Chapter 7:Escape

88 7 5
                                    

Miguel's POV
Nang tumigil sa paglalakad si Vaness, tumigil din kami. Humarap siya samin.

"Oh ayan" sabi niya. Nasa harap kami ng isang sports store. Merong mga pang workout na gamit dito, meron ding pang sports. Madami.

Pumasok kami sa store, pinagmamasdan ang paligid. May kadiliman pero kita naman dahil sa flashlight. May nahanap akong mga metal na bat.

"Ayos to ah" sabi ko sa sarili.

Kinuha ko ito at inexamine. Wala naman tong sira. Walang lupi. Kaya ayos na rin. Prinaktis ko ang pag swing nito.

"Astig yan ah" Narinig kong sabi ni Lester.

Hinarap ko siya. "Oo nga eh" Prinaktis ko pa mag-swing ulit.

"Wag niyo na kunin yan" Narinig naming sabi ni Vaness. Hinarap namin siya. "Meron weapon store sa third floor"

"Edi astig" sabi ni Lester.

Bigla naman sumolpot si Jen kung saan. Di na siya naka uniporme. Running shoes at pantalon na may jacket na ang suot niya.

"San ka nakakuha niyan?" tanong ko.

"Nasa mall tayo eh tungek ka ba?" Sagot naman ng putangina. Pilosopo talaga amput.

"Oy Miguel kukuha ka ba?" Di ko napansin lumayo na pala si Lester. Nandon siya sa sapatosan. Namimili ng sapatos.

"Susunod na" Sabi ko.

Nakapunta na rin ako don. Ang daming uri ng sapatos. Tapos may isang kumuha ng atensyon ko. Blue na running shoes. Sinuot ko ito. Kasyang-kasya astig. Tapos sunod damit naman.  Habang namimili ako, napansin ko na wala na ang mga girls? San kaya sila nagpunta?

"Uy guys sina Vaness?" tanong ko.

"Basta namimili ng damit, ewan ko lang kung san banda diyan" Sagot naman ni Rainpaul.

"Sino kasama nila?" Tanong ko ulit. Delikado na kasi lalo na't di zolien-free tong mall.

"Kasama nila si Vaness pati yung si Hubby ba yon?" this time si Red na ang sumagot sakin.

Kasama naman pala si Vaness eh. Pero di parin ako kampante. "Alam nyo dapat may sumunod sa kanila eh" Sabi ko.

"Chill lang kase" sabi naman ni Ezekiel.

"Nagmumukha kang atat" dagdag pa ni Jen.

"Hindi.." simula ni Lester. "Tama naman si Miguel eh. Kakakilala lang natin kay Vaness tapos sinama natin agad siya sa mga girls? Baka mapano pa sila" sabi niya. Buti pa si Lester nakakaintindi eh.

"In other words kaylangan may sumunod sa kanila. Oh sino yung may gusto? yung mabilis tumakbo"

Sabay naman na tumaas ng kamay si Johann at Aaron.

"Geh kayo na lang" sabi ko. With that being said tumakbo na sila.

-Third person

"Ano ba! ang tagal niyo naman eh!" Reklamo ni Vaness. Nasa labas kasi siya ng store. Di niya gusto ang amoy nito kaya sa labas lang siya.

"Wait lang kasi, pumasok ka kaya" Sabi ni Jeian.

"Oo nga ate Vaness para di ka mabored" Sabi naman Chienna.

"Ayoko! Amoy perfume ng babae yang store na yan! nakakasakit ng tiyan" Sagot ni Vaness.

"Edi wag ka huminga" matawa-tawang sabi ni Bea.

"Gago edi namatay ako"

Sasagot pa sana si Jeian kaya lang dumating sina Aaron at Johann. "oh Johann, Aaron. Bat kayo nandito?"

Grade 9 [On Hold]Where stories live. Discover now