kabanata 19

15.1K 382 11
                                    

Kabanata 19

"Grae darling, where's Tamara?" Samantha asked habang hinahanap ng mata si Tamara.

Grae stood up and kissed Samantha's cheek.

"She left na po. Why tita?"

Napabuntong hininga si Samantha at nanghihinang naupo sa tabi ng inupuan ni Grae. Nang sabihin ni Slate kanina may nakakapa syang bukol sa tyan ni Tamara nagduda na agad sila na hindi ito sakit kung hindi isang baby at tama nga sila.

Tamara's pregnant.

"She's pregnant. Hindi ko pa alam kung ilang lingo na dahil hindi ko pa sya na che-checkup-an. I should call Cloud. He needs to know."

Akmang kukunin nya na ang telepono sa bulsa ng pigilin ni Grae ang kanyang kamay at marahan na umiling.

"No tita. Before she left nagpasabi si Ate Tamara na kung buntis nga sya wag munang sabihin kay Kuya. She said she needs to think first."

"But my son has a right to know about her pregnancy. It stills his child."

Huminga ng malalim si Grae. "I know tita. But we have to respect what she wants. Sya pa rin po ang nanay ng bata. I'm sorry tita for saying this pero tingin ko po masyado na nyong pinanghihimasukan nag buhay ni Kuya. Kahit kayo po ang nanay nya he still has his own mind. May karapatan pa rin po syang magdesisyon para sa sarili nya."

Natahimik si Samantha sa narinig nya mula sa pamangkin. Ang gusto nya lang naman ay mapunta ang anak sa tamang tao pero mukhang tama si Grae dahil masyado nya nang pinaghihimasukan ang buhay ng anak nya.

"Grae can think well than you Sam. Nasa tamang edad na si Cloud para mag desisyon para sa sarili nya. Based on what I saw earlier, alam kong mahal nila ang isa't isa. Let your son be man enough to face his own life. Wag kang gumawa ng bagay na pagsisishan mo rin in the end."

Napaangat ang dalawang babae sa nagsalita. Slate stood right next to them habang seryosong nakatingin sa kanila. Mas mabuti pa ang pamangkin nya nagiisip ng matino kumpara kay Samantha na nagiging makasarili na.

Naiintindihan ni Slate si Samantha dahil sya bilang magulang ayaw nya ring masasaktan ang mga anak nya. Pero naniniwala rin sya na para matuto ang mga bata sa buhay nila kailangan nilang maranasan ang sakit at hirap.

"But she's pregnant." Apila ni Samantha.

"You better talk to Kuya, Sam." Walang nagawa si Samantha kung hindi tumango kay Slate.

Nagkatinginan si Slate at Grae at saka sabay na napailing na lang dahil sa inaasta ni Samantha. She's just being a mom. A mother who would do anything for her children.

"Your son got Tamara pregnant."

"Does he know? What your son said?" Halos magpalitan na sa sobrang salubong ang mga kilay ni Thunder dahil sa sinabi ng asawa.

Ilang beses nya nang sinabihan ang asawa na hayaan an si Cloud sa buhay nya dahil nasa hustong edad naman na ito.

"Hindi pa. She left bago ko pa makausap. Pinapasabi nya rin na wag munang sabihin kay Cloud. What should we do? Cloud has the right to know about her pregnancy dahil sya ang ama."

Umiling si Thunder sa asawa. Pinaupo nya ang asawa sa tabi at hinawakan ang kamay.

"Galangin natin kung ano ang hiling nya. Naniniwala akong sya mismo ang magsasabi noon sa anak natin. Damn. Time flies so fast. Akalain mong magkaka apo na tayo. I'm excited to see him."

Abducted by my stalker (Complete)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن