KABANATA 9

239 49 30
                                    

09.

Nagising si Jordan sa tunog ng kaniyang telepono. Kinuha niya ito. "Yo, what do you want man?" Bagot na sagot niya sa tumawag sakaniya.

"Brader! Manuod ka ng T.V! Si Shaznae nandoon! May interview siya!" Sabi ni Andray sa kabilang linya.

Dali-daling pumunta si Jordan sa harap ng kaniyang telebisyon at binuksan ito.

"...so, Ms. Shaznae what is your reason kung bakit ka bumalik dito sa pilipinas? May gusto ka bang balikan dito? Is this a someone special or what?"

"Actually, I'm here basically kasi dito talaga ako nag-simula sa lahat. UK is good, pero mas okay kung nasa sarili mong bansa ka but... unfortunately, I came back here just for some bussiness of my family that we needs to attend."

"Last question Ms. Shaznae, are you single?"

Bahagyang nag-tilian ang mga taong nanunuod sa studio at may pinokus ang isang camera sa isang lalaki na may dala-dalang bulaklak. Napamura sa isip si Jordan.

"It can't be."

Sasagutin pa lang sana ni Shaznae ang tanong ng host, ngunit pinatay na agad ni Jordan ang T.V. Minabuti niya na 'wag na lang panuorin ito dahil masasaktan lang siya.

***

Tinawagan ni Jordan ang mga kaibigan niya para pumunta ito sa bahay niya. Matapos nito si Viv naman ang kaniyang tinawagan.

"Sup, Viv. Can I ask you something?"

"Yah, yah. Sure, ano ba 'yon?"

"Can I talk to... uh–"

"Talk to who,  jords?"

"Talk to— uhm. K-kay a...ano.. kay s—"

"Hmn. Hmn. Kay Shaznae? Ayy, oo nga pala may si-net na siyang day para makasama tayo. Sa LvL Club daw tayo this coming friday night... so, tommorow na. I was heading to your house na sana para personally sabihin sa inyo, buti na lang tumawag ka."

"Great. Uhm, Sige. sabihin ko na lang din sila Dray."

"Yes, please. Sige, thanks Jords! Sige, gottago may meeting pa ko. Bye!"

At naputol na ang tawag. Hindi alam ni Jordan ang gagawin niya dahil bukas... bukas na niya makakasama ang babaeng minamahal niya na ng mahabang panahon.

"Eh, brad. Paano 'yon? Dun na kayo magkikita ni Shaznae? Ano magiging reaction mo?" Tanong ni Fort.

"I.. I don't really know," sagot naman ni Jordan kasabay nito ang pag-hilamos sa mukha at buntong hininga.

"Basta brader paps, nandito lang kami. Handang tumawa sayo! Pero syempre with feeling kasi syempre, hindi ka naman na iba sa amin, you know," ani Andray at tumawa ito ng malakas.

"Really?"

"Biro lang, Jords. Seriously, we're here to support you dude. After all you've done? Tsk, this is your chance to say what you really fckng need to say to her," sabi ni Andray.

Napaisip ng malalim si Jordan. Ano nga ba ang mangyayari sakaniya?

"Brader paps! Tara na. Bakit kayo ganyan. Ang pabebe pa maglakad? Don't you dare be nervous, man. Para kang bakla! Walang pogi na kinakabahan!" Wika ni Fort.

"Bobo ka ba? Syempre kakabahan 'yan ngayon na lang ulit niya makakausap si Shaznae."

"Maka-bobo? Kala mo siya 'di bobo. Parehas lang tayo, hoy!"

"Tsk, tama na nga 'yan. Let's go, baka naghihintay na sila dun," pamamagitan ni Jordan sa dalawa.

"Hapit makita si Shazzy, Brader?" Sabi ni Fort.

Between the two (Completed)Where stories live. Discover now