Chapter 23

5.9K 116 3
                                    

Chapter 23

Truth or Dare

"Easy pre" Tyler raised his both "Inaaya lang namin sila makipaglaro" napatingin naman ako kay Tyler

"Oh? Sali naman kami jan" sabi ni Kean.

Tinignan ko si Shawn sa tabi ko na seryoso parin ang mukha habang naka-akbay saakin. Pero sila Kean naman ay mukhang interesado pa maglaro, ang topakin talaga nitong lalaking to.

"What kind of game?" I asked.


"Spin the bottle?"

"G ako jan!" sabi ni Gwyneth.

"Basta bawal kj" sabi ni Carlo.

Pumunta naman kami sa malaking table dito. Magkasama ang lalaki at babae, napa-gitnaan naman ako ni Gina at Margaux. Nag-start na yung game at tumapat naman yun kay gina.

"Omygosh bakit ako ang una?" naiinis ba sabi ni Gina.

"Gina, Truth or Dare?" tanong ko sakanya

"Truth, baka ano pa ang ipagawa niyo pag dare" umirap siya sabay cross-armed habang titig na titig sakin. Nagsimula naman ako mag-isip kung anong tanong ang pwede kay Gina.

"Sino ang crush mo?" I smiled when her face got shock.


"Easy, si brlgs." kinikilig naman si Gina ngayon dahil proud na proud pa siya kung sino ang crush niya, hahampas na niya sana ako pero bahagya akong lumayo.



"Hep! Wag ako,iba nalang" pigil niya at inirapan naman ako ni gaga,attitude ka girl?

Ini-spin naman ni Gina ang bottle at ngayon ay mabilis na umiikot. Dahan-dahang tumigil sa pagkaka-ikot nung bote at tumapat yun sakin. Tumayo naman si Shawn nang huminto ang bote at lahat kami napatingin sakanya.

"Alis lang ako"

Nagkatinginan naman kami ng mga kaibigan ko na mukhang nagtataka na din.

"Problema nun?" tanong ni Margaux

"Ewan baka may pupuntahan lang" sabi ni Gina at bumaling saakin "So Andrea, Truth or Dare?" nakangiting sabi niya.

Sa ngiti palang ni Gina ay mukhang may masama nang binabalak. Pang-aasar kasi na ngiti ang ginagawa niya ngayon.


"Dare" hindi nalang ako nag-truth, baka ano pa ang i-tanong niya saakin at ma-expose pa ako nang wala sa oras.

"So dare..." tumingin naman si gina sa nga kaibigan namin, isa-isa naman silang tumango pagkatapos ay binalik na ni Gina ang tingin sakin.

"Makipag-bati kana kay Shawn!" mabilis at casual niya sinabi.

"Yun lang pala,madali lang yun" normal naman ako tumayo para gawin iyon pero ilang sandali ay nanlaki ang mata ko at bahagyang tumingin kay Gina, I can do that but not now!


"Hephep! Bawal kj diba" um-upo na ulit ako, wala naman akong magawa kundi pumayag.


"Okay, pag-uwi natin sa bahay" mahina kong sabi.

Habang naglalaro kami dito sa park ay hindi ko napapansin ang nangyayari dito.Wait kasama nga ba ako? Tulala ako habang naglalaro sila, Out of place nga ako eh.. Yung feeling na nagta-tawanan at nagsasayahan ang mga kaibigan ko pero ito ako ngayon, iniisip ko kung paano ako makikipag ayos kay
Shawn Lucas Salvador.


Paano kaya ako makikipag ayos sakanya, ang hirap kasi nung dare na pinapagawa sakin. Sa lahat ba naman ng dare na pwede ipagawa saakin ni Gina,ba't yun pa? pero maayos na din yun para wala na akong ibang iniisip na problema na dapat lutasin na..


"Bye guys, see you again soon" sigaw ni Carlo sabay pasok saksakyan niya


Hindi ko namalayan na mag ga-gabi na pala, dahil sa pakening pago-overthink ko. Lumapit naman saakin si Tyler ay napatingin naman ako sakanya, I can smell his scent. Ang bango,nakaka-addict amoyin.


"See you again soon,Andrea" biglang yumakap si tyler saakin, nagulat ako kaya mabilis ko siyang tinulak sa pagkakayakap sakin, mukhang nabigla pa siya dahil tinulak ko siya.


Narinig ko na may malakas na nagsara ng pintuan ng sasakyan kaya napatingin naman ako. Hindi ko naman nakita ko sino yun dahil naka-tinted ang sasakyan.

"Bye Tyler" I gave him a quick smile at umalis na..

Humawak ako sa braso ni Margaux at pumunta na kami. Nauna akong pumasok sa van at sumunod naman ang mga kaibigan ko. Pumasok na si Kean sa driver's seat at si Shawn naman ay.nasa passenger seat habang nakasuot earphones, ini-start na ni Kean ang sasakyan. Kinalabit naman ako ni Margaux kaya
naman ako sakanya.

"Andrea, nagseselos ang asawa mo"

Secretly Married to a Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon