Chapter 1:Amnesia

226 14 6
                                    

"Miguel! Miguel gising Miguel!!"

Nagising ako ng para bang tumahimik yung mundo. May mga tao sa harapan ko, halos lahat sila malapit sa edad ko, pero di ko sila kilala. Pero parang kilala nila ako.

Bat sila natataranta? ano bang meron? May isang lalaki na lumapit papunta sakin sabay hinala ako papatayo.

"Umayos ka nga! Halika na!" Sabi nya sabay hinila nya ko papatakbo.

Tumakbo din yung mga taong kasama nya, yung iba parang nakikipaglaban pa.

Ano ba talaga ang nangyayare? parang ang gulo. Nakita ko yung mga dinadaanan namin. Mga lubak-lubak na daan tapos may mga tao ding nagsisitakbuhan. May mga kotseng tigil at nagsibanggaan din.

Masyadong marami ang nangyayari parang di kaya ng utak ko na kayahin ito.

"Lester dito!" Sigaw ng babae. Sinundan namin sya at para bang may nakita syang maliit na taguan. Nagtago kami don.

"Pwede na saguro toh, pagsamantala lang" sabi naman ng isa.

"Teka, teka" Sabi ko. "Anong pwede na? Ano bang nangyayare? Sino ka ba? Sino ba ko?" Nalabas ko na din yung mga tanong na gusto kong malabas. Ngayon naghihintay na lang ako ng kasagutan.

Nagtingan sila sa isa't isa na para bang nagaalala, sabay bumalik tingin nila sakin.

"Haay nako" buntog hininga nung isa. "Na apektohan saguro utak nito tsk ang bobo kase eh"

"Manahimik ka nga Ezekiel! Obvious naman na nagka-amnesia yung tao eh!" Sabat nung isang babaeng maputi.

"Manahimik nga kayo!" Suway nung lalaki na lumapit sakin kanina. Tumingin sya sa mga mata ko. "Wala ka ba talagang na aalala?"

I shook my head as a no. Nagbuntog hininga sya.

"Mahaba-habang explanation to brad, basta. Ako nga pala si Lester, ikaw si Miguel tapos kami" inikot nya yung daliri nya na-nagmomotion ng 'kami' "Ay ang mga kaklase mong natitira"

Tinitigan ko sila isa-isa. Muka naman silang mababait, at muka naman na kaibigan ko silang lahat.

"Pero teka," napalakas yung sabi ko. "Kaylan ako makakaalala?"

Ngumiti sakin yung isang babae. "Makakaalala ka din"

ngumiti na lang ako. "O-okay..."

"Mga brad, kaylangan na natin umalis dito. Baka makita pa nila tayo" sabi ni Lester.

"Teka, sinong sila?" Tanong ko.

"Sila, yung mga nilalalang na humahabol satin. 6 feet tall sila. Walang balahibo, walang mata. Pero mabibilis at malalakas ang senses nila. Meron silang matutulis na kuko at ngipin. Hindi pa alam kung san sila galing o paano sila nakapunta dito. Pero halos na angkin na nila yung mundo" page-explain ni Lester sakin.

Tumungo ako. "Eh anung mangyayari kung nahuli nila tayo?"

"Either kakainin ka nila o gagawin ka nilang isa sa kanila."

napatigil ako. anong klaseng mundo ang nagisingan ko? Mas mahirap pa at wala akong maalala.

"Guys! guys! nagtext si Kenjie sakin, nasa apartment sila ni Ishi, buhay sila! Sampu sila na nandon" sabi ng lalaking medyo kinapos sa height.

"Sige Rainpaul, tanungin mo kung sino-sino sila" sagot naman ng babae sabay tingin samin. "Tara na"

tumungo na lang kami, sabay sabay-sabay na tumakbo...

to be continued...

Grade 9 [On Hold]Where stories live. Discover now