KABANATA 30

63 6 0
                                    

30.

Pinarada na ni Ysa ang kaniyang sasakyan at lumabas na silang magka-kaibigan.

"Ate Ysa, where tayo mag-uumpisa?" Tanong ni Eigh nang makalabas.

"Hihintayin ba natin sila?" Tanong ni Viv.

"Last text sa akin ni Jordan patapos na sila magpa-car wash. Hintayin na lang natin sila. Libot muna tayo dito bago umakyat."

Sumangayon sila sa suhestiyon ni Shaznae. Kasalukuyan silang naglilibot bago umakyat sa isang sikat at madalas dayuhin sa Lucban, ang Kamay ni Hesus.

Ilang minuto pa ang tinagal ng kanilang paglalakad ay may tumawag kay Shaznae.

"Babe, where are you? We're almost there." wika ni Jordan sa kabilang linya ng telepono.

Napatingin naman siya sa mga kasama niyang abala sa pagkuha ng mga litrato.

"Salubungin ko na kayo sa may groto. Busy sila mag-picture taking." sabi ni Shaznae.

"Alright."

Binaba nila ang tawag. Lumapit naman si Shaznae sa mga kaibigan niya.

"Girls, puntahan ko lang sila. Malapit na raw sila, e."

"Okay, Ate Nae.. but can you help me to stand this tripod of yours? And also, paki-timer na rin, Ate, please? Ate Viv and Ysa doesn't know how to do it and didn't know the right angle." sambit ni Eight.

"Si Shaznae ang dapat magset-up since siya naman ang photographer dito sa atin." tumawa silang lahat sa sinabi ni Viv.

"Sige, Shaz. We'll wait for you guys here."

Naglakas na palayo si Shaznae at naghintay sa mga kaibigan niyang lalaki. Habang naghihintay ay inayos muna ni Shaznae ang kaniyang sapatos at damit na bahagyang hinahangin.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakita na ni Shaznae ang pamilyar na sasakyan. Nang maiparada ito ay lumapit si Shaznae doon. Lumabas sa kotse si Andray na namumutla, si Lewis na nakakunot ang noo, si Fort at Jordan na natatawa.

"Ano nangyari sayo Andray? Putlang-putla ka?" tanong ni Shaznae nang makalapit. Umiling-iling lang na lumapit si Andray sa kaniya at uminom ng tubig. Natawa naman sina Jordan at Fort.

"Where are they, Shaz?" tanong ni Lewis.

"Tara, nandun sila. Hindi pa naman kami umaakyat, e. Nagpi-picture taking lang sila." sagot ni Shaznae. Lumapit sa kaniya si Jordan at hinalikan ang noo.

Naglakad na sila papalapit sa mga kasama nilang babae.

"Anong nangyari sayo, Andray?" tanong ni Viv.

"Sasakyan kasi ni Lewis may air freshener pero nakakahilo! Tapos ang bilis pa magpatakbo, nahilo tuloy ako!" sambit ni Andray.

"Sinisi mo pa sasakyan ko?! Sinukahan mo na nga!" asar na sagot ni Lewis at lumapit sa kaniyang asawa.

"Ang baho ng kotse ni Lewis kaya napa-car wash tuloy kami ng wala sa oras." sabi ni Fort. "Laughtrip yung biyahe namin!"

Between the two (Completed)Where stories live. Discover now