kabanata 32

16K 377 26
                                    


Kabanata 32

Yngrid

"I know you deserves the best proposal I can still do that pero sa ngayon gusto kong masecure ko muna na akin ka." Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap ng ilabas nya ang itim na box na may nakasulat na cartier. "Love, will you marry me?"

Bumugso pa lalo ang mga luha ko. Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa sobrang saya. Hindi ko kailangan ng sobrang gandang proposal kung hindi lang naman si Cloud ang mag po-propose sa akin. Makita pa lang syang nakaluhod sa harap ko ay labis nang nakakapapasaya sa akin.

"Talagang madaling araw ka nag po-propose?" Bahagya akong natawa ng sumimangot sya sa akin. I just need to that dahil baka himatayin na ako sa sobrang saya at kilig kong nararamdaman.

"Love, I love you so much but God! You're killing me for not answering my question. Tamara Yngrid Hoult will you be my wife?"

"Yes! Oo!" inilahad ko ang kamay ko sa kanya saka ko sya tinalon payakap ng mailagay nya na sa kamay ko ang singsing.

When was the last time I was this happy except noong pinanganak ko ang kambal? Hindi ko na maalala. God knows how Cloud made me happy.

"Love, as much as I want to hug you and shower you with a kiss, hindi ko na kayang antayin pa ang umaga to share to everybody the good news. I love you my soon to be Mrs. Cloud Breeze Walters. I'll be back."

Mabilis na hinalikan ni Cloud ang labi ko bago nagmadaling lumabas sa kwarto halos madapa pa sya ng masagi ng paa nya ang floor rug. Bahagya na lang akong natawa.

Nabaling ang tingin ko sa kaliwang kamay ko. The ring fits perfectly. Para bang ginawa talaga sya para sa akin. Hinalikan ko muna ang pisngi ng dalawa bago ako tumayo para sundan si Cloud.

"WE'RE ENGAGE! WE'RE ENGAGE!"

Nanlaki ang mata ko ng katukin nya ang lahat ng pinto ng kwarto sa bahay I mean literally lahat kwarto kaya naman ang mga pinsan nya pupungas pungas na nagbukas ng pinto. Some of them nakakunot ang noo. Maski sina Karina at iba pang tao sa bahay.

Sa lakas ng boses ni Cloud baka magising maski taga kabilang bayan.

"Kuya Phoe! We're engage!"

Masama ang tingin ni Kuya Phoenix kay Cloud habang lumalayo sa pagkakayakap nito.

"Cloud, I'm happy for both of you but damn, istorbo ka."

Natawa na lang kami kay Kuya Phoenix. Binati kami ng mga pinsan nya na nandito sa loob ng bahay ganun rin sila Karina at Nanay Berta.

"Ako'y masaya para sa inyong dalawa. Nawa'y pagpalain pa kayo."

"Salamay Nanay..."

"Asana ng magnanakaw?/ Where is he?!"

Patakbong lumapit sa amin ang kambal habang may tig isang hawak na baril sa kamay nila. Mga naka boxer short lang ang dalawa at mukhang disoriented pa ang utak.

"Kuya and Ate got engage! Kuya proposed in the middle of the night! Ang galing diba?"

Bakas na bakas ang sarcasm sa boses ni Shelby at masama rin ang tingin nito sa nakakatandang kapatid. Brayden and Jayce frown. Mukha namang naiinis na si Cloud sa mga kapatid but I find them cute. Close na close sila kahit na matatanda na sila.

Abducted by my stalker (Complete)Where stories live. Discover now