayo naman si Gina para buksan yung pintuan. Lumingon naman ako kung sino yung dumating, ang mga badboys lang pala.


Pagkapasok palang ay si Aldrei ang unang pumasok. Nagkasalubong yung tingin namin ni shawn pero agad naman niyang iniwas ang tingin niya saakin. Ito ang nangyayari samin ni shawn this past few days sa baguio.

Kasing cold lang talaga ni Shawn ang weather dito.

"Saan kayo galing?" rinig kong tanong ni gina sakanila

"Why? Are you concern?" ngumisi si Bryle.

"Ikaw ba kausap ko?" pagtataray ni gina

"Ows? Bakit ka saakin nakatingin" nagtaas kilay si Bryle

"Oh guys please stop, we're here to have fun not to fight!" singit ni Kath, nakita ko naman si Bryle at Gina nag-belat. Paano ba naman kasi maliit na bagay pinag-aawayan pa.

"Haynako Bryle, Im just curious not concern" umirap si Gina.

Ngumisi si Bryle "Parehas din yun"

Nakita ko naman ngayon si Gina na mukhang mainit na ang ulo dahil nakahawak na siya sa kamao niya,nagpipigil na siya magalit.

"Sis chill, bawal pikon" sabi ni margaux na mukhang nagpipigil ng tawa

"Tama na yan, punta nalang tayo ng park" awat ni Kean.

Nagulat ako sa sinabi niya. 2 days na kami dito sa baguio at 2 days na kaming nakakulong dito sa bahay. Noong una ay mukhang wala pa kaming balak gumala pero ngayon ay nagpapasalamat ako sa buhay ni Kean dahil siya lang nakaisip na gumala kami.

"Finally! Makakalabas din!" sabi ni Gwyneth.

Tumayo ako tsaka umakyat sa kwarto naming mga girls. Nandito na ako ngayon sa closet ko at tumitingin nang susuotin ko. Kumuha nalang ako ng jeans, black sleeveless top at jacket para hindi masyadong revealing.


"Hindi ka magso-short,sis?" tanong ni gina saakin.

Umiling ako "Nope, the weather is freezing me out" sagot ko sakanya, nung unang araw namin dito ay malamig nga.

"Ano ba sis hindi naman masyadong malamig" napatigil siya "ay nevermind, Shawn will get mad pala"

Hindi ko nalang pinansin si Gina dahil hindi ko din naman maintindihan ang sinasabi niya.

*Park*

Mag pa-park na kami ngayon sa parking lot ng park, nakaka-miss pumunta dito lalo na yung gusto kong playground. How I miss my childhood days.Unang lumabas si Kean at pinagbuksan kami ng pintuan. Unang lumabas si Gina at ako naman ay nahuli na dahil nasa dulo ako.

"I miss baguio!" sigaw ni Gina nang nakalabas, sinuot naman niya ang shades niya.

"Pang-ilang sabi mo na yan,ha?" tanong ni Bryle kay Gina,

"Ano ba pakialam mo,ha?" inirapan naman ni Gina si Bryle "Let's go girl, baka masira pa lalo ang araw ko dito" hinatak na kami ni Gina palayo sa mga boys.

Nag-iikot naman kaming mga girls dito sa park.. Nagpaalam naman ang boys na may pupuntahan lang sila kaya hiwalay kaming mga girls sakanila. Habang naglalakad na kami may napansin naman akong mga lalaki na nakasalubong namin. Deretcho ko pang  tinignan yung isang lalaki dahil familar siya

"Andrea, is that you?"

"Hi Tyler!" I greeted him with a smile, tumingin naman ako sa mga kasama niya na sila Carlo.

May kumalabit naman saakin at si Kathryn iyon, tinignan ko naman siya

"Diba sila yung nakasama mo sa sa mall?" tanong niya saakin, tumango naman ako. Tinignan ko naman sila Gina na mukhang nagco-confused na.

"Kasama natin ang asawa mo dito sis,ha? paalala lang baka magkagulo" sambit ni Gwyneth kaya nagsimula naman akong kabahan, Shawn is here with us pala fuck!

"We met again, what a small world" sabi ni Tyler, siniko naman siya ni Jake at ngumisi.

Hindi naman mawala sa isip ko si Shawn. Tumitingin-tingin pa ako sa paligid baka mamaya ay nanjan na sila kaya kinakabahan na talaga ako.

"Hey Andrea" Tyler caught my attention.

"Oh sorry, what is it again?" binalik ko sakanya ang attention ko.

"Mind if we can join you guys—"

"Sorry bro, we need to go somewhere" may umakbay sakin at si Shawn iyon.

Secretly Married to a Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon