Chapter 2:Gulo sa Apartment

159 10 12
                                    

"Dali! dali!" sigaw ni Lester. Hinahabol sila ng mga nilalang na tinatawag nilang 'zoliens' (zombie na aliens; si Ezekiel ang nagisip) mabibilis ang mga ito at halos maabutan na sila.

"Guys dito!" sigaw ni Andrielle. May nahanap syang akyatan na makakarating sa taas ng isang building. "sure ako di sila makakaakyat dito" dagdag pa nito.

Isa-isa silang nagsisiakyatan, yung iba muntikan pang madulas sapagkat naulan at madulas ang hagdan. Umaakyat na ang lahat, si Syllen at Brandon na lang ang natitira.

"Brandon mauna ka na" yaya ni Syllen.

Ngumiti na lang si Brandon. "De ikaw na lang" sabi nya. "Dali magbabantay ako"

"Anong bantay ang gagawin eh walis tambo lang yang hawak mo?!!"

napahigpit ang hawak ni Brandon sa walis tambo na hawak nya. "Basta ikaw na, dali.."

"Brandon!! Syllen!!! ka na!!" sigaw ni Bea mula sa taas.

Napatingin ang dalawa kay Bea, sabay balik tingin nila sa isa't isa.
"Ano? tawag ka na nila" ngiti ni Brandon.

Pro-protesta pa sana si Syllen pero narinig nya ang mga sigaw ng zoliens, ibig sabihin papalapit na sila. Sa takot, napilitan na syang umakyat ng hagdan.

"Susunod ka ha," sabi ni Syllen bago tuluyang umakyat.

Ngumiti na lang si Brandon. Pinanood nyang umakyat ang dalaga, nung malapit na sya sa taas, napapikit na lang sya.

"Tutal wala na naman si Dylene..." bulong nya sa sarili. Dinilat nya ang mga mata nya at sabay tumakbo papalapit sa mga zoliens.

Aatakihin nya ang mga zoliens para mabigyan sila ng oras tumakas.

"BRANDON!!!" Sigaw ni Syllen.

"Syllen bilisan mo na!" sigaw ni Bea.

"Pero--!!"

"Wag mo sayangen ang sakripisyo nya Syllen, may boyfriend ka pang naghihintay para sayo," paalala ni Bea.

Naalala ni Syllen ang nobyo nyang si Jared. Wala syang nagawa at pinilit ang sariling umakyat.

Samantalang si Brandon ay pinaghahampas ang mga zoliens. May isang kumagat sa paa nya kaya hinampas nya ito gamit ng tambo. May isa ding kumagat sa braso nya kaya siniko nya ito.

"GET THE FUCK OFF!!"

Kitang-kita ng mga kaibigan ni Brandon ang nangyayari. Masakit para sa kanila at masakit din para sa mga mata nila ang nasisilayan nila.

"Hahayaan lang ba talaga natin sya don?" Tanong ni Miguel. Walang sumagot sa kanya. Tinignan nya ang leader nila na si Lester. "Lester..." tawag nya dito.

Walang nagawa ang leader. Bilang leader dapat nyang protektahan ang mga nasasakupan nya at isa don si Brandon. Pero para magawa nya yon, kaylangan nya rin protektahan ang sarili nya. Hindi makapili ang leader kung ano ang gagawin nya.

Dahil sa walang nasagot si Lester, naisipan ni Miguel na sya na lang ang gagawa ng paraan. Kinuha niya ang nahanap nyang bakal na tubo nang siya ay nakaakyat. Sinuksok ni Miguel ito sa likuran nya sabay nag slide papababa.

"TANGINA MIGUEL!!" Sigaw ni Lester.

Hindi pinansin ni Miguel ang sigaw ni Lester. Patuloy lang sya sa pagtakbo papalapit kay Brandon. Pinaghahampas nya ang mga zoliens na umeepal sa daanan nya.

"Uck! tabi!" wika nito.

Halos makain na ng buhay si Brandon ng makalapit sa kanya si Miguel. Pinaghahampas ni Miguel ang mga zoliens na kumakagat kay Brandon. Sa lakas ng pagkahampas nya, napabitaw ang mga zoliens kay Brandon.

Grade 9 [On Hold]Where stories live. Discover now