KABANATA 33

49 2 0
                                    

33.

"Ma'am Shaz, nandiyan na po 'yung ka-meeting niyo." sabi ng sekretarya ni Shaznae.

"Okay."

Agad na tumayo si Shaznae at naglakad. Habang papunta siya sa isa sa kanilang conference room ay nag-ayos siya ng sarili.

Alam niyang hindi sapat ang kaniyang tulog dahil hikab siya ng hikab mula kaninang pagkadating niya. Hindi rin ganoon kaganda ang kaniyang pakiramdam.

"How do I look?"

"Presentable po Ma'am."

"Thank you and please order me some lemon with honey juice right after this meeting. Paki-tawagan rin si Collin, pakisabi na dadaan ako ng studio mamaya."

"Noted Ma'am Shaznae. Good luck po."

Pumasok na siya sa loob at tumambad sa kaniya ang isang lalaki.

"Hi!!?"

Naglakad papalapit si Shaznae sa lalaking may malaking ngiti at yinakap ito.

"Hindi mo sinabi na ikaw ang ka-meeting ko!"

"Ako lang naman yata ang kakilala mong Perez sa Scotland?"

Inalis nila ang yakap sa isa't-isa.

"But I didn't know the Perez will be you! Kailan ka dumating?"

"Six days ago pa. Sobrang busy mo, hirap hagilapin. Nagpunta ako sa inyo right after from the airport kaso sabi ni Sandro, nasa vacation ka daw. 'Wag nga daw muna kita guluhin since pahinga mo."

Nagtawanan sila.

Nagpatuloy ang kanilang pag-uusap at tawanang ng ilang oras hanggang sa kumatok ang sekretarya ni Shaznae.

"Ma'am Shaz, lunch po?"

Bumaling si Shaznae habang bakas pa ang pagtawa, "Order us some chicken and then 'yong drinks na pinapa-order ko kanina, make it two."

Nag-aalangang pumasok ang sekretarya.

"Ma'am Shaz kasi.. Nasa office niyo po si Sir Jordan. May dala daw po siyang lunch."

Natigil sa pag-uusap sina Shaznae.

"Jordan? As in Jordan Mondelez?" tanong ng kaibigan niyang si Clark. Tumango naman si Shaznae. "For real? Nagka-balikan kayo?"

"Hindi. Nagkausap na kami."

"Puntahan na lang natin? Doon na lang tayo sa office mo mag-kwentuhan, if that's okay with you, Shaz?"

"Oo naman. Tara na nga."

Lumabas sila. Inakbayan pa ni Clark si Shaznae. Nagtingin naman ang iilang tao sa opisina pero hindi na iyon pinansin ni Shaznae.

"Masakit ba iyon manapak, Shaz?"

"H-huh?"

"Nothing." ngumiti na lang si Clark at patuloy pa rin ang pag-akbay at paglalakad nila patungo sa opisina ng dalaga.

Nang buksan ni Shaznae ang pinto ay naroon sa sofa si Jordan habang prenteng nakaupo. Pareho silang nagulat. Si Shaznae dahil sa mga pagkaing nasa lamesa at si Jordan dahil may naakbay na lalaki sa babaeng mahal niya. Parang nag-iinit ang ulo niya sa nakikita at gusto nang baliin ang kamay nito dahil sa mga tingin niya.

"Hi. Hindi ka nagpasabi na pupunta ka?" sabi ni Shaznae. Bahagya siyang lumapit at naalis ang pagkakaakbay ni Clark. Tumayo naman si Jordan.

"I texted you but your phone is dead so I called your secretary, sabi niya nasa meeting ka pa raw so I bought you a food."

Between the two (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن