kabanata 12

14.9K 445 7
                                    


Kabanata 12

Tamara

"But sir?"

"No more buts, Tamara. Wala pa akong nakukuhang papalit sayo that has the credential that they are looking. It's just for the mean time. And congratulation. You deserve it."

Laglag ang balikat na lumabas ako ng office ni ninong James. Hindi ko alam sa dalawa kung ano ang good news at bad news sa mga nakuha ko ngayon. It has been a week since he left the island at wala pa rin akong balita sa kanya. Then nakuha ko na ang matagal ko nang pangarap pero bakit parang hindi ako masaya?

Maraming bumabati sa akin pero tanging tipid na ngiti lang ang sagot ko at tango.

"Cuz."

Tipid na ngumiti ako kay Karina. Today she's filing her resignation. Sa isang araw na rin ang kasal nila ni Greg. She look at me with pity. Umiling ako sa kanya.

"Don't give me that look Karina. I'm okay. I will be okay."

"I know. I know because you're a fighter. Mas may mabibigat ka pang pinagdaanan kumpara rito kaya alam kong malalagpasan mo rin lahat ng 'to."

She holds my hand and smile. She's right. Pero kahit anong gawin ko masakit pa rin para sa akin ang nangyari. Galit sya sa akin dahil hindi ko sinabi na bodyguard nya ako. Wala akong nakikitang masama sa naging trabaho ko.

"Thank you."

>>>

"Get the hell out of my fucking sight! Stupido!"

Pumikit ako at huminga ng malalim bago naglakad papunta sa lamesa ng secretarya nya sa labas. Kahit na nasa pasilyo pa lang ako rinig na rinig ko na ang dumadagundong nyang boses.

Nagmamadaling lumabas ang isang lalaki mula sa office ni Cloud. Ilang beses pa tong bumuntong hininga at saka naglakad papalayo.

"Yes, miss? How may I help you?"

Ito siguro ang sekretarya nya. May itsura at malaki ang hinaharap. Kulang na lang ay sumabog ang butones ng suot nyang blazer sa sobrang higpit. Huminag muna ako ng malalim saka ngumiti. Kailangan talaga Tamara Yngrid ayun ang unang mapansin?

"I'm looking for Mr. Cloud Walters. Ako ang pinadala to be his bodyguard."

Pinasadahan ako ng tingin nito mula ulo hanggang paa. Gusto kong umirap at tutukan sya ng baril sa ulo pero mas pinili kong wag na. Sayang ang bala.

"Okay, wait here. Sasabihin ko lang kay sir ang pag dating mo."

Bored na tumango ako sa kanya. Naupo ako sa visitors chair at pinaglaruan ang cellphone na hawak ko. Inilibot ko pa ang paningin ko sa paligid. Maganda ang office nya at napaka manly. Halata ring pang mayaman ang mga gamit.

If dad's still alive sigurado ako ganto rin kaganda ang opisina nya.

"Miss, pasok ka na raw."

Lahat na ata ng santo natawag o na habang papasok ako sa loob sa sobrang nerbyos. Kamusta na kaya sya? Sana naman ay hindi na sya galit sa akin. After all I'm just doing my job at hindi ko ginustong ilihim sa kanya ang lahat.

Abducted by my stalker (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon