EPILOGUE

104 0 0
                                    

Shaznae.

"Grabe, parang gulat na gulat talaga sila," mahina kong sambit habang nasa labas ng eroplano ang tingin.

He held my hand and gently squezed it.

"They were shocked but it's fine."

"They are?"

"Yes," pinunta niya sa gawi niya ang tingin ko.

Grabe.

Hindi ko talaga aakalain na magiging kami ulit. Ilang beses kong tinanggi na hindi ko na siya mahal. Ilang beses kong tinakbuhan ang mga bagay na naroon siya. Kaso sa pagtakbo ko, sa kaniya pa rin ang pahinga ko.

Pumunta ako sa kwarto niya kaninang madaling araw dahil matapos ang pag-uusap namin kagabi sa post-celebration ng kasal nila Viv at Fort ay doon ako natauhan.

"Ate Nae, you're flight will be tomorrow, right?" Tanong ni Eight. Gabi na ngayon at nasa harap kami ng isang bonfire. Magkakasama kaming mga girls samantalang sina Jordan, Fort, Andray at Lewis ay nasa kabila, mga nag-uusap at nagtatawanan din.

"Oo, eh," malungkot kong sabi. "Hahatid niyo naman ako."

"Oo naman! Wala naman kami sinabi na hindi ka ihahatid baka mamaya ma-kidnap kapa ni Jordan at hindi na makauwi sa Scotland, e!" Si Ysa. Napatawa tuloy kaming lahat. "But, seriously, kumusta kayo?"

Hindi agad ako nakasagot.

Kumusta nga ba kami?

Nitong mga nakaraan na wala siya at ang kasama ko ilang araw ay si Clark, may pakiramdam ako na hinahanap siya. Hindi ko alam kung bakit pero ganoon nga ang nararamdaman ko.

Noong huli niyang punta sa bahay namin, iyon din 'yung araw na umalis si Clark at sinabing piliin ko kung ano ang magpapasaya sa'kin.

Noong nakaraan din, sabi ni Eyra.. baka natatakot lang talaga ako na mangyari ulit ang mga nangyari noon. Hindi ko na 'yon kaya mangyari ulit, halos madurog ako sa mga panahon na 'yon. Nagsabay sabay ang mga pagbibigay ng mga pananakit na naging dahilan pa rin naman kung bakit ako malakas ngayon.

Ang pamilya ko noon, mga Lender... hindi naman ako nagalit sa kanila. Hindi rin naman ako mapagtanim ng galit at binuhay din naman nila ako ng parang anak. Kung wala sila, hindi ako mabubuhay ngayon hanggang sa makilala ko ang totoong pamilya ko. Ang Ate ko ay hindi ko na nakausap sila noong narinig ko mismo sa kaniya na hindi niya ako tunay na kapatid, hindi ako nagalit sa kaniya kasi anong karapatan ko magalit sa katotohan tungkol sa buhay ko, 'di ba? Kuya Scrip continues the connection to me hanggang sa nasa Scotland na 'ko. I was really and still blessed because of them, they maybe not my real family but in my heart they are part of me.

Kuya Sandro, my real brother, suffered also. Noong unang taon ko sa kanila alam kong nahihirapan siyang mag-adjust dahil sa'kin. He managed to fulfill those years na nawala ako sa kanila. Kuya Sandro is the best, he's vocal which something I admires of. Our Dad also made some adjustment for me, noong kinuwento niya sa'kin noon ang tungkol sa Mommy namin ni Sandro ay hindi ko mapigilang maiyak. Hinanap niya talaga ang Mommy namin and he doesn't really know if I was alive or not. Based our grandparents, Mom is an amazing person at nakuha ko raw ang iilang features at ugali niya.

When Jordan left me, I was drowned with all of my thoughts.

I blamed myself for everything but I managed to forgive as years go by.

Six years.

For six years in Scotland, I stand to be better.

People around me helped me to be better.

"Kumusta si Georgie?" I suddenly asked, I saw him a lil bit stiffed. "Ayos lang na pag-usapan. Hindi naman ako galit sa kaniya."

He sighed.

Between the two (Completed)Where stories live. Discover now