KABANATA 5

328 56 47
                                    

05.

"Hello! Asan na naman kayo?! Ha? 'Di ba sabi ko pupunta tayo'ng shop?" Sabi ni Viv sa kausap niya sa telepono.

"Oo, ito na nga! Ba'b ba sumisigaw ka?! Pumunta lang kami kay Jordan!"

"Sinisigawan mo ba 'ko, Fort? Ha?" Malumanay na sabi ni Viv.

"Ay! Hindi 'no! Eto na po. Pinuntahan lang po namin si Jordan po."

"Tsk. Bilisan niyo na nga! E, paano pala 'yun? Ano kayang mangyayari... Fort baka.."

"Kaya nga pupunta tayo r'on para makita niya na. Hindi naman natin kayang itago sa kaniya 'to, e. Lalo pa nakita niya na si Shaz n'ong kasal nila Lewis."

Natahimik at bumuntong hininga si Viv, "Right. Are you with Eight? Hope she's ready too."

"Yes, she's a little bit quite. But she seems okay so, we gotta go. Jordan's here. See you there. Bye."

"Sige. Ingat kayo."

At naputol na ang linya.

Papunta sila ngayon sa shop kung saan sila nagpagawa ng Gowns. Pupuntahan nila ang babaeng matagal na nilang hinahanap. Ang babaeng halos nagpabago sa kaibigan nilang si Jordan Mendelez III.

Nasa isang ice cream parlor na katapat ng Eyra's Glimpse ang shop na kinuhaan nga nila ng gowns, si Viv at hinihintay sila Fort, Andray, eight at Jordan. May kinuhang litrato mula sa kaniyang wallet.

"Shazzy? Ba't ngayon ka lang? Miss na miss na kita, bruha ka! Buti napigilan ko sarili ko na yakapin ka. Namiss ko na 'yung pag-takas natin sa daddy mo. Namimiss ko na 'yung pagkain natin ng isaw. Namimiss ko na 'yung magpapadulas tayo sa hagdan n'yo pababa, paano kasi ang laki ng bahay n'yo at ang haba tuloy nung hagdan. Namimiss ko na 'yung lagi mo'ng pag-chismis sa 'kin kung anong nangyari sa araw mo. Namimiss ko na 'yung pag-tambay natin sa malaking duyan sa likod ng bahay nyo," pagkausap nito sa litrato ng kaibigan. Bagamat naiiyak na siya, pinigilan niya parin. "Ay, shazzy. Ayoko umiyak ha! Mag-isa lang ako rito, baka sabihan akong lokaret. Susme!"

Sa kabilang banda, tahimik ang namayani sa loob ng kotse ni Fort.

"Hoy kayong dalawa! Ba't ang tahimik ninyo? Did something happened?" Pang-basag ni Jordan sa katahimikan. Kasalukuyang nagma-maneho si Fort, sa tabi niya si Andray. Nasa likod naman si Jordan at Eight. "Hey, Eight. Why these two are so f cking quite? It scares me. Huh?"

Baling na tanong ni Jordan. Bahagya naman nagulat si Eight sa tanong ng Kuya Jordan niya.

"I don't know kuya Jordan..." At yumuko nalang si Eight kasabay ng pagkuha niya ng Earphones at inilagay sa tenga.

"What's happening, Seriously? Ano ba'ng mayroon? Saan ba tayo pupunta? Mga kalokohan niyo talaga."

"We're going to Eyra's Glimpse, Jordan," sabi ni Fort.

"What's with that Eyra's Glimpse Shop?" Pabalik na tanong ni Jordan. Nagkatinginan si Fort at Andray.

"To see someone," sagot ni Andray.

Napagtanto ni Jordan na masyadong seryoso ang mga kasama niya kaya sa buong biyahe ay tahimik lang silang lahat.

No one dares to talk, they knew that there's something going to happen.

Matapos ang kalahating oras ng pagmamaneho, ipinarada ni Fort ang kaniyang sasakyan sa tapat ng Eyra's Glimpse.

"Teka, tawagin ko lang si Viv. Nand'on lang siya sa Ice cream parlor na 'yun," sabay turo sa katapat na Ice cream parlor. "Wag muna kayong bababa. Wait for us."

Between the two (Completed)Where stories live. Discover now