kabanata 14

14.8K 376 11
                                    

Kabanata 14

Tamara

"Magtira ka naman para sa sarili mo. Nilunok mo na lahat dahil sa pagpayag mong maging bodyguard nya."

Hindi na lang ako kumibo sa sinabi ni Karina. Tinamaan kasi ako sa sinabi nya.

"Hindi ka grumaduate with flying colors para lang maging bodyguard! You mastered your skills tapos ganyan ka lang? Mabuti pa sa lalong madaling panahon tapusin mo na yan at simulan mo na ang pagtupad sa pangarap mo. Abot kamay mo na pinapatagal mo pa."

Bumuntong hininga na lang ako. Wala pang alas syete ng umaga pero nag lilitanya na sa akin si Karina. Naiintindihan ko kung saan sya nanggagaling. Pero ang hindi nya naiinitindihan ay kung bakit ko ginagawa ito.

"I love him."

Nakayuko ako kaya hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nya. Mahal ko na si Cloud. I'm staying and doing my duties dahil umaasa akong mapatawad nya and we could start all over again.

"And do you think he feels the same? Wake up, snow white! Life in not a fairy tale."

She snaps her fingers pa. Sumimangot ako. Napaka nega ni Karina pero minsan hindi ko naman sya masisisi dahil nagsasabi lang naman sya ng totoo.

She's right, I really don't know if he feels the same. Lalo na ang nangyari kagabi. He made me feel na wala akong halaga para sa kanya.

"Isang linggo na lang pala kasal mo na. I'm going to miss you. Magisa na lang ako rito."

Pagiiba ko sa usapan. Nakaramdam ako ng lungkot isipin ko pa lang na magkakalayo na kami. Nasanay na ako na kahit minsan nagtatalo kaming dalawa buong buhay namin kami ang magkasama. Especially when my parents died.

"I'll miss you more. Pero wag mong iniiba ang usapan!"

I chuckles. Kung hindi lang buntis to kanina ko pa nabatukan.

"I'm going na. Take care preggy. Love you cuz!"

Naiiling na lang sya sa akin habang nakangiti. She's blooming. Bagay na bagay sa kanya ang pagbubuntis nya yun lang masakit sa ulo lalo na ngayon dahil naglilihi pa sya.

"Try to show him how much you love him pero kung wala talagang patutunguhan... mag tira ka ng konti para sa sarili mo. Tama na and move on with your life. I love you Tammy."

I smile to her. I kissed her cheeks. "I will."

I realize na dapat gawin ko ang lahat para masabi ko sa kanya ang totoo before it's too late. Naniniwala ako na kahit gaano pa sya katigas ngayon lalambot at lalambot pa rin sya.

Katulad kahapon hind pa rin nya ako kinibo buong umaga. Nagulat ako kanina ng pagdating ko may sampung bodyguard na syang kasama. He didn't say any word. Ipinaliwanag lang sa akin ng pinaka leader nila na binalik lang silang lahat. They still acknowledge my presence at ginagalang bilang nakakataas sa kanila.

"What the fuck?! Where is all your IT staff?"

Sumunod ako sa nagmamadaling si Cloud papunta kung saan. Tinabihan ko si Jessie para magtanong kung ano ang nangyayari. By the way we're okay na dahil nalaman ko na ganyan lang pala sya manamit at magsalita pero faithful sya sa boyfriend nya na anak ng isang politician.

Abducted by my stalker (Complete)Where stories live. Discover now